Chapter 21: Odd Text Message

45.3K 661 14
                                    

Unlucky Cupid; 8/13/11 

Chapter 21: Odd Text Message

 ***

Hinigit ako nila Eril sa gitna ng pool. Gravy! Ipakain nyo na ako sa ginormous bears, wag lang talaga ako ilalagay dito sa kinatatayuan ko ngayon. WAAH!

So ayun na nga, nilunod nila ako. Hindi ako makahinga... The end patay na ako.

Wahooo! Joke lang. Gusto ko pang maging amazonang stewardess. Bakit amazona? Kasi para kapag nagkaroon ng Snakes sa plane, edi ako ang aabante, at sila naman ang aatras. Chos. Ang gusto ko lang naman kasi talaga eh malibot ang buong mundo after I graduated from college. But that is another thing, ang iisipin ko muna ay kung papaano ba lumangoy.

Ariel of Atlantica, help me! Help! I need fins and tails and— sige kailangan ko na din ng tinidor. Ng trident, para makuryente ko na 'tong mga aning na to. Seriously!

Nalunod nga ako. Ilang minutes akong unconcious sa ilalim ng tubig. Walang sumasagip sa'kin. Walang tumutulong though I can see their silhouette above the water, completely ignoring my deathly presence. Mabuti na lang at hindi makalaon ang ilang minuto ay nagkaroon na ako ng mga fins at buntot. Nakalangoy ako ng maayos at nakakahinga na sa ilalim ng tubig. May nakita nga akong tinidor na kasing liit ng table spoon. Waa! Ang cheap mo naman Ariel! Psh.

Kinuha ko pa rin ito.

*BOOM!*

Wag ka't yun ay tunog ng triton. JOKE! Kinuryente ko sila at ayun, bam!

Ako'y nanginginig din? Huh?

"Uy! Uy! Kath!"

I felt someone poking me, and another hands on both of my shoulder shaking me as if she or he just lost his sanity. I coughed. I reluctantly got up with blury images facing me.

"A-anong n-na-nangyar-ri?" I asked in between my pant. "N-nalunod b-ba ak-ako?" I asked for the second time while catching my breath.

"Baklaita! Pinagalala mo kami ah. Akala ko ako na gagawa ng CPR sayo. Bleurgh."

I'm totally not myself yet, but I'm pretty much sure that it was Eril who said that. Talk about a sophistication in a man's husky voice.

Baliw talaga yang si Eril.

Inubo ko na ang lahat before I started talking. "Aning ka Eril! Haha. Bakit ba ako nalunod? Akala ko tuloy naging mermaid na talaga ako."

"Ang taas mong mangarap, teh!"

"Aysus. Parang ayun lang. Hayaan na't minsan lang makapanaginip ng ganun eh. Nga pala, paano na nga ba ako nalunod?!"

"Ewan nga eh. You're like spacing off, and the next thing we knew nasa ilalim ka na." Charmaine

"Eh ito naman kasing engot na 'to, umahon pa nung hindi ka nakita sa pool. Baka daw kasi umahon ka lang." Matt

Nabatukan ni Charmaine si Matt. "Baliw! Story maker! Pweding pwede ka na sa wattpad. Tch!"

"Ows talaga? Sige. Ik-kwento ko dun ang love story mo. Love story mo with your point of view expressing how much you love me. Wahahaha." pang-asar ni Matt.

"Heh! Leche flan ka."

"Meron ba sa fridge?" nagning ning ang mata ni Matt.

"Huo, meron! Dali! Takbo! Baka maunahan ka ni Sah-wa dun! Dalian mo."

At ito namang si uto uto, tumakbo nga.

"Sino namang Sah-wa?" tanong ni Eril. I was going to ask about it, too.

"Wala. Sawa, ahas. Pero joke lang yun. Yaan mo siyang magmukhang chenes dun."

Pumunta na kami sa loob para magpalit. Nasaan si Monkey?

*Hatching!*

That was my brain, itching. Err, bakit ko ba hinahanap si monkey? He's better off.

Nang nakapag-palit na ako ng damit at okay na, nagpaalam akong gagamit ng computer ni Charmaine. Habang nagi-internet ako, sila ay nandun sa labas. Malay ko kung anong mga pinag-gagagawa nila. Basta dito ako.

I opened my facebook. Online routine.

Check notifications, blah blah blah. Comment - Like - Birthday Greetings ritual.

Then, tsaka ko tinignan ang friend request.

Tingin, tingin. Who you? Who her? Who him? Who there? Who here? Haha. What a grammar!

I only accept those whom I know personally, or with my permission. Ayoko nung ia-add lang ako for viewing purposes. Most of them were, like, strangers? But one user caught my attention.

Andrea Louisse Hernandez             *Confirm*                      *Not Now*

(138 mutual friends)

Yes, siya. I don't know her. Pero kasi yung picture nya parang may, I don't know, something? No! Someone pala. I viewed her profile, and unluckily, it's private. It left me no choice but to accept her. Gusto kong maka-view. Well this is a different case, siya naman yung nag-add eh hindi ako.

I clicked her profile pictures. Okay siya, maganda. I also discovered that she's a student from my elementary school. The school with lots of fire-starter memories. Nasa gym sya sa profile pic nya. May mga nagba-basket ball sa likod. One guy also grabbed my sight. He's... he's ano... familiar? Basta. He's familiar as far as I can remember.

Eh! Bahala na. I won't go shaking my brain cells para malaman kung sino yun. So there, I checked home page. Scroll down - Scroll up - scroll to the left - scroll to the right. Joke lang, napagtripan eh.

Moving on. Bigla namang nagtext si...

Conceited Monkey

Bakit ang lambot ng labi mo?

Syempre malambot kasi-- WAIT THE HELL OF AN ELEPHANT TRUNK! Nababaliw na ba talaga 'tong si Kenneth!? Kainis ah! Buwisit 'to! Eeeehhh! Umiinit ang dugo ko! PSH!

I stomped out of the room to get my fist up at Kenneth. Sadista, and amazona, I am!

Nakita kong nagtatawanan sila sa labas, sa garden ulit. Tambayan eh. Yung cellphone ni Kenneth, hawak nila James at Matt. Mga baliw talaga! Kainis. Yung iba naman naming ka-group nasa pool pa din together with Eril. Nilapitan ko sila Charmaine sa gazebo.

Hinablot ko bigla bigla ang cellphone ni Kenneth kila James.

At nabigla naman ako sa wallpaper nya.

Malay ko pero nanghina ata ako?

Dahil sa pagod or...


Unlucky Cupid © 2011-2012 Starine


Unlucky Cupid (Cupid Series #1) Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon