Chapter 5

96.3K 2.5K 72
                                    


Chapter 5
Talk

"El, nandyan si Isaac sa baba. Sinusundo ka nya. Sabay na daw kayong pumasok." ani Manang pagkabihis ko.

Napabuntong hininga naman ako't tinignan si Manang. "Pakisabi pong nakaalis na ako. Na akala nyo po nandito pa ako pero nakaalis na po pala ako. Kapag tinanong nya po kung bakit nandyan pa yung kotse, pakisabi nalang pong naalala nyo po na sabi ko kagabi'y susunduin ako ni Mel dito sa bahay para sabay kaming umalis upang tapusin ang project namin."

"El.. inuutusan mo ba akong magsinungaling?" tumaas ang kilay ni manang sa akin.

"Alam ko pong masamang magsinungaling pero please po, Manang.. I just really need to stay away from him." sabi ko't halos magmakaawa na ako.

Napabuntong hininga naman si manang. "Oh sige!" pagpayag nya. "Pero sana'y kung ano man ang alitan nyong magkaibigan ay maayos nyo na. Kung kailang matatanda na kayo, saka pa kayo nag-away ng ganyan." pangaral sa akin ni manang saka lumabas ng aking kwarto.

Yun na nga, Manang eh. Tumanda na kami kaya alam na namin ngayon kung ano talaga ang gusto namin. Alam na namin ngayon kung saan kami dapat lumugar at hindi na 'yon sa tabi ng isa't-isa dahil may kaniya-kaniya na kaming buhay.

Nagpalipas muna ako ng ilang minuto bago nagpasyang bumaba na upang kumain ng almusal at nakahinga naman ako ng maluwag nang makita kong wala si Isaac pagkalabas ko ng bahay.

Masaya akong nagdrive papuntang school at pagkababa ko ng sasakyan ay parang gusto ko nalang ulit na pumasok sa loob nang makita ko syang naghihintay sa may gate at nakahalukipkip.

Nang mapalingon sya sa akin ay agad akong umiwas ng tingin at nag-isip kung papaanong pag-iwas ang dapat kong gawin.

Huminga naman ako ng malalim at nagdire-diretso papasok na para bang hindi ko sya nakitang nakatayo doon.

"I thought you already went to school with Mel pero nakita ko syang kasama si Kate sa loob and there's no sign of you." salubong nya sa akin at sinundan pa ako kahit na nilagpasan ko na sya.

"That's what you thought. Not my problem anymore." I shrugged at nakita sila Mel at Kate sa di kalayuan.

"That's what manang told me. Of course maniniwala ako sa kanya. Never pa syang nagsinungaling." sabi nya sa akin.

Agad naman akong nakaramdam ng konsensya sa kanyang sinabi dahil ako ang dahilan kung bakit nagsinungaling si manang.

"Hindi nga. Siguro hindi ang napansin ni manang na nandoon pa ako kaya kala nya umalis na ako. Hindi kasi natuloy pagsundo nila Mel sa akin kanina. Kaya pala nagulat sya ng makita nya akong pababa papuntang kusina kanina." palusot ko nalang nang hindi ko sya tinitignan sa kanyang mga mata dahil agad nyang malalaman ang pagsisinungaling ko.

"Did she told you na pumunta ako?" umaasa nyang tanong.

"Oo." simple kong sagot sa kanya.

"Then why didn't you call after that para masundo kita?" tanong nya sa akin.

"Why would I do that?" sabi ko nalang at naramdaman ko ang paghinto nya't hindi nya pagsabay sa aking paglalakad.

"El, why are you being like this?.." tanong nya sa akin at napahinto din ako sa paglalakad.

Nakita kong tinuro ako ni Mel at mabilis na lumingon sa amin si Kate bago ko nilingon si Isaac.

"This is also for you, Isaac." sabi ko nalang. "One day you will thank me for this." binigyan ko sya ng isang ngiti bago sya tinalikuran at nagmadaling pamunta kila Mel.

Pagkarating ko sa kanilang pwesto ay agad nila akong pinagtatadtad ng mga tanong.

"Did you really end it between you and Cole?" tanong sa akin ni Kate.

Among The StarsWhere stories live. Discover now