Chapter 32

87.3K 2.1K 277
                                    


Chapter 32
Thank You

"How about this one?" tanong ni mommy't iniharap sa akin ang napili niyang polo shirt. "Bagay 'to sa daddy mo."

"'Mmy, kahit ano naman pong ibigay niyo kay daddy eh magugustuhan niya saka basta polo shirt, bagay 'yan sa kaniya." sabi ko dahil kanina pa ako napapagod sa kakahanap ng ibibigay naming pasalubong kay daddy.

Nabili na namin ang ibang mga paboritong pagkain ni daddy dito sa Pinas at ang binibili naman namin ngayon ay mga damit.

"Then... should I buy three different colors?" ngiting-ngiting sabi ni mommy.

"Ikaw po bahala." sabi ko nalang.

"Okay! I'll buy them." na-eexcite niyang sabi saka nagpa-assist na sa sales clerk.

Napanguso naman ako't tinignan pa ang ibang mga damit panglalaki. May isang polo'ng nakasuot sa mannequin ang nakuha ang atensyon ko.

Nilapitan ko 'yon at pinasadahan ng tingin.

"Ma'am, for gift po ba?"

Napatingin ako sa sales clerk na nakangiti sa akin na tinutukoy ang polo na aking tinignan.

"Uhmm... Tumitingin lang ako." sabi ko nalang.

"Okay po." sabi niya't lumipat sa ibang mamimili upang asikasuhin.

Muli kong tinignan ang polo't naramdaman ko ang paghawak ng isang kamay sa aking braso.

Nilingon ko naman si mommy. "You wanna buy that for Cole?" she asked me. "I mean, matagal din ang pinagsamahan niyong dalawa. Just something to remind him of you. To thank him for those years."

"I don't know, mom..." I slowly shaked my head at saka muling binalik ang tingin sa polo na sa aking harapan.

"Come on, Lorraine." Mom smiled at me. "For the last time. Thank him even he hurt you. Bago ka niya naman nasaktan, napasaya ka naman niya diba?"

I smiled back at mom and nodded.

Mom's right. There were more happy moments with him than those painful memories. Talagang mas fresh lang sa akin ang sakit dahil 'yon ang huling nangyari, ang nagsakitan kaming dalawa. But if you'll reminisce everything about the two of us, nangingibabaw at nag-uumapaw ang kasiyahang naramdaman ko nang dahil sa kaniya.

"Miss, excuse me..." I called for the clerk's attention.

"Yes, Ma'am." she approached me with a smile on her face.

"Can I ask a medium size of this shirt?" sabi ko at tinuro ang suot ng mannequin.

"Wait lang po, Ma'am." sabi niya't nagsimulang kumuha ng stock for a medium size of this shirt. "Ito po." she handed me the shirt.

I faced the shirt in front of me at saka sinuri ng mabuti. I'm definitely sure na kasya at bagay sa kaniya itong polo na 'to. It fits him.

"That will look good on Cole, El." Mom commented.

"Yeah..." sabi ko nalang at saka muling nilingon ang clerk. "I'll get this one, miss."

"Okay, Ma'am." sabi niya't muling kinuha sa akin ang shirt upang ilagay sa isang plastic. "Samahan ko na po kayo sa counter. Akin na rin po 'to."

Kinuha niya ang mga biniling polo shirt ni mommy na nakaplastic na rin at saka nagsimulang maglakad patungo sa counter upang makapagbayad na kami.

"Where do you want to eat?" tanong sa akin ni mommy nang matapos kaming mamili.

"Kahit saan po." sagot ko't lumilingon-lingon sa paligid, nagbabakasakaling makakita ng magandang makakainan.

"Ayan nanaman tayo sa kahit saan na 'yan." natatawang sabi ni mommy.

Among The StarsWhere stories live. Discover now