Chapter 58: Sacrifice

37.1K 461 69
                                    

Chapter 58: Sacrifice

***

New Year na mamayang twelve midnight. Di naman ako excited, ewan ko kung bakit. Pero feel ko pa rin naman kasi gawa ng mga maiingay na paputok. Buti na lang hindi ako lumalabas ng bahay, kundi baka may sugat na ako sa paa o kung saan. Buti naman.

Nandito kami ngayon sa supermarket, bumibili ng kung ano ano for later. Sinabihan kami na kumuha ng fruits na bilog. Eto namang si kuya eh kung ano ano ang kinukuha. Kumuha ba naman ng mangga, sabi eh bilog daw yun, natabunan lang daw at napisot kaya naging ganun yung shape. Agkap!

"Umayos ka nga kuya! Para kang elementary ah!" saway ko.

"Sus! Nagsalita ang matanda na." sagot naman niya.

"Sumbong kita kay ate Telle eh!"

"Hehehehe." ang defensive ng tawa niya. "Joke lang!"

Tapos ayun umayos naman na siya. Buti nga at may pang-black mail kami, kundi talagang maa-aggravate kami sa bakulaw na 'to! Nautusan naman ako na tumingin ng queso de bola kaya napalayo ako sa kanila. Buti naman!

Paano ba pumili? Pag ba iba ng brand, iba rin lasa? Tss. Malamang Kath! Malamang. Ang ginawa ko na lang eh kinuha ko yung pinakangmahal, eh kasi diba pag mahal, masarap? Ay ewan. Bahala na.

"Wag yan ang kunin mo."

Natingin naman ako sa nagsalita. Bakit siya nandito? Ay baka bumibili rin. At ayun nga tumitingin-tingin siya.

"Ha? Bakit? Okay na 'to."

"Madali mawala yung pagkacheese niyan kapag hindi na-refrigerate ng matagal. Baka masayang lang."

"Oh. Pano mo naman nalaman?"

"Sabi sakin ni Andrea." tapos nilagay niya sa kamay ko yung dapat daw na bilhin ko.

"Ah, edi magkasama kayo ngayon?"

"Yeah."

"Kayo lang? Yiiee." ginalit ko pa. Natawa nalang siya.

"Baliw ka. Nagpasama lang siya, may nakalimutan daw bilhin mommy nya. Eh ikaw sino kasama mo?"

"Sila. Oh sige pala, babalikan ko na sila."

"Ingat ka, Kath."

Lumingon naman ako. "Oo naman. Ikaw din."

Magkasama sila? Bakit kaya hindi nalang si Andrea? Eh bagay na bagay naman sila. Ang gulo nila, eh halata naman eh.

Bumalik na nga ako sa kanila. Binili nalang namin yung natitira pang kailangan, tapos umuwi na rin kaagad. Pagkauwi nga namin kuha agad kami ng pagkain, napagalitan naman kami. Sabi raw eh malapit nang magdinner tapos kakain pa kami ng kung ano. Tsaka raw may midnight feast pa. Kaya nanahimik nalang kami.

After naman ng dinner eh di na kami natulog, sabi ni mommy na tumulong nalang daw kami sa kitchen works at dadating yung iba naming kamag-anak.

So at around ten-thirty eh nagdatingan na nga sila. Mga tito at tita ko nandito kasama mga chikitings nila. May mga pinsan din naman akong kasing age ko kaya medyo okay naman. Mga matatanda ay nasa kitchen na, mga nagpprepare. Kami namang mga bata, at sobrang bata ay nandito sa sala. Ang kukulit sobra! Sumasakit ulo ko eh!

"Ang ingaaaay!" sigaw ko habang nakatakip kamay ko sa tenga. Natawa lang sakin sina Miki at Harold.

"How do you keep up with them?" I asked, with matching make-face.

"Easy." sagot naman ni Harold. "I lock myself up in the room usually."

"Well, best way to escape?" si Miki naman. "Go to my friends' house."

Unlucky Cupid (Cupid Series #1) Published under Pop FictionWhere stories live. Discover now