Kabanata 38

33.2K 639 35
                                    

Kabanata 38

Sadie

The moment I woke up inside the hospital room with Konnar holding my hand while he was in tears, I knew my heart was about to get broken.

Naramdaman niya ang paggalaw ko, kaya nang magtama ang aming mga tingin ay lalong rumagasa ang kanyang mga luha.

"Y—You should rest..." aniya sa basag na tinig.

He sniffed and wiped his tears before he caressed my hair. Hinalikan niya pa ang aking noo, ngunit nang siguro ay hindi na kinaya ng dibdib niya, inilapat niya ang noo niya sa akin saka siya tumangis.

"I failed. I failed to save the baby. Hindi kita naitakbo kaagad... Kasalanan ko, mahal..."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. I... I was pregnant?

Unti-unting namuo ang aking mga luha, at nang tuluyang nag-sink in sa akin ang balita, bumagsak ang aking mga luha dala ng sakit na lumukob sa aking dibdib.

No. Kaya naman namin alagaan ang baby namin, 'di ba? We're adults now. We have the money to support the baby. Kaya naman kahit mag-stay na ako sa bahay at mag-alaga. I won't mind if I will have stretch marks. Kahit hindi na ako makakapag-ayos palagi o makakapaggala, ayos naman sa akin. I am willing to sacrifice my lifestyle for our baby because I wanted to be a mom.

Bakit binawi?

Bakit naman kinuha kaagad?

Tumangis ako nang husto habang yakap ako ni Konnar. Nag-iiyakan kaming pareho dahil sa pagkawala ng baby, at kahit noong kumalma ako kahit papaano, hindi ko pa rin nagawang magsalita.

Konnar sniffed and wiped my cheeks. "Sabi ng doktor, masyadong mababa ang matres mo kaya naging mahina rin ang kapit ni baby. Four weeks pa lang siya. Our baby was too small to... to fight just to stay in your womb..." Nabasag ang tinig niya, at alam kong sa aming dalawa, mas sinisisi niya ang sarili niya. "I should've noticed what was going on earlier. Dapat nilayo na kita sa stress. Dapat pinilit na lang kitang mag-stay sa bahay..."

I sobbed as I cupped his face. "We both didn't know about our baby. Huwag mong sisihin ang sarili mo. Dapat ako ang nakapansin na may nagbabago na sa katawan ko."

Hinawakan niya ako sa batok at hinalikan sa sintido. "We'll get through this, right? We won't fall apart because of this?" tila takot na takot niyang tanong.

Yumakap ako sa kanya habang pumapatak ang aking mga luha. "I need you more right now, Kon. Hindi ko alam paano tatanggapin." Umalog ang aking mga balikat. "Ang hirap... Ang sakit-sakit, mahal..."

Humigpit ang yakap niya sa akin, at habang tahimik kaming umiiyak sa balikat ng isa't isa, taimtim kong ipinanalanging kung nasaan man ang baby namin ngayon, sana dumating ang araw na ibalik siya sa amin.

Konnar and I decided to go home to the Philippines after what happened. Bumili siya ng bahay sa subdivision na proyekto ni Khalila, at sa mismong garden ng bahay, nagpagawa siya ng isang maliit na musoleyo para sa nawala naming anak.

Araw-araw siyang naroroon, tila kinukumusta ang baby namin at sinasabing hihintayin niyang ibigay ulit ito sa amin ng Panginoon. Nang matanaw ko siyang naroroon na naman habang papasikat pa lang ang araw, isinuot ko ang aking roba saka ako bumaba.

Sa sobrang lalim ng iniisip niya ay halos hindi na niya namalayan ang paglapit ko. Yumakap ako sa kanyang baywang, at nang tignan niya ako ay umakbay siya't pilit na ngumiti para itago ang lungkot niya.

"Buntis pala si Denyse, mahal, pero tumakas daw sa asawa kaya ngayon kailangan na naman naming maghanap." His face softened as he sighed. "Ang hirap-hirap pakalmahin ni Keios kaya pasensya ka na. Alam kong kailangan mo ko dahil sa nangyari kay baby, pero sobrang nakakain ang oras ko ngayon dahil kay Keios."

Hinagod ko ang dibdib niya. "Naiintindihan ko. Nag-e-enjoy naman din ako dahil palaging dumadalaw sina Jelyne at Saharah. Kailangan kita pero mas kailangan ka ng pamilya mo ngayon. Inuna mo na ako noong nakaraan. Ngayon, sila naman ang i-priority mo." Pilit akong ngumiti. "Dito lang naman ako, mahal. Hindi naman ako aalis. Palagi lang akong maghihintay sayong umuwi."

Pinatakan niya ng halik ang aking noo bago niya muling binalingan ang maliit na puntod kung saan nakasulat ang 'Our Little Ducani'.

"Do you think our baby will come back to us soon?" he asked. Sa tinig ay bakas na naman ang matinding lungkot. Alam ko naman kung gaano niya kagustong maging tatay na, kaya kung masakit sa akin ang nangyari, siguradong doble ang sakit para sa kanya.

"Sigurado akong hindi ipagkakait ng Diyos sa atin si baby. Siguro... siguro may kailangan pa talaga tayong malampasan bago siya ibigay sa atin." I sniffed. "I'm sure you're gonna be the best Dad oras na ibigay na siya ulit."

Ngumiti si Konnar bago ako ikinulong sa yakap. We stayed in each other's arms until the sun finally blessed the Earth with its rays. Mayamaya ay niyaya na rin niya akong pumasok para mag-almusal.

Dad's caregiver helped Konnar bring daddy downstairs. Sabay-sabay kaming nag-almusal kaya kahit papaano ay napawi ang lungkot namin ni Konnar.

"We'll look around Nueva Ecija. Baka late na akong makauwi, mahal. Huwag mo na akong hintayin. Alam mo naman ang bilin ng OB," paalala niya habang nagliligpit ng pinagkainan namin.

Tumango ako. "I'll do the dishes. Kanina pa chat nang chat si Keeno sayo. Sige na, maligo ka na."

He jerked his head and went upstairs. Inasikaso ko naman ang mga hugasin, at nilinis ang kusina pagtapos. Saktong pababa na siya ng hagdan para umalis nang mailigpit ko ang lahat.

"Aalis ka na?" I asked.

He nodded. "Mag-chat ka kaagad kung may problema rito, ha? Sabi ni Mama pupunta raw sila rito mamaya ni Khalila. Tuturuan ka raw magluto ng kare-kare."

I smiled. "I like that."

Inakbayan niya ako't pinatakan ng halik sa noo. Sinamahan ko naman siya sa harap ng bahay, at nang lumabas ng driveway ang kotse niya, kumaway na lamang ako habang matipid na nakangiti.

Konnar's car disappeared in the next street. Isasara ko na sana ang gate nang tumigil ang isang taxi sa harap ng bahay.

Akala ko ay sina Jelyne iyon, ngunit nang lumabas ang babaeng nakita ko rin noon sa Ducani Empire kasama ang tantya ko ay nasa limang taong gulang na batang lalake, nalukot ang aking noo.

"Nandiyan ba si Konnar?" bungad niya sa akin.

Tumaas ang kilay ko sa katarayang ipinakita niya. "Wala. Kakaalis lang ng boyfriend ko. Bakit?"

"Tell him to come back." Itinaas niya ang dala niyang folder. "I already have the DNA test result. This time, hindi niya na pwedeng takbuhan ang responsibilidad niya kay Zak."

Napakurap ako't napatitig sa batang lalakeng nakatitig sa akin. "P—Pardon?" halos manghina kong tanong.

The woman gave me the folder, and as I opened it, she spoke the words that made my knees weak.

"That's my proof that he's my child's father, at hindi na niya pwedeng itanggi pa ang anak namin..."

Nanghihina at naninikip ang dibdib kong ibinalik ang DNA test result sa folder. "I—I'll call him." Nilunok ko ang namuong bara sa aking lalamunan habang pigil ko ang pamumuo ng aking mga luha. "Bumalik na lang kayo."

Hindi ko na nahintay pa ang sasabihin niya. Dire-diretso akong pumasok ng bahay, at nang maisara ko ang pinto, tuluyan akong bumagsak sa sahig nang lumuluha.

This can't be happening. Not right after we lost our baby...

DUCANI LEGACY SERIES #2: KONNARWhere stories live. Discover now