Chapter 63: Peace?

36.8K 513 47
                                    

Chapter 63: Peace?
***

/JAP'S PERSPECTIVE

Naguguluhan na talaga ako! Pero parang totoo na talaga 'to eh! Ngayon ko lang talaga narealize. Bakit ba?! Ang gulo talaga!

Simula nung naging best friend ko nun si Andrea hindi ko hinahayaang makalapit ang kunsino mang lalaki dyan. Ewan ko ba! Diba nga sabi ko maghanda na ng libingan ang aagaw? Pero may nakalimutan pa akong iklaro. Aagaw in what way? Aagawin siya as my best friend? Oh, agawin in the sense of her being the only girl I own? Own. Simula siguro nung mga oras na lagi siyang nandyan para sakin, eh inangkin ko na siya.

Mali ba yun? Kung mali eh wala pa rin akong pakielam. Andami ko nang tinatama sa mga exams ko, sobrang bilang lang naman ang mga mali. Kaya naman pagbibigyan ko na ang sarili kong maging mali sa realidad. Sabi nila matalino ako nang natural. Magaling sa academics na parang alam lahat. Pero may napagtanto ako.

Hindi lahat ng bagay ay matututunan. Saan ka naman kasi makakakita ng libro na may title na How to Live Your Life? Aba! Kung meron man eh napakagaling naman nung nagsulat. Don't buy it. Don't read it. It's up to you how your life would start and end. Hindi naman pwedi yung naidepende mo lang yung takbo ng buhay mo sa isang manual o instructions. You have to make your own path whether it's agreeing or opposing with your fate and destiny. Malay mo mabago mo yun diba?

Isa pa yun eh. Fate. Destiny. Paano nga ba kung pinipilit ko na lang na baguhin ang kung anong inihanda sakin ng tadhana? Yun bang nakikipaglaban pa talaga ako. Mala-David Norris ang peg? Sus! Kung pwedi lang ba eh. Kaso lang, what if the unseen forces succeed this time? Hahayaang ko nalang siguro. Kung sisirain ko kasi yung nakatadhana sakin, di lang isang fate ang masisira—kundi yung sa iba rin.

Kaya naman hanggang ngayon naguguluhan na talaga ako. Sabi ng utak ko mahal ko si Kath. Pero iba naman ang dinidikta ng internal organ na nasa dibdib ko. Ano bang dapat sundin? Ewan!

Bakit ba kasi ngayon ko lang narealize 'tong nararamdaman ko? Dahil ba nakita kong nagiba ang itsura ni Andrea? Ni tol? Siguro naman hindi. Dahil bago ko pa siya nakitang ganun eh naguguluhan na ako. At tsaka hindi ako tumitingin sa panlabas. Wala akong pakielam. You should love with your eyes closed. In that way, you will never be confused about how you fell. If in that way you still feel the love, then congrats, that's real.

Kaya ba hindi ko makuhang mapansin ang nararamdaman ko at mismong si Andrea kasi pinipilit ko pa ring mabuhay sa nakaraan? Am I living to what was before when I'm supposed to move on and live in present?

Siguro nga. But I need some verifications. After all, hindi lahat ng valedictorians eh tama lagi. They always need supporting datas.


***

"Hoy tol!" tawag ko sabay hagis ng unan kay Andrea. Nandito kami sa sala ng suite, nanunuod ng chick flick na hindi ko naman maintindihan ang kwento. Hindi pa rin niya ako pinapansin dahil focused pa rin siya sa tv.

Ah ganyan ka na ha? Di namamansin ha? Tingnan natin. Binato ko ulit siya ng unan nang sunod-sunod. At ayun natinag naman siya.

"Ano ba Jap! Nanunuod yung tao eh!" inis niyang sabi. Ang ganda eh! Binato niya ulit sakin yung unan pabalik. Magkatapat lang kasi yung couch na kinauupuan namin. Ayokong lumapit dyan. Baka mamaya murderin ako ng hampas niyan pag kinilig.

Wala akong magawaaaa! Mapagtripan na nga lang si tol. Binato ko na naman ng unan. Hahaha! Wala talaga akong magawa. Abnormal na yata ako. Saturday naman kasi ngayon kaya walang klase. Nakakabaliw naman ang katahimikan. Mali pala! Eto na, nagiinit na si tol.


"Isa pa talaga Jake Anthony Periño!" sigaw niya. Ako naman eh tawa lang nang tawa. "PAPANSIN KAAA!"

"Chill tol." mahina kong sabi kasi tawa pa rin ako nang tawa.

Unlucky Cupid (Cupid Series #1) Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon