Chapter 22

82.4K 1.8K 59
                                    


Chapter 22
Towers

Mabibigat ang aking paghinga habang binabasa ang mga kailangan kong reviewhin para sa exam ko bukas sa graduate school.

Madali lang sanang intindihin ang mga librong nasa harapan ko kundi lamang lumilipad ang isipan ko sa ibang bagay o maging tao.. kagaya ng fiancé kong nagtatampo sa akin.

Muli kong tinignan ang cellphone ko't nakitang wala pa rin syang text sa akin. Alam kong dapat ay matagal na akong sanay sa pagiging matampuhin ni Isaac pero iba pa rin pala dahil hindi ko na sya bestfriend ngayon kundi fiancé ko na.

Finals ko kasi ngayon sa graduate school at kailangan kong magconcentrate. Alam ko sa sarili kong hindi ako makakapagconcentrate kapag kasama o kausap ko sya kaya sinabi ko sa kanyang bigyan nya ako ng dalawang linggo. A week for review and a week for our exam week. Pero sinabi ko rin sa kanya na kapag marami akong oras ay hindi abala sa pag-aaral ay itetext ko sya hangga't kaya ko.

"Ayaw mo na akong kausap no?" nakanguso nyang tanong sa akin.

Kumunot naman ang aking noo. "Tumigil ka nga sa pagtatampo mo. Hindi bagay." sabi ko. "Alam mo namang sobrang busy ko. Nag-aaral ako't nagt-trabaho at the same time. Finals exam ko pa kaya kailangan kong magfocus."

"Dapat kasi'y hindi ka nalang pumasok sa graduate school. Dapat hindi ka na nagmasterals. Ayos lang naman ah. Naging professor ka nga even though na hindi ka pa nakakapagmasters." wika nya.

"Isaac, I still have a lot to learn tungkol sa degree'ng kinuha ko. Ayoko namang maging kulelat sa mga prof na kasabayan ko." paliwanag ko.

"Lorraine." ginaya nya ang tono ng pagsambit ko sa kanyang pangalan. "Hangga't nabubuhay tayo, nag-eevolve ang lahat. Pati na rin ang education. Lagi silang may mahahanap na bagong study tungkol sa degree mo. Ano 'yun? Habang buhay kang mag-aaral?"

"Don't be sarcastic, Isaac." sabi ko. "Alam kong alam mo ang ibig at gusto kong iparating sa'yo."

Napabuntong hininga naman sya't sumandal sa may sofa.

"Ang hirap lang kasi talaga kapag nagkakalayo tayo.." bigla nyang sabi. "Parang laging may kulang. Parang hindi tama ang lahat ng nangyayari."

Nawala naman ang kaunting inis na nararamdaman ko kay Isaac nang sabihin nya 'yon.

"It's not like I'm going somewhere far.." katwiran ko. "Dito lang naman ako. We can still talk kapag hindi ako masyadong nagpapakasubsob sa pag-aaral."

"I just don't to go through that again, Lorraine." aniya. "Nung mag panahong busy ako sa Blue Jazz, alam mo ba kung gaano ako kahirap dahil hindi kita makausap at makasama ng maayos at mas matagal. It's making me crazy, El. It felt so incomplete."

Napatahimik ako sa mga binitawan nyang salita at magsasalita na sana ako ulit nang bigla syang tumayo mula sa pagkakaupo.

"I'll go now. I'll give you what you want." bahagya syang ngumiti sa akin at saka tuluyang lumabas ng aming bahay.

Magmula non ay hindi na nya ako kinakausap. It's been five days at nababaliw na ako. Alam kong ako ang nanghingi sa kanya ng ganito pero hindi 'yung sa pamamaraan na ginagawa nya. Mas lalo akong hindi nakakapagfocus ng maayos sa mga inaaral ko.

Kamuntikan ko nang maihagis ang libro ko nang biglang tumunog ang cellphone ko.

Todo ngiti ako sa pag-aakalang si Isaac ang tumatawag sa akin ngunit nang makita kong rumehistro ang pangalan ni Mel ay nawala ang mga ito.

Huminga ako ng malalim saka sinagot ang kanyang tawag. "Hello?" walang kagana-ganang sabi ko.

Nang maitapat ko ng maayos sa aking tenga ang cellphone ay bumungad sa akin ang ugong ng malalakas na tunog. Tanga nalang siguro ang hindi makakahula kung nasaan sya ngayon.

Among The StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon