Chapter 14: Did I just say that?

48.9K 804 55
                                    

Chapter 14: Did I just say that?

***

Pero teka, di ko pa din magawa. Alam kong alam nyo na ang balak kong gawin. Hahaha! Teka, pinipigilan ko pa kasi ang tawa ko. Hahahaha! Ewan ko ba, sa tagal tagal kong naging seryoso eh ngayon nalang yata ulit ako naging bungisngis. Natutuwa na ako.

"Why are you holding your laugh?" Ha? Nahalata nya? Grabe naman oh. Tiningnan ko sya ng pinipigilan pa din ang tawa ko. Pinipilit kong maging seryoso. Kaso wala eh. Hahaha! "Heyy! It's pretty obvious that you want to laugh. You can burst it out." Sabi nya, pero nakangiti.

'Kay? Ano bang meron sa akin at ganito nararamdaman ko? Hmmm? Think, think!

Ah siguro dahil lang sa kinain ko kanina. HAHAHAHA! :p

Pero imbis na ituloy ko ang balak na pagtulak sa kanya sa pool eh tumayo na lang ako. Wala naman akong mapapala kundi magkaroon lang ng basang Kenneth, diba? Hahaha. Mamaya pagbayadin pa nya ako sa ginawa ko eh. Diba, diba?

Hinawakan ako ni Kenneth sa kamay. "Where do you think you're going, Miss?"

Hayy! Balik na naman tayo sa Miss-miss na ito. Nakakainis lang eh! "Let go! I'm going inside."

Tumayo na din sya sa kinatatayuan nya habang hawak pa din ang kamay ko.

Niyakap nya ako at sabay kaming nahulog sa pool.

Bakit nya ginawa yun? Kainis!

Lumubog kami parehas at sabay din naman kaming nakaahon mula sa ilalim.

"What the hell were you thinking?!" I exclaimed while panting.

Tumawa sya. "Hahaha! Nothing."

KAINIS HA?! Talagang isa pang sabi ng nothing nitong si Kenneth ay talagang iiwanan ko na to dito eh!

Tumagal kami sa pool ng magkadikit ang katawan namin, pero wala kaming malay. Nalaman nalang namin nang magkatitigan kami.

Hindi ko mapigilan. Hindi ko agad maialis ang mata ko sa muka nya. Brown eyes pala sya? That's a total turn on! Ang tangos ng ilong, tapus ang kinis kinis ng muka. Talo pa yata ako eh noh? Kahit kelan talaga panira ng moment itong si brain. TEKA! ANONG MOMENT ANG PINAGSASASABI KO? Nooooo!

I looked away and maintaned a distance from him. Pero ramdam kong nakatitig pa din sya sa akin. Ano ba kasing meron? Ayoko sa lahat kasi ay yung tinititigan ako... Lalong lalo na kapag KUMAKAIN ako. I know na hindi ako kumakain ngayon, pero syempre naiilang lang talaga ako kapag may nakatitig sa akin.

"Bakit ka ba kasi nakatitig? Nakakainis lang ha? Titigan din kita dyan ng matunaw ka eh." Sabi ko ng mahina. Eh, okay lang din naman ilakas kasi alam kong hindi nya maiintindihan kahit anong gawin nya. >:D

"Go on. Stare."

Ayoko naaaaa! Bakit nya alam yun? WAAH!

Tatanong ko na. "Huh? How did you--"

"Of course I know. Didn't I say that I already knew some basics?"

"Yeah you said it alright. But when we're at the garden last time... uhhh, you know."

"Ohhh! That! The time you called me a mow-khong or something? Yeah, I didn't know that."

Mow-khong? Teka, processing...

Processing...

Loading...

One hundred percent complete.

AHHHH! Mokong pala. Hahaha. Naman kasi, napaka-slang ng boses.

So hindi pala nya alam yun. Hayy, malamang Kath. Malamang! Okay, ako na itong binabasag din ang sarili.

"Ohh. Sorry. Hahahaha!"

Ayan! Pwedi na akong magtagalog kapag kasama or kausap ko sya. Buti naman. I want to speak my native language. (Nyeh! Okay, that is so ironic. Hahaha.)

"You're kind of goofy today." He said, smiling - as usual.

"Huh? What do you mean?" I raised an eyebrow.

"You mostly snob me, even ignored my hilarious jokes. But now, look at you, smiling... or more like laughing in front of me." Then he wiggled his eyebrows. "Tell me, am I doing a pretty good job?"

"Pretty good job ka dyan?! CHE!" Anong ibig sabihin nya? Joker ba sya? Pero kung oo, siguro tama nga sya. He's doing an awesome effect on me. "Wag mong sabihin hindi mo na ulit naiintindihan ang sinasabi ko? Good luck nalang." Tapus binelatan ko sya.

"No, I can. Actually." He stuck his tongue out, too. Gaya gaya. Psh!

Nagbasaan at nagtampisaw lang kami sa pool hanggang sa napansin naming dumidilim ang sky. Pero kahit na umulan pa okay lang, kasi basa na naman kami eh.

So there, the next thing we knew is that rain is pouring heavily on us.

"Let's go na Kenneth. We'll be soaked." I joked.

"Haha! Let's stay. Please?"

"Ano ka ba, ang lamig kaya ng rain water."

"Then I'll hug you."

"Baliw ka na b--"

Hinug na nya ako. I felt my cheeks burn. Ayoko na kasi Kenneth. You're always catching me off guard. Lagi na lang kasi!

At unti unti... nararamdaman ko na mas lumalamig na yung tubig sa pool. Feeling ko in any second ay manginginig na ako sa lamig.

"Can I hug you back?"


Unlucky Cupid © 2011-2012 Starine


Unlucky Cupid (Cupid Series #1) Published under Pop FictionNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ