Kabanata 43

31.9K 715 86
                                    

Kabanata 43

Sadie

"Lintik ka, Rig. Kung ako talaga ang kursunada mo simula't sapul, magsabi ka na, hindi 'yong sa lahat ng lakad namin ni Zak, sumasama ka," asik ni Konnar nang makita si Rig na bumababa ng kotse.

Kon must have felt my jealousy. Kaya ngayong solo lamang ni Zak na nag-stay sa poder namin para sa dalawang araw na sleep over ay niyaya niya akong lumabas kami.

"Sadie invited me, alright?" depensa niya bago kinarga ang nakangiting si Zak. He even put the little boy on his shoulders, kaya enjoy na enjoy ang bata na kumapit sa buhok ni Rig.

I can't help but study Zak and Righael. Saka ko tinignan si Konnar na nasa aking tabi. Zak doesn't have even the slightest resemblance to Konnar, while he's like Rig's carbon copy.

"Are you alright?" tanong ni Konnar sa akin.

Pilit akong ngumiti nang mapansing nakatingin na silang lahat sa akin. "Yes."

I kept my observation to myself. Hindi naman magkakilala sina Rig at Divine kaya imposible yata ang naiisip ko.

I decided to just shrug it off. Ibinaba ko si Porridge at hinawakan ang dulo ng leash niya habang magkasalikop naman ang mga palad namin ni Konnar.

"I brought Porridge's bathing suit. Kung hindi siya pwede sa pool, doon na lang kami sa dagat—"

"Zak! Baby!" nadinig naming sigaw ng pamilyar na tinig. Nang makita ko si Divine na naka-maxi dress.

Nagkatinginan kami ni Konnar. Mayamaya ay tila naiinis siyang umiling-iling bago bumulong sa sarili.

"The fuck is she even doing here?"

"Hindi ba ikaw ang nag-imbita?" tanong ko.

"Hindi. This is our day, baby." He sighed and looked at Divine. "What are you doing here? Akala ko ba nag-usap na tayo?"

Hinawakan niya ang kamay ni Zak matapos ibaba ni Rig ang bata. "I realized that Zak needs his mom. Hindi naman pwedeng pabayaan ko ang anak ko?"

Rig must've felt that the conversation is about to heat up, kaya naman gumawa na siya ng paraan para mayaya kami sa resto ng resort.

Porridge kept barking on Divine, pero pagdating kay Zak ay giliw na giliw ang aso ko.

Siguro kung dati lang ito ay nakapagbiro na ako nang hindi maganda, pero iniisip ko si Zak kaya kahit gusto kong paringgan ang nanay niya ay tinikom ko na lamang ang bibig ko.

"You want some more?" tanong ni Konnar sa akin habang hawak niya ang plato ng hipon.

I was about to say yes when Divine suddenly spoke. "Kon, palagay naman sa akin."

Konnar sighed. Nilagyan niya ako ng hipon sa plato bago niya inilapag ang serving plate sa mesa. I pursed my lips and tried not to smirk when Konnar angled his body towards me. Ipinagbalat niya ako ng hipon at sinubuan pa bago siya nakangising nagnakaw ng halik sa aking balikat.

I saw how Divine's eyes narrowed at us. Pasimple ko siyang inirapan saka ako tumingin kay Porridge. Nang makitang nilalaro ni Zak ang aso ay napangiti ako.

"He looks like a teddy bear, right?" tanong ko kay Zak.

The little boy nodded with an innocent smile on his face. "Pwede ko siya give po ng chicken?"

"Naku, hindi Zak. Baby pa siya at baka natusok sa lalamunan niya ang buto ng chicken. You can give him treats instead." Kinuha ko ang treats bag ni Porridge at iniabot kay Zak.

Inakbayan ako ni Kon saka niya inilapit ang mukha niya sa aking tainga. "Dapat pala dinagdagan natin dala nating treats ni Porridge. Hindi ka na titigilan ni Zak kakahingi ng treats para kay Porridge."

DUCANI LEGACY SERIES #2: KONNARWhere stories live. Discover now