Kabanata 42

31.8K 654 39
                                    

Kabanata 42

Sadie

Tulak ang wheel chair ni Daddy ay nagtungo kami sa pool area ng bahay. I locked his wheel chair before I went inside to get his meal. Kami lamang ang naiwan sa bahay habang lumabas ang katulong na kinuha ni Konnar. Dad's nurse went to get his meds, too, kaya ako ngayon ang bahalang mag-asikaso kay Daddy.

"Dad, did Eiji call you last night?" tanong ko nang makaupo ako sa steel chair.

Daddy flashed a weak smile. "Yes. Did the nurse come back already?"

I shook my head. "Nurse Jess will probably be here in a few minutes. Did you ask him for something?"

Tumango si Daddy. Hindi na rin naman ako nagtanong. Daddy loves having his gay nurse around, probably because Nurse Jess is such a vibe. Kahit ako ay napatatawa niya sa mga biro niya. 

Madalas ding magpabili si Daddy sa kanya ng kung anu-ano kaya minsan ay sinasabihan kong sabihin na lamang sa akin at ako na ang bibili dahil hindi niya naman iyon trabaho, ngunit sadyang mabait ang nurse na nakuha ni Konnar para kay Daddy.

Ibinigay ko na ang kutsara ni Daddy at hinayaan siyang kumain. Tinawagan ko rin si kuya Eiji para makapagkwentuhan naman kami habang kumakain si Daddy. Sakto namang katatapos uminom ni Daddy ng gamot nang bumalik si nurse Jess.

Dumiretso siya sa pool area dala ang isang cage. Napakunot tuloy ako ng noo, ngunit malawak lamang na ngumiti si Jess saka niya inilabas ang puting pomeranian dog na ipinabili ni Daddy. He gave it to my Dad, and then Dad smiled at me before he handed me the puppy.

"Dogs are good companions, Ma'am Sadie. Nakwento ko kay Sir Satoshi kaya nagpabili," ani Jess.

Uminit ang sulok ng aking mga mata. "This is mine?" I felt my inner child crying in joy inside me. "This cute puppy is mine?"

Daddy smiled widely as he caressed my hair. "How will you call him?"

I sniffed and kissed the puppy. "I'll call him Porridge."

"Lugaw? Ikaw talaga, Ma'am Sadie. Ang daming magagandang pangalan bakit naman lugaw pa?" si Jess.

"Walang basagan ng trip, Jess baka kulayan ko ng puti 'yang buhok mo sa kili-kili." Suminghot ako at itinaas ang tuta. "You will be Porridge Ducani whether you like it or not."

Natawa na lamang si Daddy. Nang yakapin ko siya ay pinatakan niya ako ng halik sa sintido. "My daughter cries a lot lately." He sighed. "Do you want to go home to Japan so you will not always cry?"

Lumamlam ang mga mata ko. Alam kong hirap si Daddy sa pagsasalita ng wikang Ingles, ngunit sapat na ang pag-aalalang nakapinta sa mga mata niya para maintindihan ko kung bakit niya iyon sinasabi. 

He's my dad. Kahit maraming taong nagkawalay kami, alam kong nararamdaman niya ang matinding lungkot na lumulukob sa akin lalo na tuwing napag-iisa ako o kung nasa bahay sina Zak at Divine.

But I don't want to leave Konnar. Kailangan namin ngayon ang isa't isa. Kailangan din siya ng pamilya niya. Kung uuwi ako ng Japan dahil lang sumasama ang loob ko rito, siguradong susunod lamang siya sa akin. Baka gawin na naman niyang Cubao to Pasay ang Japan at Pilipinas. Ayaw ko namang pahirapan siya.

Besides, the more he's spending time with Zak, the happier he becomes. Para bang kahit papaano ay nababawasan ang stress niya dahil sa kundisyon ni Keios, at nawawala rin sa isip niya na nagluluksa pa kami para sa baby namin.

I swallowed the lump in my throat. Okay lang kahit ako na lang ang magluksa. Nasasaktan ako lalo kapag nakikita kong siya ang mas nadudurog tuwing naaalala niya ang nangyari sa baby namin.

I carried Porridge to my baby's grave. "That's your sibling, Porridge. Angel na siya ngayon at nasa heaven."

"Mahal?" tawag ni Konnar. Dumating na pala siya galing sa family house nila.

Excited akong pinanood siyang lumapit. Nang huminto siya sa harap ko ay tuwang-tuwa kong ipinakita si Porridge sa kanya.

"I have a baby now. Daddy bought him for me."

Konnar flashed a small smile before he caressed the dog's head. "What's his name?"

"Porridge."

He laughed softly. Napasimangot tuloy ako at niyakap ang tuta.

"Puti naman siya. Medyo yellowish nga kaya tama lang sa kanya 'yon."

"Oh, wala akong sinasabi." Pinatakan niya ng halik ang aking ulo. "Alis muna ako, ha?"

"Akala ko ba bukas kayo ulit maghahanap?" I asked with furrowed brows.

"Uh, hindi namin hahanapin si Denyse, mahal. Si... si Zak kasi? He wanna go to Manila Ocean Park. Hindi ko matanggihan."

Lumamlam ang mga mata ko. "B—Bakit hindi mo naman sinabi sa akin?"

His expression turned worried. "Sorry. I must've forgot, baby. Do you wanna come? I can still buy another ticket."

Nilunok ko ang namuong bara sa aking lalamunan saka ako pilit na ngumiti. "N—No. I uh, I'll go to the mall with Saharah and Jelyne. Nakapangako na rin ako sa bata."

"Sadie, I'm really sorry. I got too excited, too." He sighed and tucked my hair behind my ear. "I'm so sorry."

Pinilit kong ngumiti. Ayaw kong isiping nakakalimutan na niya ako ngayong napapalapit na ang loob niya kay Zak. Wala namang kasalanan ang bata, pero syempre, masakit pa rin. Pakiramdam ko ay may mga kayang ibigay si Zak na kailanman ay hindi ko magagawang ibigay. At doon ako palaging talo.

Humugot ako ng hininga at umiling. "I'm fine, really. Ang mahalaga nagkakaroon ka na ng... ng bond kay Zak. D—Deserve ng bata ang magkaroon ng tatay."

Ngumiti siya sa akin at sandali akong niyakap bago pinatakan ng halik sa tuktok ng aking ulo. "Thank you, mahal. Sobrang swerte ko sayo. I know Zak will love you someday, too."

I pursed my lips and tried to fake a smile. Nang kumalas siya at tuluyang nagpaalam, kinailangan ko pang humugot ng hininga saka ko ibinaon ang aking mukha sa leeg ni Porridge.

Looks like Konnar will no longer push his plan to do another DNA test now that he's already building a good connection with Zak.

Ipinikit ko ang mga mata ko saka ko nilunok ang namuong bara sa aking lalamunan.

I hope I will have the strength to be Zak's second mom someday, dahil kahit pinipilit kong sabihin sa sarili kong walang kasalanan ang bata, hindi ko maipagkakaila ang masakit na katotohanan.

Mapapalitan ang asawa, pero hindi ang anak... at ayaw kong dumating ako sa puntong susuko na lang ako dahil na-realize kong hindi ko pala kayang magpatuloy kung bata na ang makakalaban ko.

I looked up at the blue sky and talked to God in my head.

Diyos ko, ilayo ninyo ang puso ko sa inggit at galit na hindi deserve matanggap ni Zak mula sa akin. Dahil oras na dumating ako sa puntong iyon, baka pati ang sarili ko ay kamuhian ko...

DUCANI LEGACY SERIES #2: KONNARWhere stories live. Discover now