Chapter 47: Dance

37.7K 561 42
                                    

Chapter 47: Dance

***

"I-I c-can't believe you're... Y-you're really..." I looked down and sighed. Up again to face him. "Here."

I was expecting a jolly Kenneth. But what's here is a different one.

"Oh, hey. I'm... I'm here." he smiled weakly. "Fresh and new."

"Oh. So... Anong-"


Wait, should I ask? Kasi kung tutuusin, wala naman akong karapatang magalit o magtampo kung bakit hindi manlang siya nagpaalam nung umalis siya, o di kaya nag-warn muna like that. Pero wala eh. Nakakahiya naman kasi kung aasta akong parang kung sino when I'm precisely just a somebody to him. At least I'm not nobody.

"Ah, wala pala." ngumiti na lang din ako.

Kami na lang pala ang tao sa hallway. Hindi na naman siya nagsasalita eh. Nakakapanibago lang talaga. As in. What does he meant by fresh and NEW? Did he change his persona? Wag naman sana, he's better the old way.

"What is it? Spit."

"Wala wala. Hehehe. So, you came back. What happened?" I looked at him curiously and then snapped out after a second. "Not that I'm concerned or something. Did you get scared of our bet?" I teased.

"Nah." natawa siya ng mahina. This time hindi ko alam kung totoo ba yung tawang yun. He's too complicated now. "Let's watch outside?" pagyayaya niya.

"Ah, sige. Tara." syempre pumayag na ako. Nakakatakot na rin naman kasing maglakad palabas magisa. YUN LANG ang reason of acceptance.


Pagkalabas namin, awarding pa rin naman. Alam ko naman na walang pakielam 'tong si mokong sa nagaganap eh, di naman nya kilala yung mga umaakyat sa stage. Naglakad kami papuntang open ground. Maraming estudyanteng bumabati kay Kenneth. Di ko kilala most, pero sure ako na yung iba ay hindi taga-Sermount. Lande eh! Joke lang.


May group of girls, na di ko mawari kung saang lupalop ng mundo nanggaling, na tumawag kay Kenneth. Inantay ko naman siya habang nakikipagusap siya roon sa mga flirt! Tch.

Whatever. Paki ko? Wuuh! Maya maya may nag-approach namang taga-ibang school sa'kin. Yung ibang lalaki, nice. Yung iba naman friendly pero pa-impress. Tapos yung iba ay bastos na compulsive.

"Miss sige na. Number lang oh." pangungulit nung tatlong bakulaw sa'kin.

"Paulit-ulit? Fourteen nga diba. Ayan nakapagbigay na akong number. Kaya bye-bye!"


May bigla namang umakbay sakin. Siniko ko naman agad yung tyan. Pagkatingin ko si Kenneth pala. Aba! Sensya naman. Malay ko bang siya iyun, baka kasi mamaya isa na pala 'to sa mga bakulaw eh.

I mouthed, "Sorry." Pero hindi niya pa rin tinatanggal yung pagkaka-akbay niya. So I weirdly looked at him.

He looked at me as if he answers like, just go with the flow. So hindi nalang din ako umimik.

"Hey dudes. Sorry she's taken. That might sound protective, yes. But to be honest, I'M SELFISH and I want her all to myself."


Narinig ko naman ang pagkabigla nung mga kausap na babae kanina ni Kenneth. At medyo nag-back off na rin 'tong mga bakulaw. Hoho! Go mokong! Wuuuh!

"Uhm, thanks." sabi ko na lang.

"Anytime." nakangiti nyang sagot. And I don't know but that made me sighed in relief.

"Uhh." I made an awkward sound. Haha. Kasi naman, nakaakbay pa rin. E wala na naman yung mga epal diba. "Your... Kenneth your... Uhhh."

Lumalakad kami na parang KAMI. Eh hindi namaaaan! Mga mata nung mga flirts oh! Parang mangangain na ewan eh. Pero there's this part of me na ayaw umangal, yun bang okay lang kahit ganito. Holooo! Anu bang nangyayari sa'kin!

Nakarating kami sa medyo hulihan. Wala masyadong tao rito kaya medyo kumportable ako. Nagkamustahan lang naman kami tapos ayun. Dead air na naman. Ang hirap pala ng ganito. Bakit ba kasi parang nagbago sya at naiilang na ako sa kanya? Tss.

Unlucky Cupid (Cupid Series #1) Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon