Kabanata 49

37.9K 879 68
                                    


Kabanata 49

Sadie

Simula noong nakauwi kami ni Konnar sa Pilipinas, pakiramdam ko ay nanlalamig na siya sa akin. Madalas na lang siyang wala at nag-o-overtime sa opisina. Naiintindihan ko naman 'yon, pero kapag gusto ko siyang dalawin sa office niya, palagi na lamang siyang nagdadahilan.

I called Ciara, Keeno's new secretary. Cielle already resigned even before the whole Zak and Divine situation. Ang alam ko lang ay mayroong pinagtalunan sina Cielle at Keeno kaya nag-resign si Cielle. Now I have no choice but to bug Ciara instead. 

"Hello, Ma'am Sadie?" bungad ni Ciara sa akin.

"Uhm, hi. Is Konnar there? Huwag mong sabihing tumawag ako. I wanna surprise him. Dadalhan ko ng lunch."

"Naku, Ma'am sorry. Kakaalis lang niya kasama 'yong bisita niyang babae."

Parang tumigil ang tibok ng aking puso. "B--Babae? Are you sure? Sinong babae?"

"Uh, hindi ko alam, Ma'am Sadie kung sino. Ang sabi lang ni Sir pupunta raw sila ng resto. Palagi rin ho dito 'yon, eh magmula no'ng umuwi si Sir."

Nanlamig ang mga palad ko at ang dibdib ko ay namanhid. Diyos ko, siguro kung hindi ako umiinom ng pampakapit, baka kung ano na naman ang nangyari sa akin. 

"Are you sure it's not Khalila?"

"Hindi po. Nasa Taiwan si Ma'am Lila ngayon, Ma'am Sadie."

I swallowed the lump in my throat.  "Sige uhm... tatawag lang ako sandali kay Konnar."

"Ma'am, huwag ho ninyong sabihin na sinabi ko at baka malagot ako."

"Yes, I will not tell him." I drew in a breath. "Sige, Ciara salamat."

Sandali akong humugot ng malalim na hininga at pinakalma ang sarili ko bago ko tinawagan si Konnar. Napapamura na ako sa inis dahil dalawang beses niya pa akong pinatayan bago siya sumagot. 

"Mahal?" bungad niya. His voice echoed as if he's in a closed space. Parang gusto tuloy umakyat lahat ng dugo sa aking ulo. 

"Where are you?" tanong ko, kalmado pa kahit nakakuyom na ang aking kamao. I swear, if I will find out that he's cheating on me, I'd drag his ass to the nearest construction site of their hotel and I'll bury him alive!

"Uh, n--nasa office." Tumikhim siya. "Sige na, mahal mamaya na tayo mag-usap. Busy pa ako, eh. I love you."

Pumikit ako at sinubukang pakalmahin ang sarili. Nang maputol ang tawag namin ay halos uminit nang husto ang sulok ng mga mata ko. That motherfucker! How could he lie to me? May itinatago ba sa akin ang lintik na iyon?

Hindi ako nakatiis. Tinawagan ko si Jelyne para magsumbong, ngunit tatlong beses ko rin siyang kinailangang i-dial bago niya ako sinagot.

"S--Sadie? Ayos ka lang?"

I sniffed. "Tinawagan ko si Ciara kanina. Sabi niya umalis si Konnar na may kasamang babae. Ayaw kong magduda kaagad kaya tinawagan ko si Kon para tanungin siya kung nasaan siya ngayon, pero nagsinungaling siya, Jay. He said he's in his office, eh katatawag ko lang kay Ciara. Hindi naman iyon gagawa basta ng kwento."

"G--Gano'n ba? Uhm, baka naman may kinita lang? Hindi naman... daw ba si Divine?"

"Hindi ko alam. Nanginginig ako sa galit pero kailangan kong pakalmahin ang sarili ko nang hindi mapaano ang baby ko."

"Oo, Sadie kumalma ka lang muna. Ano, ganito na lang. Subukan mo na lang siyang kausapin mamaya tapos magtanong-tanong ka sa mga empleyado nila during their employee party."

Kumunot ang noo ko. "During what?"

"Employee party. Hindi mo alam? Oh... he didn't invite you?"

Lalong humigpit ang pagkakakuyom ng aking mga kamao. "Hindi niya sinabi. Diyos ko, mapapatay ko ang gagong 'yon!"

Jelyne sighed. "You know what? We should go there later. I'll bring you a dress and then we will crash at the party. Siguradong hindi siya maghihinala na pupunta ka kaya makakampante iyon. Kung may babae man siya, paniguradong mahuhuli natin mamaya. What do you think?"

I sobbed. "Parang hindi ko kaya, Jelyne. Paano kung mayroon nga?"

"Kaya mo 'yan. Tatagan mo ang loob mo. Nakalimutan mo na ba kung sino ka? Saka bakit ka pa matatakot, eh ikaw naman ang legal?"

I sniffed. "You're right. May karapatan akong magalit." I swallowed the lump in my throat. "What time should we go?"

"Seven, pero mga five, punta na tayo ng salon."

"Salon? Bakit magsa-salon pa tayo?"

"Gusto mo bang magmukhang haggard kapag kinumpronta mo ang kabit niya, I mean kung meron nga? Dapat maganda ka! Dapat maglalaway siya sa iyo at manghihinayang!"

"You're right." I sniffed. "Sige. I'll see you at five."

Gaya ng napag-usapan namin ni Jelyne, nagkita kami ng alas singko para magtungo sa mall. May dala na rin siyang dress para sa akin. Ayaw ko sana iyong puti dahil pakiramdam ko ay masyado akong matabang tignan doon, pero sabi niya ay mas maganda iyon dahil sa ibig sabihin ng kulay. 

I had no time to think about color symbolisms. I kept on looking at the clock, feeling jittery as every minute passes by. Kinakabahan ako at natatakot na baka tama ang kutob ko, lalo na at hindi talaga umuwi si Konnar na parang ayaw niyang ipaalam sa aking mayroon pala silang party ngayon sa Ducani Empire.

"How do I look?" kabado kong tanong kay Jelyne.

Ngumiti siya sa akin. "You look great. Tara na?"

I inhaled a sharp breath. "Huwag na lang kaya? Paano kung ipapahiya ko lang ang sarili ko?"

"Sadie, nakalimutan mo na yata kung gaano ka kataray bago mo nakilala si Konnar. Ngayon mo pa ba itatago ang pagiging tigresa mo kung kailan lumulobo na 'yang tiyan mo dahil sa anak niya? You have all the rights to do this." Hinawakan niya ang kamay ko. "Sige na. Nagpadala pa ng limo si Eiji para sa kumprontasyon ninyo. Ayaw niyang susugod kang naka-taxi."

"You told him?"

"Syempre. Kapatid mo si Eiji, Sadie. He should know what's going on."

Nilunok ko ang namuong bara sa aking lalamunan bago ako tuluyang sumama kay Jelyne. Habang nasa daan kami patungo ng Ducani Empire, pakiramdam ko ay mawawalan ako ng malay sa lakas ng tibok ng aking puso. My hands are getting sweaty and my forehead has been creasing the entire ride. Gusto ko pang mag-backout nang makitang malapit na kami, ngunit hindi ko na rin nagawa pa.

The limo took a halt near where I used to stand to admire the Ducani building, pero dahil sa kaba at takot ko, ni hindi ko na iyon napansin pa. Tumingin ako kay Jelyne para sabihing kinakabahan ako, ngunit nang mapansing namumula na ang mga mata niya habang nakangiti siya nang matamis, nalukot nang husto ang aking noo.

"J--Jay? What's wrong?"

Her tears fell as she held my hand. "Sorry if I lied..."

The limo's door opened, and when I saw Eiji wearing the driver's uniform, my brows furrowed even more. "E--Eiji? What are you doing here?"

Ngumiti ang kapatid ko sa akin saka niya inialok ang kamay niya. "Sorry if I lied."

"What?" 

Nagpabalik-balik ang tingin ko sa kanila ni Jelyne. Gulong-gulo ang isip ko lalo na nang lumapit sa akin ang daddy ni Konnar habang may dalang bulaklak. He was smiling ear to ear, and when I heard what he said, my brows almost met again.

"Sorry if I lied..."

I was about to ask him why he was telling me that, but when I spotted the man in a janitorial uniform, standing right where I first saw him as Kanor Baltazar, my heart pounded hardly inside my chest. 

Napakurap ako at tumingin kay Tito Khalil. "A--Ano pong... nangyayari? I don't understand. What's... what's going on?"

Tito Khalil smiled sweetly and said the words that made my heart explode in pure happiness.

"You're about to get engaged, Sadie... and my son wants the whole world to witness you say yes..."

DUCANI LEGACY SERIES #2: KONNARWhere stories live. Discover now