Kabanata 3

46.2K 1K 225
                                    

Kabanata 3

Sadie

"Bwisit na ulan."

My foot kept tapping the tiled floor while I'm waiting for the rain to stop. Wala akong dalang payong at hindi ko ugaling magdala ng payong. I don't really have the right to complain, but I'm Sadie Yamaguchi. I complain about everything because I want to.

Bumuntong hininga ako't inilabas na lamang ang phone ko. Kung payday lang ngayon ay nagmaganda na ako sa coffee shop na nasa ibaba ng insurance company kung saan ako nagtatrabaho, pero dahil petsa de peligro ay wala akong choice kun'di ang magpalipas ng oras sa harap ng building habang nagsha-shower si Lord sa langit.

I visited the Ducanis' IG accounts and liked their recent posts, but what caught my attention was Khalila Ducani's post. It was a shadow of six people, and her caption was "where to sell possessive older brothers? Big discount."

I smirked and posted a comment. "Isasanla ko sa demonyo ang kaluluwa ko makakuha lang kahit isa sa mga kuya mo."

I shook my head after hitting the comment button. Nang matitigan kong muli ang post ay napawi ang ngisi ko.

Pangit kaya ang panganay na Ducani kaya hindi nagpapakita sa publiko? I mean, the Ducanis are very good-looking. Baka tinatablan din sila ng sumpa na sa isang pamilya, may kapatid talagang hindi nabiyayaan ng magandang panlabas na anyo.

"Can't relate. Mahirap lang ako pero nabiyayaan ako ng ganda," I murmured to myself.

"Hi, Sadie. Hatid na kita sa sakayan," alok ng isa sa mga katrabaho kong palagi na lang nagpapapansin.

My brow shot up. "Mukha bang hindi ko kayang maglakad papunta ng sakayan mag-isa?"

Napakamot siya ng batok. "Ito naman hapon na ang sungit pa rin."

Nagpamaywang ako. "At kailan pa nagkaroon ng timer ang ugali ko?"

Tinawanan siya ng isa pang kasama. Nang marinig kong nagbulungan ang dalawa at sinabing wala naman akong masyadong boobs, naningkit nang husto ang mga mata ko.

"Kakanood ninyo ng hentai, ine-expect ninyo na na dapat ang laki ng boobs ng babae ay mala-lobong puputok na." Umirap ako. "Mag-deodorant ka rin hindi puro gel ng buhok. Lakas ng putok mo, gago."

Napakamot ang dalawa ng ulo saka na umalis. Umirap naman akong muli saka na lumabas ng building kahit bahagya pang umaambon. Why is it always the fours that love to criticize women's vital statistics? Kung makasita ng laki ng boobs ng babae akala mo naman aabot ng ngangala ang sandata. Bwisit!

Inis na inis tuloy akong nagmartsa. I need to calm myself down before I go home to an empty apartment. Kaya kahit umaambon pa rin, dumiretso ako sa Ducani Empire at muling tumingala.

I drew in a sharp breath and reminded myself that someday, I'm going to see the whole city from up there. Not as a visitor nor an employee but a legit wife of a Ducani.

Lord, bagsakan mo na ako ng Ducani sa harap ko bago pa ako mawalan ng pasensya sayo.

"Umuulan. Grabe naman ang dedication na makasilay," I heard a familiar voice said.

Lumipat ang tingin ko sa lalakeng nagsalita. Nang makita ko ang nakangising si Kanor ay umakyat na naman ang lahat ng dugo ko sa aking ulo.

Itiniklop ko ang mga braso ko sa harap ng dibdib. "Sa Ducani ako sisilay hindi sa pobreng katulad ko."

He laughed softly. At nakakabwisit na muntik nang bumigay ang mga tuhod ko sa ganda at puti ng mga ngipin niya.

Lintik! Magkano ba ang sahod ng janitor sa Ducani Empire at parang afford na afford ni Kanor magpa-dental check up palagi?

DUCANI LEGACY SERIES #2: KONNARΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα