Chapter 27

76.4K 2K 559
                                    


Chapter 27
Memory

Kinagat ko ang aking ibabang labi nang makita ang bumungad sa aking singsing nang buksan ko ang paghuling drawer ng aking study table dito sa bahay.

Umuwi muna ako ngayon para kunin ang importanteng gamit na nakalimutan kong dalin sa aking condo at kahapon ko lang din naalala.

Kinuha ko ito't sinuri sa aking paningin at isasara na sana ang drawer nang makita ko ang pamilyar na photobook ko noong bata pa kaming dalawa ni Isaac.

Pagkabukas ko ay tumambad sa akin ang picture naming tatlo ni Isaac at Tita Alessandra, ang kaniyang mommy. Naka-akbay si Tita sa aming dalawa ni Isaac habang nakaluhod ito upang pumantay sa laki namin. May mga iba pang litrato na magkasama ang dalawang pamilya namin ni Isaac in different occasions.

Napatigil ako nang ilipat ko sa huling pahina ang photobook and felt my eyes got teary.

"I miss you, Tita.." I whispered habang tinitignan ang picture na mayroon ako kasama si Tita. "I really do.."

Pumikit ako't niyakap ang photobook.

Hindi ko mapigilan ang sarili kong maging emotional habang inaalala si Tita Alessandra. She means a lot to me. Siya na ang naging pangalawang nanay ko lalo na kapag busy si mommy sa trabaho noon dahil housewife lang si Tita. Siya ang madalas na umaasikaso sa akin at syempre'y pati na rin sa sarili niyang anak.

Matagal na magmula pa ng huling pagbisita ko sa puntod ni Tita. Maybe she wanted me to visit her kaya siya nagpaparamdam through these photos.

"Wait for me, Tita.." I uttered to our picture at saka isinara ang photobook.

Nilagay ko ang photobook sa dala-dala kong bag at pati na rin ang iba pang importanteng bagay na kailangan kong ilipat sa condo bago lumabas ng aking kwarto't bumaba na.

"Kakauwi mo lang tapos ay aalis ka na agad." nagtatampong sabi sa akin ni Manang. "Akala ko'y dito ka magpapalipas ng gabi. Nagluto pa naman kami ni Kamila ng pagkain para sa pag-uwi mo."

Nilingon ko naman si Kamila na nakangiti sa akin. Siya ang paboritong apo ni Manang. Wala na ang kaniyang mga magulang kaya si Manang nalang ang nag-aalaga't nag-aasikaso sa kaniya. Minsan nga'y nag-guilty ako dahil imbes na siya ang inaalagaan ng kaniyang lola ay nagiging ako. Pakiramdam ko'y nakikihati ako sa isang bagay na dapat ay sa kaniya ng buo.

Buti nalang talaga't umalis ako sa bahay at nakatira na ngayon dito si Kamila sa amin kasama si Manang. Mas magkakaroon na sila ng oras sa isa't-isa.

"Oh sige po.." I sighed and smiled. "Dito nalang po ako kakain ng hapunan bago bumalik sa condo. Pero aalis po muna ako dahil may kailangan po akong puntahan. Babalik nalang po ako mamayang dinner paa masabayan kayo sa pagkain."

"Kung ganoon ay lumarga ka na't baka mahuli ka pa sa lakad mo." ani Manang. "Hihintayin ka nalang namin ni Kamila mamayang gabi."

Tumango naman ako't ngumiti saka nagpaalam sa kanilang dalawa bago tuluyang umalis ng bahay.

Dumaan muna ako sa nearest flower shop upang bumili ng paboritong bulaklak ni Tita as a gift sa pagdalaw ko sa puntod niya bago dumiretso sa may sementeryo.

"Hi, Tita.." nakangiting bati ko sa kaniya and I knelt down upang malapag ng maayos ang bulaklak na aking dala para sa kaniya.

Huminga ako ng malalim at naramdaman ang malamig na pag-ihip ng hangin na nanunuot sa aking balat.

I hugged myself at mas lalong napangiti.

"Sorry po kung ngayon ko nalang po ulit kayo nadalaw." paghingi ko ng pasensya. "Masyado lang pong naging magulo ang buhay these past three months. I'm trying my best to fix my life that I forgot you.. I'm sorry po."

Among The StarsWhere stories live. Discover now