Chapter 21

86.6K 2.1K 69
                                    


Chapter 21
Lucky

"Isaac, nasaan ka ba?" naiinis kong tanong kay Isaac dahil ang tagal nya na ngang sagutin ang tawag ko, late pa sya sa usapan namin.

"I'm on my way. Maraming pina-asikaso si daddy sa akin. I'm sorry, okay? I'll be there soon. I love you." nagmamadali nyang sabi bago pinatay ang tawag.

Napabuntong hininga nalang ako't pumunta nalang sa Seattle's Best upang makapagpalamig ng init ng ulo habang hinihintay ko ang pagdating ng pinag-iinitan ko.

Magtatatlong buwan palang kaming dalawa ni Isaac at simula nang maging kami ay lagi naming pinag-aawayan ang oras na nilalaan namin para sa isa't-isa.

Nagt-trabaho ako ngayon as a part-time professor and at the same time, nagma-masteral din ako. Dapat ay teacher lang ako ngayon pero nang dahil sa credentials ko ay natanggap akong professor sa unibersidad na pinagtapusan ko.

Si Isaac naman ay busy'ng-busy sa pagco-cope up dahil malapit na syang pumalit kay Tito as the CEO of their company. Sa kanya pinamamahala ngayon ni Tito ang Blue Jazz.

Iniiwasan kong mainis dahil alam kong busy sya pero hindi na ata tama yung lagi ko syang pinagbibigyan. Sa lahat ng date namin ay never pa syang naging on-time. Lagi akong naghihintay sa kanya. I'm busy too but I still can find time para makasama sya.

Tumingin ako sa relos ko't nakita kong tatlumpong minuto na ang nakakalipas magmula ng matapos ang tawag naming dalawa.

Ubos ko na ang cake at coffee'ng ni-order ko pero hindi pa rin sya dumadating.

Tumayo ako sa aking kinauupuan at naglakad palabas ng Seattle's Best. Handa ko ng i-cancel ang pagkikita namin ngayon nang biglang bumungad ang pangalan nya sa screen ng cellphone ko't tumatawag.

"Hello? El, where are you?" tanong nya sa akin.

"Uuwi na ako. May gagawin pa ako." walang kagana-gana kong sabi habang patuloy sa paglalakad.

"No! No, El!" halos nagpapanic nyang sabi. "I'm already here. Nasaan ka banda? Pupuntahan kita."

Napahinto ako sa paglalakad nang makita ko syang hinihingal at palinga-linga sa paligid.

"Lorraine--"

Napatigil sya sa pagsasalita nang makita nya akong nasa kanyang harapan at ilang dipa lang ang layo namin sa isa't-isa.

Mabilis kong binaba ang cellphone ko't ganon din ang ginawa nya saka mabilis na tumakbo palapit sa akin.

Kitang-kita ko ang pawis na tumutulo sa kanyang noo't leeg sa kabila ng fully airconditioned na mall. Halatang nagmadali sya't nagsitakbo. I suddenly feel guilty.

"I'm so--"

Bago pa sya makapag-sorry ay walang salita kong pinunasan ang kanyang pawis gamit ang aking panyo na nagpatigil sa kanya sa pagsasalita.

Hinawakan nya ang aking kamay na nagpupunas sa kanyang pawis at tinignan nya ako ng diretso.

"I'm sorry.." he sincerely apologized.

Ngumiti ako't kinurot ang tungki ng kanyang ilong. "Okay na, Isaac. I'm sorry too." sabi ko.

"No, El.." umiling sya. "Alam kong lagi akong late. I'm really sorry if I always keep you waiting. After this week, everything will be back to normal. Ihahatid kita sa work mo at susunduin din kita. Aayain kita sa labas twing break mo, magbobonding tayo sa resort. Kahit anong gawin natin basta magkasama tayong dalawa. Babawi ako sa'yo, El."

Among The StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon