Kabanata 28

35.6K 797 103
                                    

Kabanata 28

Sadie

Eiji played safe. Ang putanginang iyon? Nag-empake pagdating ng gabi at nagtago sa isa sa hotel Sakura sa Japan at iniwan akong mag-isa sa takot na masapok ko na naman dahil sa galit ko. Now I had no choice but to deal with my ex all the damn time!

"Magandang umaga, mahal..." bati ng lintik na si Konnar nang makita akong nagtungo ng kusina.

"Break na tayo kaya huwag mo kong matawag-tawag na mahal—"

"Mahal kong Ma'am Sadie." He laughed and shook his head. "Hay. Napaka-advance natin mag-isip masyado, hmm?"

Umikot ang mga mata ko. "Lumayas-layas ka sa harap ko bago kita batuhin ng tasa, Konnar Ducani."

"Okay." The son of a bitch moved to my side and leaned near my face. "Wala na sa harap mo, Ma'am Sadie. Nasa gilid na..." he uttered in an obviously seductive way.

My teeth gritted as my eyes narrowed at him. "Eh kung isaksak ko na lang sa dibdib mo 'tong tasa."

He clicked his tongue. "Huwag." He rubbed his chest. "Baka masaktan mo sarili mo. Ikaw pa naman laman nito," aniya saka tinapik-tapik ang dibdib habang nakangisi.

I bit my cheek to keep myself from blushing. Putangina talaga. Bakit ba tinatamaan pa rin ako ng mga banat ng lintik na Ducani na 'to?

"Ang aga-aga mong mambwisit." Umirap ako't tinalikuran siya para magtimpla ng kape, ngunit bumuntot pa rin ang lintik at inagaw ang tasang hawak ko.

"Ako na, Ma'am Sadie."

I groaned in anger. "Just leave, alright? You're overqualified for all the silly jobs Eiji gave you, Ducani so go because I'm firing your ass."

"Uh, sorry you can't do that. Kay Eiji ako nag-apply."

"Oh, eh bakit hindi siya ang pagsilbihan mo?"

"Hindi pwede." He stirred my coffee. "Hindi naman siya magiging misis ko."

My eyes rolled. "Hindi na kita babalikan, Konnar kaya tigilan mo ko. Humanap ka ng magiging misis mo ro'n sa Pilipinas. Si Lori, 'yon. Baka hello pa lang nasasabi mo ro'n naka-traje de boda na ang babaeng 'yon."

"Hindi pwede."

Tumaas ang kilay ko. "At bakit hindi?"

"Three things. Una, sayo ako patay na patay. Pangalawa..." He dared sipped on my coffee. "Mapapatay mo 'yon kapag 'yon ang pinakasalan ko. Pangatlo, wala palang pangatlo."

I shut my eyes in frustration. Sandali akong humugot ng hininga at pinakalma ang sarili ko bago pa mandilim ang paningin ko't maibuhos ko sa kanya ang kapeng tinimpla niya para sa akin.

Hindi ko na lang pinansin at baka sakaling tumikom na ang bibig. I grabbed the cup of coffee he made for me then poured it straight on the sink before I headed back in my room. Naligo na lang ako at naghanda na para sa pagpasok sa opisina, ngunit habang nag-aayos, natanaw ko si Konnar na sa may hardin habang tulak niya ang wheelchair ni Daddy. The two seemed to be talking about something. At sa actions pa lang ni Konnar, halatang kalokohan ang pinagsasabi niya sa Daddy ko.

My Dad laughed and gave him a high five. Napatingin naman si Konnar sa veranda ng kwarto ko, at nang mahuli niya akong nakatanaw sa kanila ay kumindat ang loko.

I glared at him before I shut the curtains hanging on the glass door. Itinuloy ko na lang ang pagmi-make up ko, at nang matapos ay akala ko makakapuslit ako paalis para hindi na siya ang magmaneho ng kotse, kaya lang ay pagdating ko ng garahe ay nakatayo na ang lintik sa harap ng sasakyan, handa na akong pagbuksan ng pinto.

My eyes rolled as he motioned his hand, telling me to get in. Dahil anong oras na at gusto ko pang gisahin si Eiji, sumakay na lamang ako ng kotse.

Thank God, Konnar shut his mouth during the trip to the office. Mag-isa ko nang binuksan ang pinto nang pumarada ang sasakyan. I went out and walked as fast as I could, but damn his long legs! Pagdating ng elevator ay nahabol pa rin ako ng lintik. Nginisihan pa nga ako bago niya pinindot ang elevator button.

I glared at him and kept my distance. Nang makalabas ng elevator ay bumuntot lamang siya hanggang marating namin ang opisina ko.

"So, what can I get you, Ma'am Sadie? Coffee? Tea? Or... me?"

Inis na inis ko siyang binalingan. "How about you get your fucking ass back to the Philippines, hmm?"

"Can't do that, baby. Next."

I groaned. "Fine. Grab me something to eat then. Iyong malayo ang bibilihan nang maalis ka sa paningin ko."

He pulled his brand new smart phone out. "Do you want sushi? I haven't tried sushi."

"Kahit ano basta lumayas ka lang sa harap ko."

He started typing. Akala ko naman ay naghahanap lang siya sa internet ng pwedeng bilihan ng pagkain, ngunit nang ipakita niya ang palitan nila ng chat ng kung sinong poncio pilato ay nalukot ang noo ko.

"Oh, anong gagawin ko diyan?"

"The food is on its way," he said.

"Hindi naglalakad ang mga pagkain dito, Mr. Ducani."

"Hindi nga." He walked towards his own desk. "But my executive assistant can walk, love."

Napasapo ako ng noo at napahugot ng hininga. "You mean to tell me that my secretary has his own goddamn executive assistant, hmm?"

"Yup. And my Dad sent his own secretary here, too so I got two wingmen on their way to get us sushi."

"Diyos ko naman talaga, oo." My fists clenched. "Nanggigigil ako sayo!"

He laughed. "Huwag. Ang aga pa. Frosted glass lang partitions dito kaya kung dito mo ko panggigigilan... okay lang. Pwede naman sa banyo—"

"Gago!"

Ngumisi siya sa akin. "That's my tigress right there, huh?"

Napailing na ako nang tuluyan habang humuhugot ng hininga. Ngumisi lamang naman siya saka hinubad ang kanyang coat. Ayaw ko man siyang titigan, parang tinawag ang mga mata kong panoorin kung papaanong humapit ang kanyang braso sa suot niyang long sleeves polo nang umupo siya sa kanyang swivel chair. I suddenly remembered how those biceps flexed when he was on top of me and I was...

It was too late for me to look away. Kaya nang mahuli niya akong nakatingin sa kanyang braso ay gumuhit muli ang makahulugang ngisi sa kanyang mga labi.

"Sabing mamaya mo na ko panggigilan, Ma'am Sadie. Dapat trabaho lang muna tayo rito kasi pwede naman kitang trabahuhin mamaya basta kalabitin mo lang ako. Alam mo namang kaladkarin ako pagdating sayo." He licked his lower lip then faked a sigh. "Hirap talaga maging masarap. Umagang-umaga gusto nang makagat..."

Umakyat yata lahat ng dugo sa aking ulo at ang aking mga ngipin ay halos mabasag sa tindi ng pagkakaigting ng aking panga.

Mapapatay talaga kita, Eiji oras na umuwi ka!

DUCANI LEGACY SERIES #2: KONNARWhere stories live. Discover now