Chapter 5: Lift

62K 977 67
                                    

Chapter 5: Lift

Nasalo ako ni Kenneth? Pero paano siya nakapunta dito nang mabilis?

"Uhm, thanks. You could put me down now."

"No, I'll take you to class."

"Just like this?" Buhat pa rin niya ako na parang bride niya pagkatapos ng kasal. GAHH! I'm mentally screaming at this point!!

"Yep!" ngiting ngiti niyang sabi.

Magsasalita pa sana ako pero tinakpan niya bibig ko. So isang kamay nalang ang sumusuporta sa katawan ko. Baliw ba siya?! Paano kung mahulog ako! Kaya bigla akong napayapos sa leeg niya. WALANG MALISYA HA! Nakarating na kami sa room. Late na nga kami, ayan pinagtitinginan pa.

"Sila na ba?"

"OMG! WAG!"

"Wag talaga! Pero paano nakatagal si Kenneth kay Kath? Eh diba allergic yan sa lalaki, kaya lahat ng lumapit sa kanya pinagtatabuyan niya?"

"Ang weird. Pero infairness may chemistry sila."

"Oo nga. Shet! Pero hindi! Dapat sa atin lang si Kenneth!!!"

Narinig kong pagbubulungan ng mga babae. Nako naman, wag niyong sabihing aawayin niyo ako dahil dito sa lalaking 'to? Eh inyong inyo naman talaga 'to eh.

"Sorry we're late, Sir. Kathy sprained her ankle."

Tumango lang yung prof. "You may sit now. But, you two will stay in my class much longer, for some extra works." Sabi ni Prof. Santos, prof. namin sa IT. Pumunta na kami sa likod, at syempre buhat pa rin niya ako.

"Kathy? My name's KATH. Exclude the -Y. Okay?"

"No. I'd like to call you that. It's better than Kath."

"Oh, so now you're questioning my name by giving me a nonsense monicker?" tinaasan ko siya ng kilay.

"It's not nonsense, it's cute. Besides, I'll be the only one who'll call you that to sound special." Kinindatan niya pa ako. Ang kapaaaal!

"I don't want to sit here!" Nagpupumiglas na ako. "I want to sit next to Yna and Lindsay. So let me go!"

Binitiwan niya ako. At thankfully, hindi na masyadong masakit yung paa ko. Hanggang ngayon hindi ko pa rin malaman kung bakit sumakit nang ganoon yung paa ko. Sprained lang ba talaga? Hmmm. Pumunta na ako sa harapan ng isang computer na kalapit ni Yna.

"Hoy! San ka na naman nanggaling? Di ka manlang nagtetext?" Yna

"Nagbasa nga lang. Sa library, ay hinde! Sa garden pala."

"Eh bakit kasama mo si Kenneth? Ayiiee! Edi nahuhulog ka na rin sa wakas!" Lindsay

"Pwe! Tigilan niyo nga ako. Yang computer ang kulitin niyo." Kinuha ko na yung paper works at tumutok na sa computer. Pero alam kong pinagbubulungan pa rin ako nitong dalawang 'to. Hay, masanay ka na Kath.

Tapos na ang period na 'to. Kaso nga lang maiiwan nga pala kami ni CM. Conceited Monkey, kaya wag kayong magtaka.

"Una na kami ha? Good Luck! Hihihi." Pang-asar ni Lindsay, sarap batukan eh. Pacute pa kung tumawa.

"Eh teka, hihintayin niyo rin naman ako diba? Sino na naman maghahatid sa akin pauwi mamaya?" nagpaawa pa ako.

"Eh sino bang naghatid sayo dati nung hindi mo ako sinipot sa club?" Yna

Unlucky Cupid (Cupid Series #1) Published under Pop Fictionजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें