Chapter 41: Forced Date

38.6K 579 29
                                    

Chapter 41: Forced Date

***

Pagkagising na pagkagising ko, hindi na kaagad ako mapakali. Panu ba naman kasi, naiwan ko si Yna sa concert ground sa mall kagabi. Hinablot ko na ang cellphone ko at tinawagan si Yna. Ayos lang, di naman ako pala-unli kaya okay lang maubusan ng load. Plus important and urgent to, mamaya nakidnap na pala si Yna. Oh nagpakidnap sa gwapo.

Sinagot na rin nya. Kinakabahan nga ako eh, baka galit 'to or something.

"Kaaaath!" she shrieked.

"Hala! Okay ka lang?!" nagaalala kong tanong.

"Salamat pala at iniwan mo ako kagabi. Hihihihi."

"Ang landi ng tawa mo, naka-drugs ka ba?"

"Oo—ay baliw! Hinde! May gwapo lang kasi na naghatid sakin. Hahahaha. Kinikilig pa rin ako."

"Lande laaaangs. Buti naman hindi ka napano."

"Kung sya naman ang kikidnap sakin, LOVE-nap na yun. Pag naman nagkasakit ako dahil dun, LOVE-nat na yun. Pag naman nagutom ako, LOVE-banos na kakainin ko. Pag naman—"

Pinigilan ko na sya. "Hep hep! Tama na. In love ka nga. Oh anyareh ba? Sino ang kaawang guy?"

"Ang yabang mo!"

Natawa na lang ako. "Joke Lang. Sino nga? Ilan taon? Saan nakatira? Pangalan ng magulang, address at email contact."

"Hahaha. Mas malupet ka pa sa nanay ko Kath. Anyway, si Maximillion yun. Hihihi."

"Maximillion? Ang panget naman ng name. Parang bilang lang ah. Hahahaha." Napatigil naman sya sa kanyang kilig-laugh.

"Pogi naman!"

"Oh talaga? Nagkita na kayo?"

Nanahimik naman sya. "Hindeee eh." tsaka sya nag-fake cry.

"Kay, bye. Hahaha. Pero sige, may pinoproblema pa akong malupet ngayon kaya... later."

"Si Kenneth. Hahaha. Sige na. Bye bye."

Natawa lang ako then nai-end ko na yung call. Wala lang, bigla lang talaga ako kinabahan.

Nagsimba kami nung umaga tapos natulog muna ako nung hapon dahil wala naman akong gagawin, wala rin namang homeworks. Pero may pasok na ulit bukas. Hay. Di naman ako nagrereklamo pero parang nagsisimula na akong tamarin. Bakit ba, estudyante eh.

Mga five PM ginising ako ni Kuya Kev. Wala lang, kain lang daw kami, libre nya. Syempre go lang naman ako kasi medyo kuripot din 'to eh. Yun nagbihis muna ako sandali nang maayos at umalis na kami ni Kuya. Naglakad lang naman, sabi nya kase malapit lang daw. Hindi na naman ako nagreklamo, Baka magback out sa panglilibre eh.

"Kuya Kev, saan ba talaga tayo pupunta?"

"Doon oh." Turo nya run sa may stand. Bilihan din ata? Ewan.

"Ano yon?"

"Queck Queck." sagot nya.

"Que—ano?" tanong ko. Saan lupalop naman nanggaling yung pangalan na yun? Tao ba yun? Hahaha. Baduy. Pagkain ba yun? Baka lason?!

"Quail eggs yun. Basta lika na!"

Nang makalapit na kami, yun, bumili na nga si Kuya. Ako naman nakatunganga lang, ano naman kasing gagawin ko diba.

"Oh." sabay bigay sakin nung nasa papel na lalagyan na may kulay orange na bagay.

"Eto na ba yun?" tanong ko na naman.

Unlucky Cupid (Cupid Series #1) Published under Pop FictionOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz