Chapter 40

105K 2.1K 235
                                    

This is the last chapter! Thank you!

------------------

Chapter 40
Final

Bago ang alis namin patungo sa Boracay ay ni-tour ko na si Angelo sa mga famous tourists spots dito sa Davao. I really did everything just to spend the few days left that he's here with me worth it.

"Nandiyan na pala sila. Ang aga niyo ah." Mel's voice was full of sarcasm that made Angelo and I laugh.

"Sorry. I overslept." paghingi ng paumanhin ni Angelo.

"Madaling araw na rin kami nakauwi kanina kaya tinanghali ng gising itong si Angelo." pag-eexplain ko.

"It's okay, Lorraine." nakangiting sabi ni Kate sa akin.

"So, here's your ticket." sabi ni Mel at binigay sa aming dalawa ni Angelo ang plane ticket. "You'll sit with me, El. Si Cole at Angelo ang magkatabi."

My eyes widened nang dahil sa sinabi ni Mel. Is she serious? Pagtatabihin niya si Angelo at Isaac?

"Are you out of your mind, Mel?" mariin kong bulong sa kaniya.

"Sinusunod ko lang ang gusto ng nagbayad ng lahat." sabi niya sa akin. "Buti nga hindi kayo yung magkatabi eh. Ayaw mo ba akong kasama?" ngumuso pa si Mel.

"Of course, I do." sabi ko.

Okay lang naman sa akin ang katabi si Mel. Sadyang nababahala lang ako kung si Isaac at Angelo ang magkatabi. Pakiramdam ko'y may hindi magandang mangyayari kapag nagkasama silang dalawa.

"Cole's back." biglang sabi ni Martin.

Mabilis kong nilingon si si Isaac na ngayon ay kinukuha ang kaniyang duffel bag sa may mga upuan bago ito tumayo ng maayos at hinanap ang aking mga mata.

Magmula nang huling pag-uusap namin ay ngayon ko nalang siya ulit nakita dahil kami nga ni Angelo ang magkasama nitong mga nakaraang araw.

"Let's go." pag-aaya niya sa amin at iniwas din ang kaniyang tingin sa akin.

"Okay!" masayang sabi ni Mel at kinuha ang kaniyang bag saka ako hinatak upang hindi na ako makaalis pa sa kaniyang tabi.

Nasa first row kami ni Mel. Nasa likuran naman namin sila Kate at Martin habang nasa pinakadulo sila Angelo at Isaac na mas lalo kong ikinabahala dahil hindi ko mababantayan ang kanilang galaw.

"Relax, Lorraine. Chill." sabi ni Mel at nginitian niya ako.

I took a deep breath and nodded at Mel. Mel's right. I should relax. Alam ko sa sarili kong hindi naman gagawa ng ayaw ko ang dalawang 'yon.

Kahit sandali lang ang flight ay nakatulog pa rin ako nang dahil sa antok kaya naman nagsuot na ako ng wayfarers upang hindi mahalata ang namumungay kong mga mata pagkababa ng eroplano.

We took a van papunta sa dock kung saan kami sasakay ng bangka papunta sa isla ng Boracay.

Nakatingin lang ako kay Angelo buong biyahe papunta sa isla dahil tahimik lang siya't hindi nagsasalita na para bang napakalalim ng kaniyang iniisip. I really want to talk to him ngunit lagi akong kinakausap ni Mel kaya nawawalan ako ng pagkakataon.

I'm pretty sure na may napag-usapan sila ni Isaac kaya siya nagkakaganito ngayon and I want to know kung ako 'yon.

"I'll get another room for Kate and I." sabi ni Martin nang makarating kami sa hotel na aming pags-stayan. "I got this, Cole." pahabol nito nang makitang naglalabas na ng wallet si Cole.

He's really willing to pay for everything like he said.

"So, kami nanaman ang magkasama ni Lorraine tapos si Cole at Angelo." sabi ni Mel.

Among The StarsWhere stories live. Discover now