Kabanata 7

38.1K 901 45
                                    

Kabanata 7

Sadie

Inis na inis kong inayos ang mga gamit ko nang mag-lunch break. Ang sabi ng accountant, wala pa ring go signal ang boss kaya hindi pa kami napapasahod. Ilang katrabaho ko na ang nag-resign, pero dahil mahirap humanap ng trabaho ngayon, kahit na bwisit na bwisit na ako sa ganitong sistema ay wala akong choice kun'di manatili.

I texted Kanor that I'm already on my way, pero pagkababa ko ng building, napatigil ako nang makita ko siyang nasa labas, may dalang payong at bumibili ng kakanin sa matandang nagtitinda ng miryenda.

"Kahit sampu po. Iuuwi ko sa bahay. Gusto ng Mama ko 'yan," dinig kong sabi niya.

I found myself forgetting about my anger. Pinanood ko siyang sabihin sa matandang tindera kung papaano silang naglalako noon ng lutong ulam at miryenda para lang mabuhay.

"Wala akong panukli, anak," dinig kong sabi sa kanya ng tindera matapos abutan ni Kanor ng isang libo.

"Inyo na ho. Uwi na kayo at may bagyo raw."

Pakiramdam ko may mainit na palad na humaplos sa dibdib ko. Look at this guy? Parang walang problema sa buhay. He's always willing to offer a hand and give his best smile even to strangers. Paano ba niya iyon ginagawa?

Sometimes I envy his carefree spirit. Iyon bang parang masyado siyang masaya kaya walang kahit na anong nakakagulo sa isip niya? I want that kind of peace, too, but with the kind of life I have, I know it's going to be hard for me to achieve that level of bliss.

Nagpaalam na sa kanya ang matanda. Nang makaalis ang tindera ay saka lang ako lumapit.

Kanor smiled. "Siguradong wala ka na namang dalang payong kaya pinuntahan na lang kita dito." He lifted the plastic bag he's holding. "Sayo 'yong dalawa."

I swallowed. One thing I am unconsciously liking about him is he pays attention to the smallest detail. Gaya ng katamaran kong magdala ng payong at kawalan ko ng ganang kumain kapag may kalamansi ang pagkain.

Kapag nagpupunta kami sa lugawan, palagi niyang inaalis ang kalamansi bago ko pa gawin, tapos heto naman siya ngayon. Sinusundo ako dahil alam niyang hindi ako mahilig magbitbit ng payong.

He anchored his arm on me so we would fit under his umbrella. Habang naglalakad ay sinisiguro niyang hindi ako matatalsikan ng tubig dahil sa mga dumaraang sasakyan.

"Sadie, may party ang maintenance team namin ngayon. Punta tayo pagkatapos ng trabaho mo," alok niya.

"Bakit naman ako pupunta eh hindi naman ako empleyado ng Ducani empire?"

"Pwede naman. Guest kita. Sabihin lang nating girlfriend kita. Sayang. May mga pa-games mamaya. May pa-cash prize pa nga."

Iyong cash prize lang yata ang narinig ko. Dahil walang-wala na talaga ako at walang kasiguraduhan kung kailan kami pasasahurin, pumayag ako kaya pagdating ng alas singko, sinundo ulit ako ni Kanor para pumunta ng Ducani Empire.

I wore my guest ID. Nang matapos akong pumirma ay isinama niya ako sa function room ng building. Nagkakasiyahan na ang mga empleyado. Ang iba naman ay kumakain.

"Gusto mo ba ng shanghai? Maraming shanghai," aniya.

Tumango na lamang ako. We went to the buffet area and grabbed ourselves a plate of food. Habang kumakain kami ay hindi ko naiwasang magtanong.

"Narinig kita kanina. Sabi mo sa tindera ng kakanin, dati rin kayong nagtitinda ng pagkain. Totoo ba 'yon?"

Tumango siya saka sandaling uminom ng coke bago siya dumampot ng tissue. Kanor wiped the stain of spaghetti sauce on the corner of my lips while he answers my question.

"Dati kasi kami lang talaga nina Mama. Kahit na nagtatrabaho siya, kulang na kulang ang budget kaya ginagawa namin ni Lil—ni Lily, kami ang nagbebenta ng mga niluluto ni Mama. Magbibisikleta kami bago at pagkatapos ng klase. Sisigaw 'yon ng malakas para magtawag ng bibili. Magaling din 'yon mag-alok kaya madalas kaming nakakapaubos."

"Eh, paano kung umuulan?"

"Ako na lang mag-isa. Minsan magpipilit si Lily o kaya sasabihin ni Mama na huwag nang magbenta, pero syempre sayang din. Noong nagkasakit na si Mama, minsan kaunti na lang naluluto niya. Si Lily ang nagtitinda tapos ako, pumapasok na kong janitor saka nagtatrabaho na ako sa carwash at panaderya. Kapag gabi naman, si Lily nagtitinda ng barbeque sa kanto namin. Ako naman nag-iikot ng balut."

"Ang sipag mo, ha?"

He grinned. "Syempre. Kawawa si Mama kung siya lang lahat."

"Sabi mo nagkasakit Mama mo? Naka-recover ba?"

Tumango siya. "Oo, gumaling na. Ang lakas na nga ngayon."

Basag akong ngumiti. "Sayang. Mama ko hindi." Tumikhim ako. "Pero okay na rin. At least natapos na ang kalbaryo niya."

Lumamlam ang mga mata ni Kanor. "Sorry."

Umismid ako. "Bakit ka nagso-sorry hindi mo naman pinatay nanay ko?"

He sighed. "Sorry na nangyari sayo 'yon."

I faked a smile. "Ilang taon na 'yon. Wala na sa'kin 'yon."

I lied. Sometimes I still cry myself to sleep lalo na kapag sobrang hirap nang mag-survive sa buhay nang mag-isa. Pakiramdam ko pinarurusahan ako ng Diyos dahil anak ako dahil sa kasalanan. Hindi ko naman ginusto 'to. Wala namang may ayaw ng buo at masayang pamilya pero wala, eh. Ganito siguro talaga ang kapalaran ko.

"Kanor, game na!" dinig kong sabi ng isang empleyado.

Mabilis na inubos ni Kanor ang natirang pagkain sa paper plate niya saka siya tumayo.

"Sali muna ko. Sayang din. Isang libo rin premyo nito," aniya.

I nodded. Nang magtungo na siya sa harap para sa trip to Jerusalem, hindi ko na namalayang sa kanya na lang nakatutok ang mga mata ko.

An upbeat music started to play. Game na game siyang nagsayaw habang panay ang pakikipagbiruan sa mga kasama. He even did a sexy dance that made me scoff and shake my head especially when he winked at me.

Siraulo talaga ang lalakeng 'to.

The game went on, and when Kanor won the prize, he immediately went back to me and grabbed my hand.

"Pamasahe mo habang wala ka pang sahod," aniya.

Napatulala ako sa isang libong nilagay niya sa palad ko. Tinamaan naman ako ng hiya kaya pilit kong ibinalik ngunit umiling-iling siya.

"Hindi ko naman kailangan. May budget naman ako. Mas kailangan mo 'yan ngayon, Sadie. Bumili ka rin ng vitamins mo para kahit napupuyat ka, hindi bumagsak ang katawan mo."

Tumaas ang kilay ko. "Bakit naman ako mapupuyat, aber?"

He smirked. "Baka lang iniisip mo ko magdamag. Ayaw ko namang magkasakit ka dahil miss na miss mo ko—aw!"

Humalakhak siya nang kurutin ko sa tagiliran bago ko siya inirapan. Mayamaya ay pinisil niya ang aking pisngi habang matamis na nakangiti.

"Ang hilig mangurot ng tigresa ko," aniya.

My heart pounced. I hate it when he's showing ownership towards me even when we're not in a relationship. Pakiramdam ko ay nayayanig talaga niya ang standard ko, kaya bago pa ako lalong maapektuhan, humugot na ako ng hininga saka nagtaray.

"Tigresa ko ka diyan? Ducani lang pwedeng magmay-ari sa akin."

"Kaya nga payagan mo na akong manligaw para makapangasawa ka na ng Ducani."

"At papaano naman 'yon, aber eh hindi ka naman Ducani?"

He smirked. "Ganito na lang. Kung hindi ka mai-in love sa'kin sa loob ng isang buwan, promise, cross my heart, sisiguraduhin kong makakapangasawa ka ng Ducani."

"Ipapakilala mo ko, hmm?"

"Oo ba! Ano, game?"

I sighed. Kahit wala naman akong tiwala sa pinagsasabi niya, um-oo na lang ako nang matapos na.

"Ayos." He grinned in a meaninful way. "Tignan ko lang kung hindi ka makapangasawa ng Ducani ngayon..."

DUCANI LEGACY SERIES #2: KONNARWhere stories live. Discover now