Chapter 26

77.6K 2K 259
                                    


Chapter 26
Wipe That Smile

Nakangiti ako habang pinagmamasdan si Martin na pinagluluto ako ng hapunan.

He insisted na siya daw ang magluto ng dinner ko dahil may bago siyang dish na natutunan at gusto niya raw na ako ang unang makatikim nito.

Bawat paghalo niya sa kaniyang niluluto ay kitang-kita ko ang pagf-flex ng kaniyang muscle na nasa ilalim ng kaniyang puting longsleeves na tiniklop niya hanggang siko.

"Can I set the table?" tanong ko sa kaniya.

Hindi talaga ako mapakali ng walang ginagawa't ayokong panoorin lang siya sa pagluluto. Naiinip ako. Baka mamaya'y makatulugan ko pa siya.

"No, you can't." maagap niyang pagbabawal sa akin.

"Yes, I can." pagpilit ko sa kagustuhan ko.

"No, you can't." ulit niya. "Just sit there. Matatapos na ako. Ako na rin ang mag-aayos ng table."

"But I want to do something to help you out.." pagdadahilan ko.

Humarap naman siya sa akin at hindi maiwasan na mapatingin ng aking mga mata sa kaniyang dibdib. Nakabukas ang tatlong butones sa itaas ng kaniyang polo na dahilan kung bakit kitang-kita ko ang magandang pagkakaguhit ng kaniyang collar bone at pati na rin ang tamang built ng kaniyang dibdib.

"Just eat what I cooked." sabi niya saka nilapag sa aking harapan ang mabangong putahe. "In that way, you already help me."

Punong-puno ng papuri ang bumuo sa hapunan naming dalawa ni Martin. Inaamin kong masarap talaga siyang magluto. Nagtataka nga ako kung bakit mas napili niya ang mag-invest nalang sa mga kompanya instead of investing his own restaurant since mahilig siyang mag-imbento ng mga recipes at mahilig din siyang magluto.

"Nga pala.. Kate asked for a night out tonight." bigla kong sabi sa gitna ng aming pagkain.

Kita kong bahagya siyang napatigil sa pagsubo ngunit agad ding bumalik sa realidad.

"Night out?" he asked. "Mukhang napapadalas na ata ang paglabas-labas niyo."

"It's some kind of a routine na. Lalo na't malakas ang impluwensya ni Kate. Plus, mababait naman kaming tatlo kapag nagni-night out." dahilan ko.

Kate's okay with me and Martin. Although, wala naman talaga kaming label ni Martin. We're still friends. Besides.. alam ko sa sarili kong hindi pa ako tuluyang nakakamove on kahit na hindi ko na naiisip si Isaac.

May mga oras lang talaga na bigla siyang papasok sa isipan ko.. gaya ngayon.

I just took Kate's advice to let Martin in my life kaya heto kami ni Martin ngayon. Isang beses ay kumain na kaming apat nila Mel, Kate, Martin at ako. Wala naman naging problema. Kate's cool with it.. yun ang pinapakita niya sa amin. She's even chatting with Martin openly at minsan ay si Martin pa ang nagmumukhang awkward.

"That's not a good routine or habit para sa inyong tatlo. Lalo na't mga babae kayo." pangaral ni Martin.

"Relax, Martin. We're partying in a safe way at isa pa'y kasama ka naman madalas diba?" I pointed out. "At saka.. hindi naman talaga kami magni-night out ngayon."

"Then what happened at bigla kayong lalabas?" he asked curiously.

"Ang sabi ni Kate ay may ipapakilala daw siya sa amin." sabi ko.

Nakita kong mas nakuha ko ang atensyon ni Martin nang dahil sa binitawan kong sagot.

"Of course, Mel and I wouldn't pass this kind of opportunity. We said yes to Kate. Gusto naming makilala ang ipapakilala niya." pagdadahilan ko.

Among The StarsWhere stories live. Discover now