Kabanata 11

37.4K 969 117
                                    

Kabanata 11

Konnar

"She's downstairs, Sir, getting coffee."

Pinatay ko ang tawag at kaagad na nagpunta ng opisina ko. I immediately grabbed my parker pen and signed all the documents before Sadie comes back. There are tons of papers need to be signed, and I cannot wait for Sadie to go home for me to finish it all.

Halos patapos na rin ako nang marinig ko ang tunog ng elevator, at nang maisara ko ang huling folder, saktong bumukas ang pinto habang nakaupo pa ako sa swivel chair.

Sadie's brows furrowed. "Anong ginagawa mo rito, Kanor?"

"Naglilinis." I smiled. "Kaso tinatawag ako ng swivel chair ni big boss. Sarap pala nitong upuan. Magkano kaya 'to? May ganito kaya sa Shopee?"

She sighed. "Tumayo ka nga diyan. Baka mamaya dumating pa 'yon bigla, pareho pa tayong masesante."

I stood up and pushed the swivel chair back to its place. Nang makita ko ang kapeng dala ni Sadie, lumapit ako sa kanya at kinuha iyon.

"Hindi 'yan sayo!" she hissed.

I stepped back and sipped on it, making her eyes widen. Of course, it's mine. I have my name on it. Iyong tunay na pangalan nga lang.

"Nakalagay kaya Kanor."

"Gago ka talaga!" asik niya. "Konnar 'yan, hindi Kanor, bobo!"

"Ay Konnar ba." I laughed and licked the stain of coffee on my lips. "Sorry na. Akala ko nilibre mo ko ng kape."

"Gago, 3-in1 lang ililibre ko sayo ngayon, hindi 'yong ganito kamahal!"

Inis na inis niyang binawi ang kape sa akin. Pinunasan ko naman ang sulok ng mga labi ko saka ako sumandal sa desk.

"Magkano ba 'yan? Uutang ako para bayaran ko na lang."

"Two fifty 'to."

"Okay." I went out of my office and walked towards Keeno's. Napalaki naman ng mga mata si Sadie at nahihintakutang sumunod sa akin.

"Hoy, Kanor! Anong gagawin mo diyan?!"

"Mangungutang," I simply answered before I pushed the door open. "Sir Keeno, pautang nga ng two fifty? Nainom ko 'yong kape para kay Sir Konnar, eh."

Keeno was about to curse me when he saw Sadie tailing me. Napahugot ng hininga ang kapatid ko sa kunsomisyon, at kahit alam kong gustong-gusto na niya akong murahin, hindi niya magawa dahil naroroon si Sadie.

Cielle cleared her throat and tried her best not to laugh. "Two fifty, Kanor?"

Napansin ko sa gilid ng mata ko ang pagtiklop ni Sadie ng mga braso niya sa tapat ng dibdib. Nagpigil tuloy ako ng ngisi lalo nang makita ko kung papaano niyang pinaglapat ang mga labi niya na tila naiinis.

"Oo, Ma'am Cielle. Two fifty lang. Bayaran ko na lang sa sahod ko, ah?"

Keeno sighed and shook his head, probably getting stressed out by listening to me. Pati ang pagpirma niya sa ilang dokumento ay naging madiin na rin. Iniisip na yata ni Keeno na balat ko ang sinusulatan niya.

"Sige. Here." Cielle handed me the money. Ibinigay ko naman 'yon kay Sadie na umirap pa sa akin.

Nagpaalam ako kina Keeno at Cielle. Nang makalabas kami ni Sadie ay hindi na maipinta ang mukha niya.

I tried to call her but she kept on ignoring me. Nang hawakan ko sa braso ay nanlilisik na ang mga mata akong tinignan.

"Lumayas ka nga sa harap ko bago ko pa isalaksak sa ngala-ngala mo 'yang two fifty ni Cielle."

DUCANI LEGACY SERIES #2: KONNARWhere stories live. Discover now