Kabanata 10

39K 925 61
                                    

Kabanata 10

Sadie

"Eighty thousand ho?!" hindi ko napigilang tanong sa may kalakasang boses. I even pinched myself to make sure I'm not dreaming.

The HR manager who interviewed me smiled. "Yes, Miss Yamaguchi. You will be entitled to have an HMO after three months. Your transpo allowance will is excluded on your basic salary as well."

Tumikhim ako at pilit pinakalma ang sarili. "I hope you don't mind, but why is your offer that... high?"

Kumunot ang kanyang noo. "Is it? Executive assistants earn a minimum of a hundred thousand in all Ducani-owned companies. Your starting pay is just a minimum."

"Grabe..."

I'm so lost for words. Parang last week lang akala ko mamamatay na ako sa gutom, pero heto ang offer ngayon, sobra pa sa sobra!

"Okay, you just have to sign everything and then Miss Cielle will give you all the instructions you need to know."

Tumango ako saka nanginginig ang kamay na tinanggap ang ballpen na ibinigay niya. Nang mapirmahan ko ang lahat ng pahina, pinapunta na niya ako sa top floor kung saan bibigyan ako ni Miss Cielle ng tour at instructions tungkol sa mga gagawin ko bilang sekretarya ng pinakamatanda sa magkakapatid na Ducani.

Habang nasa elevator, pakiramdam ko ay nakalutang pa ang isip ko. I couldn't process the fact that I am already an employee of my dream company, at employer ko mismo ang isa sa pangarap kong makilala.

I shut my eyes and sniffed. "Ma, sana buhay ka para ma-share ko sayo 'tong saya ko."

I wiped the corners of my eyes and went out of the elevator. Napahinto naman sa pagba-vacuum ng carpet ang pasipol-sipol pang si Kanor nang makita niya ako.

He stood straight and grinned at me. "Nakuha mo ang trabaho, 'no?"

My heart melted when I felt how proud he is with me. Nakipag-apir ako sa kanya saka ako ngumisi. "I nailed it. Kahit nakakainis ka minsan, ililibre kita mamaya ng isaw."

"Ayos!" He grinned. "Sige na, baka makaabala ako. Mamaya na lang tayo mag-celebrate."

Tumango ako at nagpunta na kay Miss Cielle. She welcomed me with a smile and a simple congrats before she started telling me the do's and don'ts in our job.

"I submit to Mr. Keeno Ducani, the current COO and acting CEO of the company. You, on the other hand, will be working for Mr. Kon Ducani, the brain of the entire Ducani Empire."

Excitement thrummed under my skin. "Will I get to meet him tonorrow?"

"Mr. Kon Ducani is... quite a busy man," aniya saka sumulyap kay Kanor.

Napalunok tuloy ako nang makaramdam ng iritasyon. Lumalakas lalo ang kutob kong type ni Miss Cielle si Kanor. Hindi ko naman siya masisisi. On a scale of one to ten, Kanor is definitely a twenty; both in looks and personality. Kaya lang ay may pangako na ako sa sarili ko kaya kahit na aminado naman akong attracted din ako sa kanya, hindi ko pwedeng hayaan ang sarili kong tuluyang mahulog sa kanya.

"For the mean time, ako muna ang magre-relay ng mga utos niya sayo. He doesn't want to give you too much workload for now so he'd prolly just ask you to prepare everything he's gonna have to sign."

"Ang schedule niya, ako rin ang nag-aayos, right?"

Ngumiti si Miss Cielle bago umiling. "Like I said, Mr. Kon Ducani is a busy man. You won't be seeing him often in his business suit since he's indulging himself with his... Well, like what his brother calls it, hobbies. You don't need to prepare his schedule. He doesn't like following schedules anyway. Ang gagawin mo lang ay ilagay ang mga kailangan niyang pirmahan sa desk niya, so when he's free and can take care of it, mapipirmahan niya. Another thing is you are only allowed to communicate with hin via text. No calls, no other form of communication. Just text."

Kumunot ang aking noo. "Text? Wala ba siyang viber man lang or whatsapp?"

"He's not fond of apps like those even if he's quite knowledgeable about technology. Kabilin-bilinan niya na sa text lamang kayo pwedeng mag-usap para hindi siya maiistorbo sa mga ginagawa niya."

I nodded. "Got it."

"Good. Now for the attire..."

Miss Cielle and I discussed about the rest of the things I have to know before I start working with them. Nang matapos ang orientation ko, naabutan ko si Kanor na naghihintay sa akin sa harap ng elevator.

"Sadie, half day lang pasok ko ngayon. Gusto mo bang pumunta ng amusement park?"

"Wala pa akong budget para diyan. Hanggang isaw lang kaya kong ilibre sa ngayon. Saka mo na ako hiritan kapag nalanghap ko na ang pera ng pangarap kong pamilya."

He smiled. "Ako nga manlilibre. Magsi-celebrate lang tayo."

Tumaas ang kilay ko. "Huwag mong sabihing nag-advance ka na naman o kaya nanalo sa jueteng?"

He shook his head. "Sa tong its naman kanina."

Pinitik ko ang tainga niya. "Huwag ka ngang sugarol."

He laughed and caught my hand. Pinagsalikop niya ang aming mga palad saka kami pumasok ng elevator. Nang sumara ang pinto ay marahan niyang hinaplos ang palasingsingan ko.

I suddenly remembered him measuring my ring finger yesterday. Sabi niya kung magbago ang isip ko at siya ang pipiliin kong pakasalan pagdating ng araw, sisiguraduhin niyang maganda ang singsing na ibibigay niya sa akin. Hindi naman na ako umaasa, pero alam kong hindi malabo na talagang mabago niya ang preference ko sa lalake.

Bakit naman kasi parang berdeng watawat ang lintik na ito? Pwede namang iyong barumbado ang ipakilala sa akin ni Lord para subukin kung talagang gusto ko ba ng Ducani o hindi.

I sighed. Oo nga naman. Kung barumbado ay aayaw ako kaagad. Kung kagaya ni Kanor ay mahihirapan akong panindigan ang pangarap ko. Sabi kila palaging sinusubok ang tao bago ibinibigay ang hiling. Baka nga ipinakilala lang sa akin si Kanor para subukin kung hanggang saan ako maninindigang gusto kong maging Mrs. Ducani.

"Sadie, mamaya pwede ba kong makitulog?"

Tumaas ang kilay ko habang papalabas kami ng elevator. "At bakit?"

"Wala lang. Gusto ko lang matulog sa apartment mo. Huwag kang mag-alala, lalakeng marangal naman ako. Kahit akitin mo ko hindi naman ako basta lang bibigay—aw!"

Humalakhak siya at hinimas ang tagiliran niyang kinurot ko.

"Gago, anong akala mo naman sa akin? Rapist?"

He laughed. "Hindi naman—" Natigil ang sinasabi niya nang tila mayroong napansing babae sa bungad ng building. Mayamaya ay bigla siyang umiwas ng tingin at hinatak ako pabalik ng elevator.

"Aray ko, Kanor. Bakit ba?"

He sighed and glanced outside the closing elevator, and before I even heard the name the girl was calling, tuluyang sumara ang pinto ng elevator.

"Kanor," tawag ko ulit nang nanatili siyang tahimik.

"Ano, akyat muna tayo sa roof top. Papakita ko sayo 'yong view." He ran his fingers onto his hair before he sighed. "Tama. Doon muna tayo."

My brows furrowed. Why do I have a feeling that he's hiding something from me? Bakit ganoon ang naging reaksyon niya nang makita siya ng magandang babaeng dumating at may kasamang bata?

Nilunok ko ang namuong bara sa aking lalamunan. "Kung seryoso ka talaga sa akin, Kanor, mas magandang maging honest ka ngayon pa lang, dahil oras na malaman kong may itinatago ka sa akin, baka kahit mahulog ang loob ko sayo pagdating ng araw, talikuran kita at ituring na hindi kilala." I breathed in a sharp breath. "I could never be with someone who fools me..."

DUCANI LEGACY SERIES #2: KONNARWhere stories live. Discover now