Chapter 2

118K 3K 233
                                    


Chapter 2
Distractions

"I dont want to go home!"

Nilingon ko naman si Isaac na parang batang nakanguso pa habang nagrereklamong ayaw nya pang bumalik ng Davao.

"Isaac, dont act like a kid. Nakakahiya ka." masungit kong sabi sa kanya.

Mabilis nya naman akong nilingon ng nakasimangot. "It's because you dont understand how I feel dahil lagi kang pumupunta dito sa Manila or somewhere here in Luzon."

"You have the money, Isaac. Kayang pumunta dito ng isang pitik lang. Ako pumupunta dito dahil umuuwi si Daddy. That's all." I defended my side.

"But still you dont understand." humalukipkip sya sa akin.

"Eh di hindi." sabi ko nalang upang hindi na lumala ang walang kwentang bagay na pinagtatalunan naming dalawa.

Narinig ko naman syang napahinga ng malalim saka hinawakan ako sa aking braso. "Sorry.." he uttered. "But promise me na sa susunod na pagbalik ko dito, ikaw pa rin kasama ko okay?"

Tumingin naman ako sa kanya't tumango saka sya binigyan ng isang ngiti.

Muntikan ko ng mahagis ang iPad ko habang ni-cocollage ko ang pictures namin ni Isaac at ginagawan ng video para sa kanyang nalalapit na birthday nang dahil sa malakas na pagbagsak ng aking pintuan at lalo na ng lumubog ang dulong bahagi ng aking kama.

"Isaac!" singhal ko. "Nakakagulat ka naman. Hindi ba talaga uso sayo ang kumatok?" inis kong tanong.

Lumingon naman sya sa akin at umiling saka humiga sa kama ko na nakaulo sa aking hita.

"Dont tell me na wala na kayo ni Thel?" I asked him kahit na itsura nya palang ay alam ko ng wala na sila.

Ganito sya lagi twing makikipaghiwalay sa mga nagiging ka-mu nya. Lagi syang parang problemado na pinagbagsakan ng langit at lupa kahit na sya naman ang nakikipaghiwalay.

Minsa ay hindi ko talaga maintindihan 'tong si Isaac at kung bakit ko ba sya naging bestfriend.

"Uhuh." tamad nyang sabi't ipinikit ang kanyang mga mata.

"Bakit? Wala pa kayong one month ah? Ang bilis naman ata." sabi ko.

Napahinga naman sya ng malalim at bumangon mula sa pagkakahiga sa aking hita't nilingon nya ako saka pinakita ang kanyang cellphone sa akin kung saang nandon ang conversation nila ni Thel.

"She's so clingy, El." inis na sabi ni Isaac. "Alam mong ayaw ko ng ganyan."

True. Basa ko dito sa text nilang dalawa na sinasabi pa ni Thel na kapag hindi sila ulit nagkita ni Isaac ngayon ay maghihiwalay silang dalawa at ititigil kung ano ang meron sa kanilang dalawa and Isaac just answered 'okay' with a smiling emoji na sinundan naman ng flood na text ni Thel that she's sorry at nadala lang sya ng feelings nya dahil sa sobrang pagtatampo kay Isaac kaya nya nasabi 'yon.

"Gusto nya araw-araw kaming nagkikita. Kaya madalas akong hindi makapunta sa inyo." he explained. "She's caring and sweet but I just really hate clingy girls. I still have my own life too. And besides, hindi pa naman kami para maging ganon sya ka-clingy."

"Sinabi ko naman kasi sayong tama na 'yang kaka-experiment mo sa nga babae eh." sabi ko nalang at tumayo sa aking kama upang i-charge ang aking iPad.

"But how will I know if she's the one kung hindi ko susubukan diba?" katwiran nya sa akin.

Tamad ko naman syang nilingon saka humalukipkip. "Isaac, kusang dumadating 'yang the one na sinasabi mo. Hindi mo naman kailangang subukan bawat babaeng matipuhan mo para malaman mong she's the one." pangaral ko sa kanya.

Among The Starsजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें