Kabanata 36

34.8K 756 47
                                    

Kabanata 36

Sadie

Kahit lasing pa ay nagawa pa ring alisin ni Konnar ang kalamansi ng lugaw ko bago niya ako nilagyan ng kutsara sa bowl. The vendors were looking at us weirdly as we occupy our usual spot in their stall. Siguro ay dahil sa mga suot namin ni Konnar at sa kalasingan niya.

I swallowed the pool of saliva in my mouth before I stood up. Sumunod naman siya ng tingin na tila natatakot na iwan ko bigla.

"Kukuha lang ako ng softdrinks."

He jerked his head and started eating. Nang makalapit ako sa tindera ay ngumiti siya sa akin.

"Ganda, long time no see, ah? Balita ko nasa Japan ka na kaya nagulat ako kasama ka ni pogi ngayon."

I sighed while she opens two bottles of coke. "Naku, ate. Galing kaming Japan. Nag-private plane lang kami para sa lugaw."

Napakurap siya't nahinto sa pagbukas ng bote. "Ano? Umuwi kayo rito para lang sa lugaw?!" hindi niya makapaniwalang tanong.

"Unfortunately, yes. Ito ang paborito namin kaya... umuwi muna kami. Pagkatapos kumain ay babalik din kami ng Yokohama."

"Grabeng lustay naman 'yan ng salapi, ganda!" Nilingon niya sandali si Konnar. "Ibig mong sabihin ay tuwing bumibili si pogi ng lugaw rito ay umuuwi rin siya ng Japan?"

"Oho."

"Naku, Panginoon. Ako ang nanghihinayang sa ginagastos niyang batang 'yan. Noong nalaman nga naming mayaman pala 'yan, halos ayaw ko nang pagbentahan ng lugaw dahil pagkaing mahirap itong tinda ko, pero mapilit at gusto ka raw makasamang kumain ng lugaw kaya lang at hindi ka mabitbit dito sa pwesto. Ang akala ko naman ayaw mo lang sumama."

"Hindi naman ho sa gano'n. Masarap ho ang lugaw ninyo rito pati 'yong pares mami at goto. Sadyang... nagkaroon lang ho kami ng hindi pagkakaintindihan lately."

"Ayos na ba kayo ngayon?" she asked.

I swallowed the lump in my throat then looked at Konnar who's trying to keep himself from falling from his seat. "Mukhang... magkakaayos na ho."

"Mabuti naman. Alam mo ba 'yong Lori ba 'yon? Aba'y araw-araw nagtatambay 'yon dito para abangan si pogi."

I rolled my eyes. "Ang lakas ng pang-amoy ng babaeng 'yon, ate."

"Naku, gano'n talaga kapag malaki ang gusto. Hindi nga nahihiyang ipakita ang motibo kahit noong hindi ka pa isinasama ni pogi rito." Ibinigay niya ang dalawang bote ng coke sa akin. "Huwag mo na lang pansinin. Eh, gano'n talaga siguro. Nagmahal ka ng gwapo."

Napabuntong hininga ako. "Siguro nga ho."

Binalikan ko na si Konnar. Nang mapansin kong antok na antok na talaga ang mga mata niya ay binilisan ko na lamang ang pagkain. Nag-take out din ako ng para kay Eiji at Dad bago kami sumakay ng taxi patungo sa airport.

When we got to his private jet, I helped Konnar wear his seatbelt before I asked for a damp face towel from the flight attendant. Pinunasan ko siya nang kahit paano ay mabawasan ang tama niya ng alak, ngunit hinuhuli niya ang kamay ko't hinahalik-halikan.

"I love you, Sadie..." he said while trying to open his heavy eyelids. Nang magtama ang tingin namin ay pagod siyang ngumiti. "Thank you."

Nilunok ko ang namuong bara sa aking lalamunan. "Para saan?"

"Sa lugaw date. I..." He took in a sharp breath then flashed a broken smile. "I was so scared that I wouldn't experience it again..."

Lumamlam ang mga mata ko. "Nagselos ka ba kanina noong nakita mo kami ni Rig?"

Umiwas siya ng tingin saka tumango. "I wonder if I came across your mind when he kissed you. Kasi baka kung ako ang hinalikan ng ibang babae, ikaw kaagad ang maiisip ko. Pero wala naman akong magagawa kung... kung gusto mong magpahalik sa kanya."

I swallowed the lump in my throat. "So you're saying that it's okay with you if I will kiss someone else, huh?"

"No. No, it's not okay. It will never be okay but... maybe Eiji was right? Wala akong karapatang pigilan ka sa kung ano ang gusto mong gawin?" His eyes screamed sadness. "All I could do is... hope that someday, you will wake up and realize that you're still willing to try again with me."

"What if it will take me years to realize that? Where will you be by then, hmm?" pigil ang emosyon kong tanong.

Konnar flashed another broken smile. "I'll probably be inside one of the churches where you prayed for a Ducani, begging God to give me back the only girl I want in life..."

Uminit ang sulok ng mga mata ko, kaya bago pa man ako mawalan ng kontrol sa aking emosyon ay itinuloy ko na ang pagpupunas sa kanya.

"Rest. Gigisingin kita kung nasa Japan na."

Konnar nodded and shut his eyes. Nakatulog siya habang nakasandal ang ulo sa akin. Hindi naman ako nagreklamo o itinulak siya para umayos ng upo. In fact, I even held his hand while he was asleep. At sa buong byahe namin pauwi ng Yokohama, walang ibang tumatakbo sa isip ko kun'di ang kung gaano ko na kagustong bumalik sa piling niya.

The scene inside the club, it was so painful and threatening to see. Na-realize ko na kapag siya na ang may ibang kasamang babae, siguradong iiyak din ako.

I can't keep doing to him the things I hate to see him doing to me. Kaya kahit maaga pa para itigil na ang mga plano nina Eiji at ng Daddy ni Konnar, nakapagdesisyon na ako.

I can't let this man have his chance to date another girl just because I'm taking his feelings for granted.

Naintindihan ko na rin naman kung bakit niya nagawang itago ang katotohanan noon sa akin. I was desperate to marry a Ducani. Maybe that scared him. Siguro ay inisip niyang pangalan at kayamanan lamang ang mamahalin ko sa kanya, hindi ang tunay niyang pagkatao.

Nang makarating kami sa bahay ay tinulungan ako ng tauhang iakyat si Konnar sa kwarto niya. Nagising din naman siya kaya nang makaalis ang tauhan ay hinapit niya ako't pinahiga sa kanyang tabi. Nang yakapin ko siya pabalik matapos kong iayos ang kumot, pilit niyang iniangat ang kanyang ulo para kausapin ako.

"Do you need my service? I can still do it. Medyo lasing lang pero kaya ko pa," aniya.

I sighed and rested my palm on his cheek. "No." My expression remained soft as I stared at him. "I... I will sleep here tonight tapos... sa mga susunod na gabi ay..."

"Kanya-kanya na ulit?" he asked with a hint of sadness.

Basag akong ngumiti. "Pwedeng sa kwarto ko naman tayo matulog..."

Napakurap siya. "You will finally let me cuddle with you at night?"

I pursed my lips and nodded. Sandali rin akong humugot ng hininga bago nagsalita.

"Rig didn't kiss me. I... I just wanna clarify that." My thumb stroked his cheek. "I don't think I could ever kiss another man without worrying about what you'd feel... Kasi... Kasi kahit hindi pa tayo okay..." Nalunok ko ang namuong bara sa aking lalamunan. "My heart still wanted to remain faithful to you. I—Ikaw man si Kanor Baltazar o... si Konnar Ducani..."

His eyes flickered with so much joy. Napahugot siya ng hininga saka niya ako niyakap nang mahigpit at pinatakan ng halik sa tuktok ng ulo. Mayamaya ay nag-alala ako nang marinig ko ang kanyang pagsinghot.

"What's wrong?"

Konnar shook his head. "Nothing. I'm just really happy right now. God, you will always be my weakness. Isang sabi mo lang na gusto mo pa rin akong papasukin sa buhay mo, parang ako na ang pinakapinagpalang tao sa mundo." He took my hand, entwined our fingers, and then kissed the back of my palm before he spoke. "Can we go home to each other now? I don't like feeling so homeless..."

Payak akong ngumiti. "We finally can." I kissed his knuckles before I smiled a little sweeter. "Sayo ko pa rin gustong umuwi..."

Konnar cupped my cheek and kissed me on my lips with a vow that I will forever own his heart,  and I kissed him back with a promise that his lonely nights are officially over.

If only I knew there's a bigger storm that's about to hit us, just after we finally found our way back into each other's arms...

DUCANI LEGACY SERIES #2: KONNARWhere stories live. Discover now