Kabanata 6

39.3K 903 126
                                    

Kabanata 6

Sadie

Bwisit na bwisit kong binuksan ang pinto nang sunod-sunod na kumatok ang tao sa labas, ngunit nang makita ko ang landlady na si Tita Joyce, napawi ang iritasyon sa aking mukha.

"Anong petsa na, Sadie! Ang usapan natin a-dos!"

Nagkamot ako ng patilya. "Alam ko naman ho, pero wala pa talaga ang sahod ko. Delayed ho talaga. Kapag meron naman ho iaabot ko kaagad."

"Letse, palagi na lang ganyan! Magbayad ka na ng advance para sa susunod na buwan kapag sumahod ka nang hindi palaging ganito. Kung hindi, humanap ka na ng ibang titirahan mo."

Pagalit niya akong nilayasan, at kahit anong taray ko, ayaw ko siyang patulan. This is the cheapest place I could get. Kung hahanap ako ng iba oras na hindi ko sundin ang gusto niya, sigurado akong bed space na naman ang kababagsakan ko.

Dalang-dala na ako sa bedspace. Kung hindi ako nananakawan, palagi naman akong may nakakaaway.

I sighed and tried to calculate all of my expenses. Tubig, kuryente, upa, pati pamasahe, halos doon pa lang ubos na ubos na ang sahod ko sa isang buwan. Wala pa roon ang para sa pagkain ko.

My phone vibrated. Nang makita ko ang text mula kay Kanor ay binuksan ko ang phone ko.

Kanor: Good morning, Sadie. Nagluto si Mama ng kare-kare. Hati tayo.

I chewed my bottom lip. Binuksan ko ang wallet ko, at nang makitang isandaan na lang nag natira roon, kahit sana ayaw kong pumayag sa alok niya ay wala na rin akong choice. Hindi na ito ang tamang panahon para pairalin ko pa ang pride ko. Baka kung magutuman ako, paggising ko ay nasa langit na ko. Paano na lang ang Ducani na ilalaan ni Lord sa akin?

I sighed and replied with a thumb's up, kaya lang nang maalala kong kapanahunan pa ng kopong-kopong ang cellphone ni Kanor, muli akong napabuga ng hangin habang nagta-type ng text.

"Bwisit kasi. Bakit hindi na lang bumili ng matino-tinong cellphone. Pati ako pinahihirapan."

Pagka-send ko ng text ay nagsimula na akong mag-asikaso. I had to leave my apartment early or I'm going to be late for work.

Parang hindi na nga eight hours ang trabaho dahil pagpasok pa lang, isang oras na ang byahe kung hindi masyadong traffic. Mag-aayos pa ako. Kung uuwi naman, gano'n din. Kailangan pang pumila nang matagal para lang maging sardinas sa jeep.

Pagkarating ng office, late na ako ng fifteen minutes. Kaltas na naman iyon pero kapag nag-overtime naman, thank you lang.

"Sadie, next week pa raw mabibigay ang sahod. Ubos na ubos na sahod ko. Pati naitabi kong pera sa passbook ko, nagalaw na. Kakainis. Ratratin mo nga 'yong sa payroll!" buyo ni Lanie sa akin.

Dahil wala pa akong breakfast at sky flakes lang ang kinain ko kagabi, tamad na tamad akong sumandal sa swivel chair ko. "Ikaw na. Kaya mo na 'yan. Wala na akong energy."

The moment the clock strikes twelve, I pulled myself up and texted Kanor. Nagkita kami sa baba ng Ducani Building. Akala ko ay sa karinderya niya ako dadalhin, pero nang pasuotin niya ako ng guest ID ay nalukot ang noo ko.

"Dito tayo kakain?" nagtataka kong tanong.

"Oo. Doon sa cafeteria. Nandoon 'yong ulam at kanin. Tara na."

Parang nawala yata ang gutom ko. Hindi pa ito ang hotel nila pero para na rin akong nakapasok sa hotel Khallisa. From the grand chandelier in the lobby to the state of the art interior design, I couldn't help but envy the Ducanis more.

Pagpasok namin ng cafeteria, pakiramdam ko pumasok na rin ako ng five-star restaurant. May mga pagkain na nakahilera at magaganda ang ayos ng bawat mesa kaya hindi ko napigilan ang muling pagkunot ng noo ko.

DUCANI LEGACY SERIES #2: KONNARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon