Kabanata 40

33.9K 721 32
                                    

Kabanata 40

Konnar

This is killing me.

Ever since Divine came over with her evidence that Zak is mine, Sadie's mental health gone worse. She would hit the bed late at night, and then she'd wake up really early to do something to occupy her mind.

Nagising ako kinabukasang nililinis na niya ang pool. She drained out all the water and is manually scrubbing the tiles. Each spot takes her at least ten minutes as if her mind was getting lost somewhere.

I sighed while watching her. Kahapon ay nilabhan niya pati ang malilinis na bed sheets gamit lang ang kamay. Noong isang araw hindi niya tinantanan ang garden hanggang dis oras ng gabi. And now, this.

Hindi na ako nakatiis. Lumapit na ako sa pool at bumaba. She didn't even notice my presence until I was able to hug her from behind.

"It's six in the morning, baby. What are you doing?"

Lumunok siya at mas idiniin ang pag-scrub kahit makinis at wala namang dumi ang tiles.

"I'm cleaning. Baka... baka may dumating na bisita. Baka sabihin ay... hindi ako nag-aasikaso sa bahay."

Nanikip ang dibdib ko sa sinabi niya. Now I am more convinced that Sadie is getting eaten up by her insecurities. Ang sakit-sakit makita na 'yong babaeng puno ng confidence noong nagsasabing karapat-dapat siya sa isang Ducani, heto na ngayon at parang takot na hindi siya maging sapat.

God, if only I could lend her my eyes so she could see how perfect she is to me.

Muli akong nagpakawala ng hangin at pinaharap siya sa akin. "Mahal, sinabi ko na sayong kukuha tayo ng katulong. I didn't love you to turn you into a maid."

Her brown eyes flickered with worry. "You don't have to. Paano kung sabihin nilang hindi ko na nga naalagaan ang baby natin tapos tatamad-tamad pa ko?"

"That's not true. You didn't know that you were pregnant. Huwag mo namang sabihin 'yan, mahal."

Umiwas siya ng tingin at muling lumunok. "H—Hindi ko lang maiwasan." Namula ang mga mata niya. "Pakiramdam ko kung hindi ako nahanap ni Eiji, I'll be nothing. I will never fit in your world."

Sumikip nang tuluyan ang dibdib ko. Hinapit ko siya at pinatakan ng halik sa gilid ng ulo bago ko pinakawalan ang mabigat na hangin sa dibdib ko.

"If everyone will think that way, I'd turn my back on them and build my world around you, Sadie."

Suminghot siya at nagpunas ng sulok ng mga mata. "Hindi mo kailangang gawin 'yon. Pasensya ka na medyo emotional lang ako lately. Siguro dahil malapit na akong datnan." Peke siyang ngumiti. "Tara na muna sa loob para makapag-almusal na tayo. Baka gising na rin si Daddy."

Wala na akong nagawa noong nauna na siyang umakyat sa baitang ng pool. I followed her inside and tried to make her sit on the stool but Sadie refused.

Pinagsilbihan na naman niya ako na para bang gusto niyang patunayang may kaya siyang gawin para sa akin, at ang sakit-sakit panooring ginagawa niya ang lahat ng 'to dahil sa takot na nararamdaman niya.

"Ititimpla kita ng kape, mahal," aniya saka dali-daling kumuha ng tasa na para bang pakiramdam niya ay may nagmamatyag sa mga kilos niya o magsasabing hindi enough ang efforts niya para hindi ko siya ipagpalit.

Lumamlam ang mga mata ko habang pinanonood siya. Alam ko naman. Kahit naman hindi niya sabihin sa akin. I know she feels threatened that just because Divine and I have a kid together kahit hindi pa rin ako naniniwala, sooner or later ay iiwan ko na siya para kay Zak at Divine. I swear I will never do that. Anak ko man si Zak o hindi, I will never leave her for Divine.

Yes, I will accept Zak once I am sure that he's a hundred percent mine, pero hindi ko iiwan si Sadie. Yes, a whole family is important, but it's a whole lot more when a child grows up in a home built with love as its foundation.

I cannot build a home like that with Divine. Tanging si Sadie lang ang kaya kong makasamang bumuo ng ganoong tahanan.

"Aw!"

Napatayo ako at nag-aalalang tinignan ang napaso niyang kamay dahil sa direkta niyang paghawak sa kawali. Nang magkatinginan kami, sumikip na naman ang dibdib ko nang makita ko ang takot sa mga mata niya.

"Sorry. Sorry, that's so stupid of me. Hindi ko na uulitin. I'll do better. I can do better next time."

"Sadie..."

"Maybe I'll buy a thicker pot holder—"

"Sadie!" Napataas na nang bahagya ang boses ko. "Stop. Please, just... just stop doing this, baby. You don't have to prove yourself to me, dahil kahit ilang bata pa ang ipaako sa akin, hindi kita iiwan. Narinig mo? Hindi kita iiwan dahil lang iniisip mong lamang ang sila sayo."

Her lower lip trembled as her tears begin to cloud her eyes. "I don't have a child..." Her voice cracked. "Sabi ng OB noong isang araw, I am starting to have problems with my reproductive system dahil sa miscarriage ko. Paano kung hindi na ako ulit magbuntis? Paano kung hindi talaga kita mabigyan ng anak?"

My chest tightened. "Is it what this is all about? You think I will only love you if you will be able to give me a child someday? Sadie, hindi sukatan ang anak para mahalin ang isang tao."

Her tears fell. "Pero 'di ba... gusto mo ng anak? I see how happy you are whenever you're playing with kids. Paano kung isang araw magising ka na lang at ma-realize mo na gusto mo talagang maging tatay tapos hindi ko kayang tuparin? I don't want to break your heart..." She sobbed. "God, I don't wanna break your heart again..."

Uminit nang tuluyan ang sulok ng mga mata ko. I pulled her close and locked her in my arms as I drew in a sharp breath.

"You will never lose me. Magkaroon man ulit tayo ng baby o hindi, you will never lose me. Saka mo lang mababasag ang puso ko kapag bigla mo na lang akong iniwanan, Sadie. Kapag ginawa mo 'yon? Hindi ko na alam, Sadie. I might finally lose my mind so please, please don't let what the doctor said affect you. Dahil may baby man tayong sarili o wala, you will remain the most perfect girl for me. You heard me?"

She sobbed and nodded her head. Niyakap niya ako na tila takot na oras na bumitaw siya ay tatakbo na ako patungo sa iba. Napasara tuloy ako ng mga mata kasabay ng paglapat ko ng aking mga labi sa tuktok ng ulo niya.

"I love you, Sadie. Kahit ano o sino pa man ang dumating sa buhay natin, tandaan mo palagi ang sinabi ko sayo sa Sensoji temple. My heart will always and forever be yours."

Tumingin siya sa aking mga mata. "Promise? You will never leave me even if there's a chance that I won't be able to conceive anymore?"

Payak akong ngumiti habang pinupunasan ang mga luha niya gamit ang likod ng mga daliri ko.

"Mabigyan mo man ako o hindi, ikaw lang ang ihaharap ko sa Panginoon para makasama ko habambuhay, Sadie. Gaya ng paulit-ulit kong sinasabi, it's you I'd grow old with or I'd die a lonely man." I kissed the back of her hand while I'm staring into her eyes. "Ikaw hanggang sa pinakahuli kong bukas..."

DUCANI LEGACY SERIES #2: KONNARWhere stories live. Discover now