Kabanata 19

36.2K 856 17
                                    


Kabanata 19

Sadie


"Hindi ko naman sinasadya na maramdaman niyang ikinakahiya ko siya, Jelyne. Hindi ko lang alam kung papaano ang magiging reaksyon ko. I mean, naging mabilis ang mga pangyayari. The next thing I knew, sira na ang pangako kong sa Ducani ko lang isusuko ang sarili at puso ko."

Jelyne sighed as she stirred her coffee. "Iyon na nga, Sadie. Ang sabi naman niya mag-isip ka muna, 'di ba? Ibig sabihin, kahit na nasaktan mo siya, gusto pa rin niyang bigyan ka ng space para ma-assess mo ang nararamdaman mo."

I stared at my own coffee cup while I think of Kanor's gloomy eyes. Kanina ko lang siya nakitang ganoon ang tingin sa akin, at sa totoo lang, buong araw na akong binagabag ng nangyari.

"Ano ba sa tingin mo ang dapat kong gawin? Dapat ba palipasin ko muna ang mga araw?"

"Pwede naman. Ang tanong, kaya mo bang hindi muna siya makasama o makausap man lang?"

I bit my lower lip. Honestly, hindi. Iyon nga lang na hindi niya ako hinintay na umuwi, masakit na sa akin. Para bang masyado na akong nasanay na nandiyan siya palagi. He became a part of my daily life without me realizing, and now his absence is really bothering me.

"Hindi niya nga ako hinintay, eh. Sabi ng isang kasamahan niyang janitor, maaga raw umalis dahil may pupuntahan. Manong nagpaalam man lang sa akin o kaya nag-text, 'di ba?"

"Eh, hindi mo naman masisisi 'yong tao. Napahiya at nasaktan mo, Sadie." She sipped on her cup. "I know you love to complain, but this is something you've caused."

Napakamot ako ng patilya. "Should I text him? Meet him perhaps?"

"Ano ba sa tingin mo ang tamang gawin, hmm?" she asked, as if she knew the only person who knows the right thing to do is no one but me. 

Muli akong nagpakawala ng hangin. "Siguro nga kailangan ko ulit humingi ng tawad at ipaliwanag nang mas maayos ang nangyari." 

I pulled my phone out and texted him. Nang mai-send ko ang text ay sinubukan ko munang mag-focus sa pagkakape namin ni Jelyne. I asked her about her daughter and her job to occupy my head, and when Kanor finally replied to my text, my spirit went up again.

Kanor: San ka?

I immediately texted him back, telling him where I am. Hindi naman umabot ng kalahating oras ay natanaw ko na siya sa labas ng coffee shop, tila ayaw nang pumasok. 

Tinapik ko si Jelyne sa balikat. "Una na ako, ha? Ikumusta mo na lang ako sa inaanak ko. Sabihin mo papasyalan ko siya sa Linggo."

Jelyne nodded. Kumaway naman siya kay Kanor nang makalabas ako. Kanor jerked his head to my best friend before he took my bag and carried it like he always does.

Nilunok ko na ang pride ko at lumingkis sa kanyang braso. I don't normally act so cheezy. In fact, I never did. Ngayon lang ako nagkaroon ng boyfriend kaya sa totoo lang ay hindi ko alam kung papaano ko ba siya susuyuin, kaya hinayaan ko na lang ang sarili kong pakinggan ang gut feeling ko.

I rested my head on his shoulder. Dahil naka-heels ako ay kahit paano abot ko pa ang balikat niya. "Sorry na, mahal..."

His expression softened. The next thing I knew, Kanor was already intertwining our fingers before he pecked a gentle kiss on my forehead. "Sorry rin. Mainit lang din ang ulo ko kanina."

"Bakit? Ano bang nangyari?"

"Problema lang pero hindi naman malaki. Gusto mo bang kumain sa labas? May extra ako rito. Pwede tayo sa fastfood."

DUCANI LEGACY SERIES #2: KONNARWhere stories live. Discover now