Chapter 36: He'll Be Back

43.9K 629 87
                                    

Chapter 36: He'll Be Back

***

/NATHAN'S PERSPECTIVE

Nakakapagod magtrain, sobra. Minsan nga tinatamad na akong sumali rito eh. Pero hindi rin naman ako makapagquit kasi Dad is expecting too much from me. Yung matandang hukluban na yun! I'm not like him. Tss.

Last day na ngayon ng training, and I feel relieved. Sino ba naman ang hindi. Tomorrow is rest day na. Time for us to relax kasi next week, which is second week of October, ay start na ng official sports fest.

"Coach alis na po ako." paalam ko pagkatapos kong magshower at ayusin ang gamit.

"Sige Son. Ingat."

Tumango naman ako, at nagpaalam na rin kay Jason, assistant ni coach.

"Ser ika'y magingat ho."

Tsaka naman na ako lumabas. Coach is more like a father to me. Unlike my dad. Tss. Kaya nga kaya kong maging makulit pagdating kay coach eh. Since grade four kasi ay sya na ang trainor ko.

Papalabas na ako nang makita kong may tulog na tao. Baka naman kung sino lang 'to kaya hindi ko na masyadong pinansin.

Bago pa naman ako makalayo sa pool area ay narinig kong may nahulog. Yung cellphone nung babae. No choice, nilapitan ko na.

Pagkatingin ko,

Si Jake Flynn yung wallpaper. Sus! Babaeng babae nga 'to. Pero may nagtext din. Si Alyna? Di kaya si...

Si Lindsay nga 'tong natulog. Ano ba namang nangyayari sa kanya? Pambihira naman oh. Kung sabagay nakakapagod naman talaga. Miske ako ay pagod na. Tinawagan ko na ang driver namin para sunduin kami malapit sa gate. Buti na lang at fit si Lindsay at hindi masyadong mabigat.

Inuwi ko na muna siya sa bahay namin. Wala namang ibang tao run kundi ang mga kasambahay at si mom. Sinabi ko na rin kay mom na eto yung babaeng pinapangarap ko kaya naman hindi na siya nagtanong pa ng kung ano ano, at siya na rin ang nagpalit ng damit kay Lindsay.

Sa kama ko siya nakahiga. Hindi ko na sya lalapitan, baka kung ano pang isipin nito. Pero bago ako humiga sa couch ay tinitigan ko muna sya.

Ang ganda niya. Iba ang tangos ng ilong niya, at ang mata niya ay sobrang maamo. Pagdating naman sa labi niya ay mapula. Nilayo ko na ang tingin ko at baka makanakaw pa ako ng halik. What can I say, I'm a boy.

I heaved a sigh. "Hayy. Kelan ka ba kasi magiging akin?"

And with that natulog na rin ako.

"AAAAAHHHH!!!"

Wala pa ako sa sarili nang biglang may tumunog. Tunog ng ano? Tss. Kaines naman oh. Natutulog yung tao eh! Tinalukbong ko na lang ang kumot ko sa mukha at pinisil ang unan sa may tenga ko.

"WAAAHHH! OH MY GAHD!"

May sumigaw. For sure tao yun. Hay. Wala pa talaga ako sa sarili. Tumingin ako sa relos ko na hindi ko na natanggal sa sobrang pagod. It's just two AM. Ano ba yun kase?!

Bigla kong naalala na narito pala sa kwarto ko si Lindsay. Patay!

"What did you do?!" panic na panic na siya. At bakit naman kaya? Siya na nga itong tinulungan eh.

Nanghihina pa rin ako. Nakakaasar aba! Kailangan ko munang gisingin ang diwa ko. Napahikab naman ako bago makapagsalita. "Ha? Wala. Matulog ka nalang ulit. Inaantok pa ako." at tsaka na ulit ako pumikit.

"HOY! LALAKE! Umamin ka nga!"

Inaantok pa rin ako. Ang tindi naman nitong babaeng to! Kagagaling lang sa training eh parang recovered agad. Grabe eh.

Unlucky Cupid (Cupid Series #1) Published under Pop FictionМесто, где живут истории. Откройте их для себя