Chapter 25

76K 2K 98
                                    


Chapter 25
Let Him

"Anong ginagawa mo dito?" wala sa sariling tanong ko kay Martin.

Ang tanging nasa isipan ko lang ngayon ay si Kate at kung anong mararamdaman niya kapag nalaman niyang bumisita si Martin sa akin ngayon.

Nawala naman ang kaniyang tingin at bahagyang ibinaba ang pinamiling pagkain para sa aming dalawa.

"Is that how you welcome a friend?" nagtatampong tanong niya sa akin.

Bago pa ako makapagsalitang muli ay narinig ko na ang boses ni Manang na galing kila Isaac.

"Martin, hijo, ikaw ba 'yan?" tanong ni Manang at mabilis naman siyang nilingon ni Martin.

"Opo." sagot ni Martin. "Bibisitahin ko po si Lorraine."

"Eh ano pang ginagawa niyo diyan?" giit ni Manang. "Halika't pumasok ka. Nagtanghalian ka na ba? Kakain lang nitong si Lorraine at nahuli ka ng dating para sana'y nasabayan siya sa pagkain."

Wala na akong nagawa ng pinapasok ni Manang si Martin sa loob ng bahay. Ayoko namang maging bastos at paalisin si Martin. He's still one of my close friends ngunit hindi pa rin maalis sa isipan ko si Kate.

"Okay lang po. Kumain na po ako ng lunch. Dinalan ko lang po ng maagang pangmeryenda si Lorraine at gusto ko po siyang makasama't maka-kwentuhan ngayon." dahilan ni Martin.

"Oh sige't maiiwan ko muna kayo dahil may mga labahin pa doon sa likod." paalam ni Manang at tumango naman si Martin bago tuluyang makaalis si Manang.

Nang maiwan kaming dalawa sa sala ay mabilis na inayos ni Martin ang kaniyang dalang pagkain sa may center table at todo asikaso sa akin na para bang ako ang bisita dito sa sarili kong bahay.

"I bought caramel frappuccino for you." sabi niya. "I hope you're okay with that flavor but you can have mine kung ayaw mo nun. Java chip ang akin. Anong mas gusto mo?" he asked at saka lumingon sa akin.

"I'm fine with caramel, Martin." sagot ko't mabilis niyang iniabot sa akin ang frappe ko. "Salamat.."

"You're welcome." ngiti niya't sumipsip na sa kaniyang frappe.

Dumako naman ang tingin niya sa mga DVD'ng mga pinagpipilian ko na nakakalat sa lapag.

"Planning to watch a movie?" he asked me.

Tumango naman ako. "Oo sana.. pero dumating ka bigla."

"Oh.." nawala ng bahagya ang kaniyang mga ngiti. "We can still watch movies if that's what you have planned."

Hindi ko na kaya.

Hindi ko na kayang makipag-usap kay Martin ngayon na para bang wala akong iniintindi't hindi ko naiisip si Kate dahil kabaliktaran ang lahat.

Habang kausap ko siya ngayon, parang nakikita ko mismo sa mukha niya ang itsura ni Kate na nasasaktan.

"Alam ba ni Kate na nandito ka sa amin?" tanong ko sa kaniya nang hindi ko na mapigilan ang sarili ko.

Nang dahil sa tanong kong 'yon ay tuluyang nawala ang ngiti sa mga labi ni Martin at bumagsak ang kaniyang balikat.

"Lorraine, ngayon nalang tayo ulit makakapagbonding ng ganito and I want to make you happy. I want this day to be memorable and worth it kaya please.. please lang.. don't mention Kate again." pakiusap niya.

"You know I can't do that, Martin." iling ko. "Kate's one of my bestfriends and we both know about what she feels for you."

Malalalim ang paghinga ni Martin nang nagsimula akong magsalita't tuluyan niyang ibinaba ang frappe sa may center table habang patuloy sa pakikinig sa akin.

Among The StarsTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang