Chapter 8: Flashback Part I

56.7K 834 20
                                    

Chapter 8: Flashback Part I  

***

Dalawang araw na din ang nakaraan. Wala ding masyadong naganap dito sa hospital. Paulit-ulit lang naman kasi. Matutulog, kakain. Dadalaw si Kenneth pati na rin sina Lindsay at Yna. At kasama ko naman lagi dito sa hospital si Kuya Kevin. Wala sila mom at dad, busy as usual.  

Sa wakas, makakaalis na din ako dito sa hospital. Nandito na naman si Kenneth. Kung WALA lang syang kinalaman sa pagka-confine ko dito eh baka may naisip na akong kung ano dahil sa mga kinikilos nya.  

"I'll just carry you instead." Sabi ni Kenneth habang inaalalayan ako pag-baba sa kama.  

Sinusuportahan nya ako pagbaba sa kama habang nakakapit ang isa nyang kamay sa waist ko at yung isa naman sa kamay ko.

Wala na akong magagawa. Pabababain ko muna ang pride ko. Mahina pa katawan ko pero kaya ko na naman sigurong makapaglakad. Pero all in all, wala itong malisya. Wala!  

My heart is thudding fast, but I know this thing won't last. Sigh.  

Pagkatapos kong makababa sa kama. Binuhat na nya ulit ako ng pa-bridal style. No choice eh. Woah, déja vu?! Parang naulit lang ah. And hey! Hindi ko nae-enjoy ito ha? NO WAY!  

Si Kenneth lang nag-uwi sa akin sa bahay. Sabi kasi nila kuya eh busy daw sila, at naiintindihan ko naman. Nang makarating na kami sa bahay, ang tahimik. Wala yatang tao?  

"Thanks, Kenneth. You can go home now." Sabi ko sa kanya nang nai-upo na nya ako sa couch. And I smiled as a thank you. There, I gave him a hint of my thank you. Words won't be blurted out, take note. Tch. Ayaw ko eh.  

"Oh," Sabi nya na walang expression sa boses nya. "Ok, I'll go. Take care of youself." Dagdag nya at lumabas na. Parang ang sama ko naman yata. Inalagaan na nya ako't lahat pero hindi ko pa rin sya magawang imbitahan manlang mag-stay dito kahit sandali lang. Pero, KASALANAN naman kasi nya eh.  

Pumunta na akong kitchen at nakitang nandoon sila kuya at sila Linsay at Yna din.  

"KATH!" Bati sakin nina Lindsay at Yna habang papalapit.  

"Na-miss ko kayo. Sobra!" I exclaimed, sabay yakap sa kanila. Medyo masakit pero tiniis ko nalang, dahil bumisita nga sila sa noon eh kaso sobrang panandalian lang naman.  

"Namiss daw? Parang ilang araw lang nasa hospital eh. Oh e kamusta ka naman? Totoo ba namang na-miss mo kami ha?" Tanong at pang-aasar ni Lindsay.  

"Nako! If I know hindi yan. Kasama nya palagi si Kenneth. Kaya no doubt, kay Kenneth lang umiikot ang isip nya. HAHAHA!" Sabat ni Yna. Kahit kelan talaga itong babaeng ito.  

And na-uh! NEVER PANG UMIKOT LAGI ANG ISIP KO KAY KENNETH NOH!  

Okay! Pero siguro SLIGHT lang. WAH! At dahil iyun sa PAGKA-INIS. Ok?! Wala ng iba.  

"Heh! Ewan ko sa inyo. Ang sakit!" Biglang may sumakit sa tyan ko. "Ang sakit! Shet." Pabalik-balik ang sakit na nararamdaman ko sa tyan. Mawawala ng sandali tapus babalik nanaman. "Ang sakit!" Eto nanaman, nakakairita na ah!  

"Ang OA naman Kath! Pwede namang sabihin nalang 'aray' eh." Pang-asar ni Yna.  

Yan ang mabuting kaibigan. Imbes na maging concern eh nagbiro pa. Pero napatawa din naman ako. But this laugh is concealed by two emotions; a bit of jolliness and hatred. Kasi, ayoko lang naman talagang sinasabi ang salitang 'Aray'. Masyadong maraming memorya ang nakatanim dito.  

*FLASHBACK*

Grade six kami noon ng una akong makaroon ng crush. Pero paghanga lang ito at hindi pa ako bitter noon pagdating sa love. I'm like any other girls when it comes to crushes back then. Tumitili pag dumaan o kaya naman nakita si crush, naglalaro ng kung anong games including crush's name or whatsoever about him.  

Nagsusulat ako sa papel noon. Naglalaro ng flames, at syempre name ko at name ni Crush ang isinulat ko.  

***  

KATHERINE C. VILLANUEVA  

JAKE ANTHONY T. PERIÑO  

***  

Iyan din ang dahilan kung bakit ko sinabi kay Kenneth na na-inlove ako kay Jake Flynn. Kasi ang totoo, ayoko talaga kay JF at never pa akong nahumaling sa kanya. Kaya naman ang tinutukoy ko sa Jake na sinabi ko kay Kenneth noon ay si Jake Anthony Periño, na JAP ko kung tawagin. Sinabi ko lang na si JF yun dahil wala na akong iba pang maidahilan at ayoko nang magtanong pa sya tungkol kay Jap.  

Nakita ako ni Lindsay na nagsusulat.  

"Ano iyan?" Masayang nyang tanong sa akin. At masaya ko rin naman itong ipinakita. Pero pagkakita nya sa papel ay lumungkot ang muka nya. Nagtaka naman ako. Nangingilid na ang mga mata nya habang binalik nya sa akin ang papel na pinagsulatan ko. Bakit naman kaya?  

Umalis sya ng classroom. Ano bang problema nya? Darating na ang next subject teacher namin ah?  

Lumapit sa akin si Yna at nagtanong. "Kath, nakita mo ba si Lindsay?"  

Umiling lang ako dahil miske ako ay tinatanong ko sa sarili ko kung nasaan na ba sya. "I-excuse mo nalang ako kay ma'am mamaya pag dumating ha? Lalabas lang ako ng room."  

"Wait lang! Anong sasab—" Pahabol na tanong ni Yna, pero hindi ko na din narinig yung kaduktong ng sinabi nya dahil nagmadali na akong lumabas.


Unlucky Cupid © 2011-2012 Starine


Unlucky Cupid (Cupid Series #1) Published under Pop FictionWhere stories live. Discover now