Chapter 51: The Openheim

41.6K 553 12
                                    

Chapter 51: The Openheim
***


Pinapapunta na naman kami ngayon sa auditorium para pagayusin. Mamaya na kasi ang recognition. Ang first year ay assigned maglinis sa school grounds. Second year ay sa gym, kaming third year dito nga sa auditorium at ang fourth year naman, since graduating, ay todo review nalang. Swerte. I don't even know kung bakit pinapaayos pa ang ibang zones eh dito lang naman sa auditorium ang venue ng recognition.

"Kath!" tawag sakin ni ate Myla. President kasi siya ng Fourth year, so parang siya yung supreme leader or something. "Pwedi bang kunin mo muna yung DLP? Wala kasing mga gustong kumuha. Puro mga busy daw, eh wala namang mga ginagawa."

"Ah sige. Saan ko ba kukunin?"

"Sa dean."

Shet. Bakit sa dean pa?

"Hala naman. Wala po ba sa faculty ng academic coordinator? O kaya ibang mahihiraman, wag lang sa dean!"

"Hay sabi ko na eh. Haha. Miske nga rin ako di ko makuha. Alangan namang utusan ko ang teacher. Sige sa iba nalang."

Papaalis na sana si ate Myla nang may biglang sumingit.

"I'll get it."

Okay. Edi siya na. Palibhasa nakuha niyang patawanin ang dean noon. Sus! Psh.

"Oh ayan na Kath. Samahan mo nalang si Kenneth kuhanin. Tapos pabigay nalang muna sa control room para safe for preparation na later." then umalis na rin sya.

Lumakad naman ako palayo. Kunin niya magisa. I'm not annoyed or what, ano lang kasi... Naiilang na ako. Pakiramdam ko dapat maayos na ang kilos ko pagkaharap siya. Crush ko eh. At NAKAKAINIS yung ganitong feeling. Ewan ba.


"Where are you heading to? Let's go." tsaka niya ako hinigit. No choice.

Lumakad na kami papunta sa dean's office. Tahimik lang naman ako. Si Kenneth naman ay panay tango lang sa mga bumabati sa kanya, halatang hindi interesado. Joke. Hindi ko alam pala, baka ako lang 'to. Nung nasa tapat na kami ng pintuan ay napahinto ako.

"Ikaw nalang kaya ang humiram. Tutal ikaw naman ang nag-volunteer eh."

"Oh come on. You wouldn't let me go in there alone. Would you?"

Napaisip naman ako. Sabay, "I would. Now go." tsaka ako kumatok then pinagpilitan siyang ipasok sa loob. I remained outside, and this is a relief.

And as predicted, nakuha nga nya yung projector. So naglakad na kami pabalik sa Auditorium. I'm keeping distance, kasi sobrang naiilang na talaga ako. Bakit? Eh dun sa sinabi nya kasi. Sino ba namang hindi mabibigla dun!

"Future with you."

Seryoso ba siya don? Oh talagang pinagttripan niya lang talaga ang feelings ko without even knowing that he's really doing it? Masyado na ba akong halata? Lumayo na ba ako?

"Don't. Come near me Kathy." bigla niyang sabi. Anu ba yon?! Mind reader? Naman eh! So no choice lumapit ako baka kasi sobrang mahalata pa diba.

"You look different today."

"Good or bad?" Hala naman.

"Always good." and he winked. Gahd!

Nang makarating kami, binigay na namin yung projector sa control room at after ay bumalik na kami sa gawain. Ako ay syempre lumapit sa part nila Linds at Yna. Nakita ko naman si Kenneth na dumiretso sa kina James at sa iba pang basketball players? Eh? Friends friends sila? Woah.

"Hoy Kath! Anong nangyayari sayo ha?" si Yna. "Natutulala ka na naman yata ha?"

"Sino bang tinitignan nyan?" Lindsay

Unlucky Cupid (Cupid Series #1) Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon