Chapter 6

90.2K 2.7K 641
                                    


Chapter 6
Stranger

Sinundan ko lang si Rona kung saan nya mn gusto kaming mag-usap at umabot kami sa may parking kung saan malapit ang aking sasakyan.

Namataan ko rin ang sasakyan ni Isaac ba nakatapat lang ng sa akin.

Nang huminto sya'y agad rin akong huminto't hindi rin nagtagal ay humarap na sya sa akin.

"Uhmm.. sorry to disturb your evening." paghingi nya ng paumanhin sa akin. "I'm planning on talking to you bukas sana pero ito na yung chance at alam kong oras para kausapin kita."

Napakunot naman ang noo ko't binalak nya na pala ang schedule na kausapin ako.

"No, it's okay." sabi ko nalang. "Ano ba ang gusto mong pag-usapan?" tanong ko sa kanya.

Kinagat nya naman ang kanyang ibabang labi't pansin ko ang hindi mapakaling mga daliri nya't alam kong nag-aalangan sya ngayong kausapin ako.

Guess, I'm intimidating her too much.

"You look so nervous.." puna ko sa kanya't napa-angat naman sya agad ng tingin sa akin. "Wag kang mag-alala. I wont bite." at binigyan ko sya ng isang matamis na ngiti.

Sa tingin ko'y mas napanginig ko lang ang buong sistema nya nang ngitian ko sya.

I didn't know that Isaac's now into coward girls. But I guess, it doesn't matter dahil ang hinahanap naman na katangian ni Isaac ay may motherly love, care and instinct. Guess she have all those traits.

"Yes.." mahina nyang sabi't taas-noong tumingin sa akin. "Yes, I know that you're special and important to Isaac. That you're his bestfriend. That you're his chilhood buddies and sweetheart I may add pero everything's different now."

"What do you mean?" naningkit ang aking mga mata sa kanya.

"May girlfriend na sya.. at ako 'yon." she stated.

"Alam ko. You dont have to remind me about your relationship with him." mariin kong sabi sa kanya.

"Alam kong sasabihin mo 'yan. Of course you know it dahil magbestfriend kayo. Pero hindi 'yon ang punto ko." aniya. "My point is sana'y bigyan mo ako ng pagkakataon na ako naman. Yung ako lang.."

Hindi ako makapaniwala ngayon sa mga naririnig ko galing sa kanya. Para syang naghihingi ng limos sa akin.

"Ilang taon mo na syang nakasama. Parang magkapatid na nga kayo diba? Pero alam mo ba yung sinasabi ng mga tao sa paligid ko?" naiiyak nyang tanong sa akin. "They're telling me na sagabal ako sa lovelife nyo. Na kaya lang naging kami ni Cole dahil hindi pa kayo. Na iiwan din ako ni Cole dahil kayong dalawa talaga ang para sa isa't-isa. That I'm nothing compared to you dahil mas mahal ka raw ni Cole kaysa sa akin. Alam mo ba kung gaano kasakit 'yon?..."

Ibis na maawa ako sa kanya'y hindi ko alam kung bakit umiinit lang ang ulo ko nang dahil sa mga sinasabi nya sa akin.

"Ako yung girlfriend eh.. pero bakit puro ikaw nalang? Ang sakit at ang hirap makumpara sayo dahil alam kong wala naman akong laban." iyak nya.

"Why are you so insecure about me?" hindi ko na mapigilang tanungin sya't awatin na sya sa kanyang pagd-drama.

Nakita ko naman na napatigil sya't hindi nya inaasahan ang tanong ko sa kanya.

"If you'll answer that you're insecure dahil mas matagal kong kilala si Isaac na Cole ang tawag mo't mas matagal ko syang nakasama.. hindi 'yon sapat na dahilan." sabi ko. "Can't you see it, Rona? Ikaw ang girlfriend nya."

Bahagya akong lumapit sa kanya't huminga ng malalim saka nagsimula muling magsalita nang mapigilan ko ang sarili ko na mahawakan sya sa inis na nararamdaman ko.

Among The StarsWhere stories live. Discover now