Chapter 9

94.2K 2.7K 335
                                    


Chapter 9
I Wish

"Mukha kang tanga alam mo ba yun?" natatawang sabi sa akin Martin nang may ni-try akong damit.

"Pwede bang sabihin mo nalang kung bagay sa akin o hindi at hindi yung kung anu-ano pa 'yang kino-comment mo?" nakabusangot kong sabi sa kanya.

Ngumisi naman sya sa akin at nagpeace sign. I just rolled my eyes sa kanya.

"Try this one. I think this one's good with you." aniya't binigay sa akin ang isang black casual dress.

"Pag ako ininis mo nanaman, kakaltukan na talaga kita." banta ko sa kanya't bumalot sa tenga ko ang kanyang pagtawa bago pa ako tuluyang malapasok sa fitting room.

"Why are you so hard on me?" natatawa nyang sigaw habang ni-ttry ko ng suotin itong binigay nyang dress.

Hindi nalang ako nagsalita't inayos ang laylayan ng dress at nilagay sa isang side ng balikat ang aking buhok bago tumalikod at lumabas ng fitting room upang maipakita kay Martin ang naging resulta ng pagsuot ko ng dress.

Nang makita nya ako'y napaawang ang kanyang bibig at seryosong tumingin sa akin.

"Okay..." he trailed off. "Now I'm the one who's getting hard."

Mabilis kong kinuha ang hanger na galing sa dress at binato sa kanya na tinamaan naman sya sa kanyang tiyan.

"Now that hurts!" aniya't natatawang pinulot ang hanger.

"Kailan ka ba magseseryoso?" inis ko ng tanong sa kanya.

"I'm serious earlier pero biglang may tumamang lumilipad na hanger sa akin na alam kong galing sa kamay ng babaeng kaharap ko." paliwanag nya saka inabot pabalik sa akin ang hanger.

"Okay." I tried to calm myself. "Sorry." I managed to say.

Ngumiti naman sya sa akin. "That's enough for me." sabi nya.

I just rolled my eyes on him saka tumayo ng maayos.

"Bagay na ba?" bored na tanong ko sa kanya.

Ngumuso sya't humalukipkip. "Turn around please." utos nya.

Huminga naman ako ng malalim at ginawa ang utos nya sa akin.

"Now what?" tanong ko. "Bagay ba sakin?"

Kung hindi pa rin bagay sakin 'to ay hindi na ako bibili ng damit ngayon at saka nalang kapag ako na mag-isa. Pakiramdam ko kasi'y lahat ng damit na nagugustuhan ko ay hindi bagay sa akin dahil 'yon ang sinasabi ni Martin.

"It looks good on you." he complimented. "Beautiful I must say." he added.

Kinagat ko naman ang aking ibabang labi nang dahil sa kanyang sinabi tungkol sa akin.

"You should dress more often than wearing jeans or shorts. Skirts will also do but.. not so short na makikita na yung panty mo." he boldly said at mabilis nawala ang aking ngiti.

Minsan may maganda naman syang nasasabi pero hindi pa rin nawawala ang kamanyakan nya sa kabila ng mga magagandang salita na 'yon.

"Panira ka talaga ng mood eh noh." inirapan ko nalang sya't muling bumalik sa loob ng fitting room.

Hinubad ko na ang dress at inayos sa pagkakalagay sa hanger saka nagbihis ng aking suot na damit kanina bago lumabas.

"You'll buy that dress?" tanong nya sa akin ng makalabas ako.

"Oo." simple kong sagot.

"Yan lang ang bibilin mo?"

"Ano pa bang bibilin ko eh ito lang ang bumagay sa lahat ng sinukat ko?" sarkastiko kong tanong sa kanya't muli syang natawa.

Among The StarsWhere stories live. Discover now