Kabanata 25

38.1K 869 42
                                    

Kabanata 25

Konnar

"Are you sure you're gonna do this?" Dad asked. 

Nakauwi na sila pagkatapos ng dalawang linggong pananatili sa US. Klinn's operation was successful, but we still don't know if he'd be able to restore his vision back after six months. Ang mahalaga sa amin ngayon ay nakauwi silang lahat nang ligtas, kaya ngayong nasa Pilipinas na sila, nag-decide si Dad na pumalit muna sa akin habang under observation din si Keios. 

"Yes, Dad." I took the agreement and put it in a folder. "I cannot lose her."

Payak na ngumiti sa akin si Daddy. "I understand. Anak nga kita, Konnar. Here you are, proving that Ducanis don't give up on love."

I smiled. "She's worth it, Dad. Kaya kailangan ko ring patunayang karapat-dapat ako sa pagpapatawad niya."

Inakbayan niya ako. "You know, son, my greatest fear is that my kids will never feel what your mom and I have, but at the same time, natatakot din ako na pagdaanan ninyo ng mga kapatid mo ang mga pinagdaanan namin ng Mama ninyo. Our love was so strong that the trials that came our way were... not easy to face, too."

"But you conquered every storm that tested you, Dad, that's why I have faith, too that someday, Sadie will find forgiveness in her heart."

Bumuntong hininga si Daddy saka ako pinakatitigan. "Your Lolo Kanor is probably up there, bragging about you."

Napangiti kaming pareho, at habang nakatitig ako kay Daddy, wala akong ibang maisip kun'di ang kagustuhan kong tumanda rin na may kasamang bersyon ko ng Khallisa. 

Dad always tells us that it was him who got lucky with our mom, dahil kung hindi dumating si Mama sa buhay niya, hindi siya maniniwalang totoo ang pag-ibig. Ngayong hindi na talaga ako pinapansin ni Sadie at pinaninindigan niyang hiwalay na kami, mas nari-realize ko kung gaano ko kagustong makasama siya habambuhay. 

Love hit me like a lightning strike, and now I can't see my future anymore without her. Baka kung hindi na talaga niya ako bigyan ng pagkakataon at magmahal na siya ng iba, siguro, habambuhay na ring magiging sarado ang puso ko para sa ibang babae.

"Nag-aalala ang Mama mo sayo kaya gusto niyang ipasama si Tobias at Secretary Beun sa Japan."

I groaned. "Those two. They're getting along pretty well. I'm sure they'll make my life hard while we're in Japan kung bibitbitin ko ang dalawang 'yon, Dad."

Umismid si Daddy. "Your brother, Keeno agreed that you need those two beside you. Mukhang gaganti na sa wakas ang kapatid mo. Bakit mo naman kasi pinasakit nang gano'n ang ulo ni Keeno? I'm sure if it wasn't for his secretary, matagal nang tumigil sa pagpasok sa opisina ang kapatid mo, Konnar."

I laughed. "Amoy na amoy, Dad!"

"I wasn't born yesterday, son. Papunta pa lang kayo, nakailang balik na ko. You can all lie to yourselves, but not to your old man."

"Pagsabihan mo 'yang anak mo, Dad. Ang laki-laking tao, totorpe-torpe."

He smirked. "Let your Mama do the talking. You know he listens more to her." 

"Kung sabagay." I scratched my temple. "Alis muna ko, Dad. May pupuntahan lang ako."

"Where?"

I smiled. "Mamamanhikan ho in advance..."



I parked my car outside the cemetery where Sadie's mother was buried. Dala ang basket ng bulaklak, lumabas ako ng sasakyan at hinanap ang puntod.

When I finally found the grave, I went on one knee and lit up a candle for her. I remember her being a sweet lady who often walks with her umbrella despite her weakening body just to buy Sadie her favorite bread. Minsan ay ako na mismo ang nagdadala sa kanila, pero hindi kami nagtatagpo ni Sadie noon. 

Maybe that's one thing that made me so into her. We had nearly similar childhood. Swinerte lang ako na gumaling si Mama at nagkasama pa sila ni Daddy, habang si Sadie, naulila sa ina tapos ngayon lang nakasama ang kapatid niya. 

I stood up and buried my palms in my pockets. "Kumusta po kayo diyan? Siguro kapag nakilala ninyo diyan ang lolo ko, maiiyak kayo sa katatawa." I grinned. "'Yong anak ninyo, hindi ko alam kung saan nagmana ng kasungitan. Malambing naman kayo noong nabubuhay. Anak pa nga ang tawag ninyo sa akin." I scratched my temple. "Tanda ninyo pa ho ba ako? Ako ho si Konnar. 'Yong tindero noon sa bakery sa Barangay Maligaya."

The wind blew, and as its cold breeze caressed my cheeks, I looked up and smiled to the blue sky. 

"Si Sadie ho, nasaktan ko. Kasalanan ko rin ho kung bakit ganito ang nangyari, at hindi ko rin ho masisisi ang anak ninyo kung ayaw na niya akong kausapin, pero sana ho, maintindihan ninyo ako kung hindi ko kayang sukuan si Sadie. Baka ho makulitan kayo sa akin sa gagawin ko, pero wala ho, eh. Kahit yata magparamdam kayo sa akin, hindi ko ho talaga titigilan ang anak ninyo hangga't hindi kami nagkakaayos."

My gaze drifted back towards the grave. "Tita Hadie, kahit galit pa sa'kin ang unica hija ninyo, magpapaalam na ho ako, ha? Mahal na mahal ko ho talaga. Pangako ko naman ho na oras na umuwi 'yon sa'kin, hinding-hindi ko na 'yon sasaktan. Hinding-hindi na ako magsisinungaling pa o maglilihim ng kahit na ano. Iyong pambababae? Wala ho sa bokabularyo ko 'yon. Mapuputulan muna ako ng kamay at binti bago ako tumingin sa iba kaya..." I drew in a sharp breath. "Pakibulungan naman ho mga anghel diyan. Pakisabi tulungan akong mapalambot ulit puso ng anak ninyo."

"Anong ginagawa mo rito?"

I immediately looked behind me when I heard Sadie's voice. Salubong ang mga kilay niya at halatang nagtataka kung papaano ko nahanap ang puntod ng nanay niya.

I sighed. "Mahal--"

"Tinatanong kita. Anong ginagawa mo rito, Mr. Ducani?" malamig ang boses niyang tanong.

My eyes softened. I swallowed the lump in my throat before I tried to take a step forward, but the moment she stepped backwards, I felt my heart breaking into pieces again. 

Napabuntong hininga ako. "I lied. I didn't find out that your birthday was May seventeen because I saw it in your CV. I knew... because people said you had a terrible birthday surprise when your mom died."

Lumambot ang kanyang ekspresyon na tila hindi inasahan ang sinabi ko. "A--Alam mo ang... tungkol sa Mama ko?"

I pursed my lips and nodded. "Mahilig ka sa egg pie, pero kahit gusto mong bumili, namamahalan ka kaya pandesal na lang ang binibili mo. Nagbabawas ako sa sahod ko sa bakery noon para malibre kita ng egg pie dahil sabi ng Mama mo, uunahin mong bilihin ang gamot niya kaysa sa gusto mong kainin."

Her eyes slightly widened. "I--Ikaw 'yong... Kon na taga-bakery?"

Mahina akong tumango. "You were evicted from your apartment when your mom died. Kaya no'ng nalaman kong napalayas ka, sinubukan kitang hanapin. But I failed. I tried to forget about you and dated other girls, but I still find myself wondering where you were back then. When I got reunited with my family, I strived so hard with hopes that one day, the universe will conspire in my favor, and it did. You started showing up in front of Ducani Empire, and that's when I knew I cannot mess my shot anymore."

Umiwas siya ng tingin na tila nasasaktan. "But you still did." Her lips pursed while she's trying to hold back her tears. "Imbes na magsabi ka nang totoo, pinaglaruan mo ko."

"I lied, and I regret doing that. Pero gaya ng sinabi ko, Sadie, 'yong nararamdaman ko para sayo, totoong-totoo."

Basag niya akong nginitian. "Mahal mo ko, Konnar?"

"I do, baby, and I'll do everything to prove that to you."

She sniffed. "Kapag mahal mo ang isang tao, hindi ba gagawin mo lahat para sa kanya, hmm?"

I nodded. "Yes."

"Then do me a favor." Lumakad siya patungo sa puntod ng nanay niya at inilapag ang bulaklak bago niya ako ulit tinignan sa mga mata sa malamig na paraan. "Get out of my life for good..."

DUCANI LEGACY SERIES #2: KONNARWhere stories live. Discover now