Chapter 8

90.9K 2.6K 241
                                    


Chapter 8
Answer

Inaayos ko ang aking buhok at tinali ito into half ponytail ngunit hinayaan ko pa ring nakalaglag ang aking bangs nang biglang tumunog ang aking cellphone.

"Hello?" sagot ko dito nang maitapat ko sa aking tenga.

"Hello, bae!" masayang bati nya't inilayo ko muna ang cellphone sa aking tenga sa sobrang lakas ng pagkakabati nya sa akin.

"Bae? Bae mo mukha mo!" sabi ko sa kanya ng mabalik ko ang cellphone sa tapat ng tenga ko.

Humalakhak naman sya sa akin sinabi. "Mahal na mahal mo talaga ako eh noh?" mapang-inis nyang sabi.

"Pwede ba, Martin? Tigil-tigilan mo muna ako dahil baka hindi kita matantiya't masapak kita." nanggigigil ko ng sabi sa kanya.

"You can't do that, bae." aniya't rinig na rinig ko ang kanyang pagngisi. "I'm not with you. You can't touch my body."

"Halika dito't sasapakin kita at hindi na ako magdadalawang isip na gawin 'yon." hamon ko sa kanya.

"Yiee! Gusto nya akong makasama." mapang-asar nyang sabi sa akin.

"Magtigil ka nga, Martin at bilisan mo na dahil naiinip na ako." sabi ko sa kanya't umupo sa aking kama.

Muli nanaman syang tumawa dahil alam nyang nagtagumpay sya sa pang-aasar sa akin. "Okay na po. Just wait." sabi nya.

"Ingat. Bye." sabi ko't binaba ko na ang tawag bago pa sya makapagsalita ulit.

Napailing nalang ako't hindi ko na napigilan ang sarili ko na bahagyang matawa nang dahil sa kakulitan ni Martin.

Kahit na madalas syang nakakainis kaysa nakakatuwa ay hindi ko pa rin maitatangging napapasaya nya ako.

"El?"

Halos mapatalon ako sa boses na aking narinig at mabilis na napalingon sa pintuan ng aking kwarto kung saang nakasilip doon si Isaac na nag-aalangang pumasok sa loob ng kwarto ko.

"Isaac.." marahan kong pagkakasambit ng kanyang pangalan.

Hindi ko inaasahan na pupunta sya dito ngayon sa amin dahil halos isang linggo na rin kaming hindi nagkakausap at nagkikita.

"Can I... uhmm... Can I come in?" tanong nya sa akin at akmang bubuksan na ng tuluyan ang aking pintuan upang makapasok na sa loob.

"Okay." tumango ako't tipid na ngumiti sa kanya.

Ang sabi ni Martin, kapag gustong makipag-usap sa akin ni Isaac ay pumayag ako ngunit kailangan kong limitahan ang aking sarili. Hindi pwedeng katulad pa rin kami ng dati. Dapat ay iparamdam ko pa rin kay Isaac ang mga nawala at nagbago sa aming dalawa.

"Uhm.. mukhang may lakad ka ah." puna nya nang makaupo sya sa bean bag.

"Oo eh." sagot ko nalang saka umupo sa aking kama at hinarap sya upang mas makita ko sya ng maayos.

Hindi ko maipagkakailang nakakamiss sya. Sobrang nakakamiss sya dahil ilang araw din kaming hindi nagkita't nagkausap. Hindi pa rin ako sanay na ganito ang aming sitwasyon kahit na ako naman ang humiling ng distansya sa pagitan naming dalawa.

Sino ba naman ang agad-agad na masasanay kung nawala ang isang bagay na nakasanayan mo na?

"Then I guess, I cant have you all day right?" tanong nya sa akin at sumilay na ang ngiti sa kanyang labi.

Umiling naman ako agad sa kanyang tanong. "Sorry. I already have my plans for today." sabi ko nalang sa kanya. "Why dont you just go out with Rona?"

Among The StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon