Chapter 60: Unconscious Realization

32.2K 465 77
                                    

Chapter 60: Unconscious Realization

***

"Jap tara na." sabi ko nang nakatingin pa rin sa may direksyon ni Kenneth.

"Agad?"

"Oo." sagot ko sabay lakad na.

Habang naglalakad naman kami pabalik, eh mabilis kong kinain yung ice cream. Sayang naman. Pati ayokong masaktan yung effort ni Jap. Oo, yung effort.

Naging tahimik naman na ako pagkatapos. Ewan ko nga ba kung anong nangyari sakin. Super apektado ako pag dating kay Kenneth ngayon.

Ma-mahal ko na b-ba?

Hala.

Ay ewan ko. Sana na lang makatulog ako nito. At sana rin na tulog na siya pag dating ko ng suite. Kung hindi, awkwardness na naman yun!

"Salamat Jap ha. Nakatawa na rin ako." sabi ko sa kanya. Nandito na kami sa suite floor namin, at nasa tapat ng pintuan namin.

"Wala yun. Matanong ko lang, bakit nga ba ang lungkot mo?"

"Ako?" tinuro ko pa sarili ko. "Malungkot?" at tumawa ako nang pilit.

"Tingnan mo. Pati sa tawa mo may lungkot."

"Halata na ba masyado?" mahina kong pag-amin. Ano pa bang magagawa ko? Eh obvious na yata eh.

"Kath." hinigit niya ako sabay yakap. "Kung kailangan mo lang ng makakausap. Nandito lang naman ako eh. Hinding hindi ako mawawala sa tabi mo."

Nakatayo lang ako. I can't hug him back. Naipit braso ko. Plus, parang naging bato nga ako. Pero ang luha ko liquid pa rin. At tumutulo na sila.

"Jap salamat."

Kumalas siya. "B-bakit ka umiiyak? May nagawa ba ako?" nagaalala niyang tanong.

"Wala." pinunasan ko naman mukha ko para matanggal ang tear tracks. "Salamat lang talaga."

Ngumti siya nang matipid. "Sige na. Magpahinga ka na."

"Good night, Jap."

"Happy Dreams, Kath."

Pumasok na ako. Tuluyan namang bumagsak ang mga luha kong kanina pang nagpipigil sa loob ng mata ko. Umakyat naman ako nang mabilis at nagtaklob ng kumot. Di pa ako nakakapagpalit ng damit, but who cares? Maliligo't magpapalit din naman ako bukas.

Nung una eh hindi pa ako matulog pero ewan ko kung anong oras na ako nahimbing.

/ANDREA'S PERSPECTIVE

Ang ganda ko! Charot.

Pero seriously, yan ang sabi nila. Ewan ko ba. Baka sadyang malalabo lang ang mga mata nila o talagang honest sila. De, joke lang.

Simple lang ako. Masayahin, pala-tawa, di gaanong seryoso, at in love.

Kaso hindi tumatalab eh. Di kaya ng powers ko. Walang binatbat ang kagandahan ko. So what did I do? I pretended to be an amazon. Joke. Parang naging tomboy-tomboy lang naman. Pero syempre that is to make other people look I'm tough.

Plus, ayaw ni Jap sa mga girly-girls.

What's that? I said Jap?

Crap!

Tch.

Pero totoo. I like him. I like him very much. Simula nung nagtransfer ako sa Monteza High, siya lang ang lalaking napansin ko. Iba kasi siya. There's more to him. Nagsimula kasi yun nung nalaman kong repeater siya nung first year. Edi ako naman itong naging curious kasi nga ang galing naman niya sa academics pero nagulit siya.

Unlucky Cupid (Cupid Series #1) Published under Pop FictionDove le storie prendono vita. Scoprilo ora