Chapter 28: Interruption

44.6K 600 49
                                    

Chapter 28: Interruption

***

/ALYNA'S PERSPECTIVE

After ng play nila Kath, pumunta muna kaming room para antayin siya. Pa-VIP si teh eh. Ayos lang, friends-friends eh. Hoho!

Nang makarating na si Kath sa room, ayun tinukso muna namin sandali. Bagay kasi talaga sila ni Kenneth. Sayang nga lang at nakarating pa si Sharlyn, kaya di natuloy yung plano ni Kenneth. Syempre naman boto kami sa kanya para kay Katherine. Biased na kung biased.

Hinatid na kami ni Lindsay pauwi. Hihi. Driver anywhere, anytime. I so so love her.

Ang agap pa pala. Wala namang magawa. Magsisikap na nga akong mapataas ang grades ko sa Geometry, kainis naman kasi yun eh. Aanhin ko ba ang figures sa trabaho? Di naman ako magiging Architech, ew, no. Puro math yun, right? Well whatever. Real life application nga. Tch.

Hinagilap ko ang Geom book ko at notebook. Shemay! Wala sa bag ko. Wala din sa study table.

"Oh GeoMeo, where art thou?" I acted goofily. Ano naman, ako lang naman magisa dito sa kwarto eh—

"Hoy, Alyna. Para kang engot dyan ah."

Walanjang kagulat! Si little brother lang pala.

"Ano naman. Tss!"

"Well whatever ate. Samahan mo akong school. May kukunin ako. Dali!"

"Kung maka-utos ka, Angelito parang ikaw ang matanda ah."

"Ew. Angelito ka dyan! Angelo nga kasi!"

"Angelito." Bleh. Hahaha! You know the feuds between siblings? Yeah, we do that a lot.

"Kainis ka naman oh. Dali na, samahan mo na ako habang maagap pa."

"Sige na, sige na. Tutal may kukunin din naman ako eh. Tara."

"Ulyanin ka ate. May nakalimutan pa. Hahahahaha!" lokong tumawa ito eh.

"Sus! Nagsalita ang hindi. Kainis! Tara na nga. Iwanan kita dyan eh!"

Parehas lang kami ng school syempre ni Angelito. Hahaha. Angelito talaga eh. Ang saya niyang asarin. First year lang din siya, pero kita mo naman ang ugali eh, ang baho. Hahaha! So there, iisa lang ang destinasyon namin. Nag-jeep na lang kami, di naman kasi kami maarte. At kung papahatid pa kami kay daddy ay sayang sa gas. Hihihi. Environmentalist, oooohh.

Nang makarating kami sa Sermounth University, nag-part ways na kami. Sana mawala si Angelito ng wala nang sagabal sa aking pamumuhay. Wahahaha! De, joke lang. Edi napagalitan naman ako.

"Hoy ate, huwag mo akong iiwan. Kung hindi, sasapakin talaga kita."

"Not if I got to do it first." I stuck my tongue out.

"Ewan ko sayo. Bye!"

Ang aking magalang na kapatid. Bow. Eeehh! Tch.

Humayo na ako sa daang papunta sa locker zone. Wow, humayo. Big wuuurd! Hahahaha. Bakit ba ang aning kong tao? Oki lang, at least walang problema.

Bukas ng locker, kalkal ng gamit. Hohoho. Kalkal talaga, eh noh. HAHA! Kuha ng book, kuha ng notebook. Done.

Asan na ba si Angelito? Kainis iyun ah! Napaka-tagal. Err. Limang minuto na ang nakalilipas at wala pa din siya, napaka tagal. Sensya't impatient ako pagdating dito sa bakulaw na to. Umupo muna ako sa bench at nagsimulang magbuklat sa libro. Aral dito, aral doon. Walang pumapasok sa tenga, pagod na ang mga mata. Tss. Ano ba 'to? Hindi ko maintindihan!

Unlucky Cupid (Cupid Series #1) Published under Pop FictionWhere stories live. Discover now