Chapter 16: Another Moment

46.1K 693 21
                                    

 Chapter 16: Another Moment

***

/KATHERINE'S PERSPECTIVE

Nakalipas na ang one and a half hour, I think. At medyo tuyo na rin ako. Tss! This is definitely a bad idea. Mas lalo lang akong nilamig eh, nanghina pa ako. Inalis ko na yung robe ko, basa na kasi. Tatakbuhin ko nalang sa labas yung towel ko. Papalabas na ako ng banyo nang nadulas ako gawa ng sabon na nahulog pala.

"Aray ko!" TCH!

Sumakit yung likod ko nang sinubukan kong tumayo. Nake naman oh! Ba't ngayon pa? Tss. Wala naman sa oras at lugar ang pagiging clumsy ko. Err. Sinubukan ko ulit tumayo, pero ang sakit talaga ng likod ko. Napaka-swerte ko nga naman pag dating sa mga aksidente, noh? Gusto mo share tayo? I'd be happy to spare you half of mine. Tsk!

*Knock* *Knock*

"Paso—" Wait! Bakit ko papapasukin nang ganito ang itsura ko? Err, I flinched at the thought. Sinubukan ko ulit tumayo. Nakakainis naman kasi yung soap na yan. I curse the day they made the thing slippery. Ugh!

"Kathy!"

Si Kenneth? Ano ba yan! Sa lahat ng pweding pumunta, ba't siya pa? Gee. Umalis ka na, please?!

"Go away."

"No. Open the door. Are you okay in there?"

Nakita kong gumagalaw yung door knob. Siguro pinipilit mabuksan ni Kenneth from outside. Tch! Di ba nya alam na bathroom to? Malamang pwedeng 'I'm naked' dito, tapus gusto nyang pumasok? Ugh. Pervert yata ito eh. TSS!

Kumapit ako sa lalagyanan ng shampoos na naka-attach sa wall. Unfortunately, nahulog lang ito.

"Holy cow! Kathy!"

Pagtingin ko, nakabukas na ang pinto.

Oh my freaking gosh!

I felt my cheeks turned scarlet. Isinara ko mata ko para hindi makita ang reaksyon ng lalaking nasa harapan ko ngayon. Hindi ko alam kung anong iniisip nya, pero sana walang masamang pagiisip na kasama doon.

Maya-maya, naramdaman kong may parang bumagsak sa akin na bagay. Nang hinawakan ko ito, texture ng isang towel ang naramdaman ko. Pag-mulat ko, nakita ko ang bath towel ko na nakalatag sa ibabaw katawan ko.

"U-Uhh, I-I'm s-sorry. I'm going outside now." He said without looking at me even if I'm already covered. Mali ako, siguro malinis naman ang isip nya. Salamat naman. Phew!

Lumabas na sya at nagpunas na ako ng ayos. Isinuot ko na ang bathrobe ko at inilagay ko naman ang bath towel ko sa buhok ko. At lumabas na rin ako ng bathroom. Nakita ko si Kenneth na nakaupo sa kama ko, nakatungo siya. Di ko maipinta mukha nya. Bakit naman kaya? Diba dapat ako yung mahiya dito? Err. Awkward.

"I'm sorry, Kath. I didn't mean to barge in... I mean—"

"It's okay." I smiled at him. "I think." I added. Syempre di ko naman kasi alam kung okay lang sa akin yung nangyari.

"Oh, okay. I'll be outside, in case you need anything."

Nakatungo siyang lumabas ng kwarto ko. Nagbihis na ako ng ayos. Pero hindi pa rin maalis sa isip ko yung nangyari kanina. First time ba nyang nakakita ng ganun? Eh diba liberated naman ang mga teenagers abroad? Yung tipong sobrang liberated na pati ang "Sin Activity" ay nagagawa nila? Tch. Pero kung hindi pa sya nakakakita, oh my gosh! Ano nalang magiging dating ko sa kanya? Gusto ko nang maiyak, kaso alam kong wala namang magagawa ang luha ko kaya I will stay firm na lang.

Pumunta na ako ng sala. Bahala na kung anong mga susunod na mangyayari. Pero sana naman hindi naikwento ni Kenneth yung napaka-awkward and mortifying scene kanina. SANA HINDI! At kung naikwento nya ay talagang lagot sya sa akin!

Nakaupo sila, walang umiimik at nakatingin lang kung saan saan. Ano kayang meron dito sa mga 'to?

"Anong meron sa inyo? Ba't kayo tahimik?" walang sumagot sa kanila. "Para kayong mga ano ah." tumawa ako at fortunately, tumawa din sila.

"Here, Kath." May iniabot sa akin si Kenneth. Bag na kulay white. Teka, bag ba ito? Ewan.

"What's this?" tinanong ko, pero kinuha ko pa rin naman.

"Notes yan Kath. Oh diba, ang bait ni Kenneth?" singit ni Yna.

"Oo nga. Doble doble yung pagsulat nya para lang sayo. Isn't that sweet?" Sabi naman ni Lindsay.

Pinagsulat nya talaga ako? Gusto ko sanang kiligin, pero mali. Bakit naman ako kikiligin? Di ko naman sya gusto, ni crush or admiration nga wala eh. Okay, pero sige—meron na nga, pero konti lang. Nakakadala kasi eh. Gentle man, tapus medyo (Okay, sobra) pogi. Pero wala lang ito. Ang dami ko namang "Pero", kaya tama na nga 'to.

"Sweet kayo dyan! Tch." I turned to look at Kenneth. I gave him a smile, that's all I can give as a response.

Nagkwentuhan at jamming lang kaming apat. Nakisama na samin si Kuya Kevin. Okay lang naman. He's a fourth year student sa school din namin. Mga around seven PM, nagdinner na rin kami. At umuwi na rin sila Lindsay, Yna at Kenneth afterwards.

Humiga ako sa kama ng iniisip pa din yung mga nangyari kanina. TCH! Hindi talaga maalis sa isip ko. Paano ba naman, sa ganung pangyayari sino ang hindi mapapahiya at mabibigla?

Tumayo ako at kinuha yung mga notebooks ko na binigay ni Kenneth kanina. Pagbuklat ko sa isa kong notebook, may nahulog na papel.

Ay! Envelope pala. Yung katulad nalang ng natanggap ko dati. Si Kenneth ba nagbibigay nun? Psh. Impossible.


Unlucky Cupid © 2011-2012 Starine


Unlucky Cupid (Cupid Series #1) Published under Pop FictionWhere stories live. Discover now