Chapter 32: He's Back

41.1K 600 19
                                    

Chapter 32: He's Back

***  

/KATHERINE'S PERSPECTIVE

Bakit ganun, ilang weeks na ang nakalipas pero wala pa ring sign of Kenneth? Di kaya na-abduct na siya ng aliens? Anu ba naman yun. Haish. Ang dami na niyang nami-miss na school works ah, tapus siya naman ang nami-miss ko. Joke lang! Mas gusto ko nang wala siya dito. Walang kaagaw sa place of honors kundi si Sharlyn lang.  

As much as I hate to admit it, pero miss ko na nga talaga siya.  

"Ms. Villanueva!"  

Nagulat ako. "H-ha? Po, anu po iyon?" I asked, panicked.  

"Are you not paying attention to the discussion today? Are you sick?" Prof. asked.  

"Ah, eh. Hindi po. Pasensya na po, di ko po kasi naintindihan yung last part ng sinabi nyo."  

That was an alibi. Wait, come to think of it, wala naman talaga akong naintindihan sa discussion. Kaines na Kenneth. Asan ka na ba kasi?!  

After school tumambay muna kami sa Techno Park ng school, maagap kasi ang dismissal today.  

"Uy balita ko magre-release ng bagong album si Jake Flynn ah?" panimula ni Yna.  

"Oh? Ang tagal ko nang hindi nakakarinig ng balita kay loves ah, buti na lang active na siya ngayon." Sagot naman ni Lindsay.  

Ako naman tahimik lang, nagbabasa.  

"Oo nga eh. Nagresearch na din ako sa kanya kagabi. Sabi raw nagkasakit si JF kaya nag-hiatus muna."  

"Buti na lang okay na siya. Bar tayo mamaya?" yaya na naman ni Lindsay kay Yna.  

"Na naman? Wala ka nang kasawaan Linds ah."  

"Wala talaga. So, later?"  

"Hindi ako pwede. Bumabawi ako sa Geometry, ang baba ng grades ko dun eh. Wala naman akong makuhang tutor."  

"Dami mo namang sinabi. Sige na, wag ka na." sabay tingin naman sakin ni Linds. Uh-oh! "Kath?" 

"No." Matipid kong sagot.  

"Pleaaaaase?"  

"I can't."  

"What's your reason this time, nerd?"  

"May review kami ni Nathan ngayon."  

Haha. Kidding. Wala naman eh.  

"H-ha? Oh, okay." nanahimik si Linds at namula nang konti.  

"Joke lang. Hahaha. Kinikilig si Linds." pang-asar ko.  

"In his face. Remember who I am, Kath." at tsaka siya umisnab. Denial! Sus.  

"Kasi naman, Linds." panimula ko ulit. "You're not a playgirl, okay? Kung play girl ka edi sana marami ka ng boyfriend ngayon na sabay-sabay. At tsaka hindi ganyan ang approach ng players, mas wild and racy sila. But look at yourself, you're just simple and natural."  

"So you're telling me that I need to be intense revealing to claim that title?"  

"Absolutely not!" I half-yelled. "Grabe ka naman kasi. What I'm trying to say is... Ugh! I give up."  

Natawa naman yung dalawa. They know I hate explaining for the second time.  

"Kath sa inyo na lang tayo?" Yna

"Ha?"  

"Sa inyo na lang tayo mag-gawa ng project sa Technology. Pleaaase?" and then she flashed me her puppy dog eyes. Psh.  

Unlucky Cupid (Cupid Series #1) Published under Pop FictionDonde viven las historias. Descúbrelo ahora