Chapter 13

86K 2.5K 238
                                    


Chapter 13
Let Go

Tahimik lang kami ngayong kumakain ni Isaac dito sa kanilang bahay. Ni isa'y lalo na si Isaac ay walang balak na magsalita't nakatulala lang habang kumakain na para bang wala sya sa sarili.

Ang akala ko pagkatapos ng lahat.. pagkatapos nyang makipaghiwalay kay Rona ay babalik na ang lahat sa dati pero mukhang mas lumala pa ata. Parang mas lalo lang syang nawala sa akin.

Umiling naman ako't I erased all the thoughts in my head saka ngumiti't nag-angat ng tingin sa kanya.

"Isaac, punta tayo sa mall." masayang pag-aya ko sa kanya. "Magaganda ang mga movie'ng showing ngayon."

Tamad syang nag-angat ng tingin sa akin at umiling. "Ikaw nalang." sabi nya't mabilis na nalaglag ang balikat ko. "I'm not in the mood to watch some movies."

"How 'bout sa arcade nalang--"

"And to play games.." dagdag nya na nagpaputol sa akin sa pag-aaya sa kanya.

Napayuko nalang ako't kinagat ang aking ibabang labi saka binaba ang kutsara't tinidor na aking hawak.

"I'm done eating." sabi ko't tumayo ako.

"Hindi mo pa nauubos ang pagkain mo." pagpigil nya sa akin ng tignan nya ang aking plato.

"May mga gagawin pa ako. Sa bahay nalang ulit ako kakain." sabi ko nalang at nilagay na sa kanilang sink ang pinagkainan ko.

Nilingon ko muli si Isaac at tahimik parin syang inuubos ang kanyang pagkain.

"Uwi muna ako sa amin." paalam ko. "Aalis na ako."

Bahagya akong nilingon ni Isaac at tumungo. "Okay. Ingat." simpleng sabi nya't muling bumalik sa kanyang pagkain.

Napahinga nalang ako ng malalim at mabilis syang nilagpasan para makauwi na dahil mukhang ayaw nya naman akong nandito sa kanila.

I can feel his cold distance towards me. Hindi nya man lang ako hinatid sa bahay namin gaya ng lagi nyang ginagawa dati kahit na magkatabi lang ang bahay namin.

Nagkulong lang ako sa aking kwarto't punong-puno ng kung anu-anong bagay ang isip ko nang kinatok ako ni manang.

"Lorraine.. El, merong naghahanap sayo sa baba." sabi ni manang.

Kung sino man ang naghahanap sa akin sa baba, I'm pretty sure that it's not Isaac dahil kung si Isaac 'yan ay sasabihin agad 'yon ni manang.

Mabilisan kong inayos ang aking sarili bago ko napagdesisyunang bumaba na't napatigil ako nang makita ko si Martin na nakikipagtawanan kay manang.

Why is he here? Hindi nya ba alam ang nangyari kay Isaac at Rona? Na ako ang dahilan kung bakit sila naghiwalay?

"Martin.." I called him at nag-angat naman sya ng tingin sa akin saka ngumiti.

"Oh sya't ayan na pala si Lorraine. Maiwan ko na kayo dyan." paalam ni manang at naglakad patungo sa likuran ng bahay. Siguro'y naglalaba sya ngayon.

Nag-aalangan akong lumapit kay Martin at umupo sa tapat nya.

"Uhmm.. bakit ka napunta dito?" tanong ko sa kanya.

He smiled at me. "I want to visit you." simpleng sagot nya sa akin. "Bakit? May lakad ka ba ngayon or naistorbo ba kita?"

Umiling naman ako. "Hindi ko lang inakalang pupunta ka."

"Sasabihin ko sana sayo pero gusto kitang supresahin sa pagbisita ko and.. " kinuha nya ang kanyang backpack at naglabas ng maraming snacks saka dvd. "Plano kong magmovie marathon tayo. Nagdala ako ng iba't-ibang genre ng movie since hindi ko naman alam kung ano ang gusto mo."

Among The StarsWhere stories live. Discover now