Chapter 9: Flashback Part II

51.5K 808 36
                                    

Chapter 9: Flashback Part II

***

Hinanap ko na kung nasaan si Lindsay. Una kong pinuntahan ang CR, na lagi nyang tambayan pag magulo ang buhok nya o kailangan nyang mag-refresh ng sarili. Hayyy.

Wala sya dito. Puntahan ko kaya sa may third floor ng building B? Dun naman kasi ang lagi naming taguan o laging pinupuntahan pag gusto naming mga mag-solo.

AYOS! Nandito ata? Kaso hindi ko makita. May nakaharang na kahoy, mukang tinakpan ata ang daan para may privacy?

May nagsasalita...

Pero lalaki?

Sino naman kaya?

"Totoo? Gusto mo ako?" Tanong nung lalaki.

"Hindi lang kita gusto. Mahal na kasi kita!" Sagot naman nung babae.

"Pero alam mo namang gusto ko ang kaibigan mo diba? Bakit hindi ka pa sumuko?"

"Kasi alam ko na kapag pinagpatuloy ko ito ay may posibilidad na magustuhan mo din ako. Hindi ba? Pwedi naman yun diba? Matututunan mo din naman akong mahalin, diba?" Sunod-sunod na tanong nung babae. At narinig kong umiyak na sya.

"Pero sa tingin ko hindi. Siguro, io-open ko nalang ang puso ko sa iba kung malalaman kong ayaw sa akin ng kaibigan mo. Pero sa ngayong hindi ko pa alam kung ano talagang nararamdaman nya, eh wala akong choice kundi sabihing...

I'm sorry."

Patuloy na umiyak yung babae. Mas lumakas pa ito nung papaalis na ako. Hindi naman siguro si Lindsay iyun diba? Hindi sya ganyan sa isang lalaki alam ko. At isa pa, kung may maghahabol man, ay yung lalaki iyun. Karanasan kasi si Lindsay ang hinahabol ng mga lalaki dito sa school namin. Umalis na ako at bumalik na sa room. Natapos ang afternoon classes ng wala si Lindsay. Hinanap ulit namin sya nang nag-bell, ibigsabihin dismissal na.

"Ano, nakita mo na ba si Lindsay?" Tanong ko kay Yna.

"Hindi eh. Saan-saan ka na ba pumunta?"

"Nako! Nilibot ko na ata ang buong school. Teka, baka naman umuwi na?" Tumalikod ako at nakita na si Lindsay. Medyo namamaga ang mata. Hindi kaya sya yung babae sa third floor kanina? Wag naman sana. Nilapitan namin sya. Pero dumistansya sya ng konti. "Lindsay, saan ka ba nag-punta? Bakit ganyan ang mata mo? May nang-away ba sayo?" Sunod sunod kong tanong sa kanya.

"Ah, wala ito. Napuwing lang talaga. Eh kinamot ko ng sobra kaya eto sumakit at napaiyak ako." Sabi nya ng may konting ngiti sa labi nya.

Alam kong hindi sya ok. May nangyari, kaso hindi ko alam kung may karapatan ba akong magtanong. Pero since kaibigan ko naman sya, at kaibigan naman nya ako eh itatanong ko na talaga. "May nangyari ba, Lindsay?" Tanong ko with an extreme sincerity.

Tumungo lang sya. "Eh paano kung sabihin kong OO, pero wala naman kayong magagawa?" Tumutulo na ang luha sa kanyang mata.

"Sabihin mo nalang Lindsay. Siguro naman may maitutulong kami kahit paano." Sabi ni Yna.

"Oo nga." Nag-agree naman ako dun.

"Wala. Wala kasi kayong magagawa. Sige, guys una na ako." Lumakad na palayo samin si Lindsay.

Sinubukan ko syang sundan pero pinigilan ako ni Yna. "Kath, siguro mas mabuting mapag-isa muna sya. Pag okay na sya baka sabihin na nya sa atin kung anong problema."

Tama naman si Yna. Kaya hindi ko nalang muna sya sinundan.

Isang linggo na ang lumipas. Pero bakit ganun, hindi ako pinapansin ni Lindsay? May nagawa ba ako, mukhang wala naman ah?

Sinubukan ko syang i-PM sa facebook, ym, skype, msn at nagpost din ako sa wall nya. Sa dami daming chat services na yan eh ni isang reply wala talaga. Miske mga messages ni Yna ay hindi din nya pinapansin. Ano ba kasi talagang nagawa namin sa kanya?

"Tingnan mo si Lindsay oh, kasama ni Lindsay sila Frixie. Eh parang nung isang araw lang eh hate na hate natin si Frixie ah. Ano kayang nangyari kay Lindsay?" Sabi ni Yna.

"Oo nga eh. Kausapin na kaya natin ng personal?" Suggestion ko.

"Sige. Mamayang break para wala masyadong tao dito sa room."

Itong subject nalang at pagkatapos nito ay lunch break na. Makakausap na namin si Lindsay, well hopefully.

"Class, did you understand?" Tanong saamin ni ma'am pagkatapos mag-discuss.

"YESSSS!" Sagot namin kahit halata namang wala kaming naintindihan. Normal lang yun diba? Haha.

May kumatok sa pintuan ng room namin. OMG! Si Jake Anthony Periño.

"Excuse me, ma'am. Can I go out?" Tanong nya kay ma'am.

Go out? Eh first year sya ah, grade six lang kami. Di kami magkaklase pero bakit dito sya nagsasabi kay ma'am ng ganyan? Pero ok lang, nakasilay na naman ako. Eeeeep! Di ko mapigilan ang sarili koooooo!

"What, Mr. Periño?"

"Can I go out," Ulit nya. "...With Katherine." Sabay tingin sa akin. Okay, so kinikilig na talaga ako ng sobra sobra.

At naghiyawan naman ang mga kaklase ko. Halos lahat sila ay nadala sa sinabi ni Jake Anthony Periño. Parang yung sa commercial lang ah, pero para sa akin eh mas sweet ang pagkakasabi nya.

*Thud-thud thud-thud*

Tumawa naman si ma'am at tumango nalang sya. "Sure, you can."

Naman?! Bakit pumayag si ma'am. Gusto ko nga si Jake Anthony Periño, kaso lang crush lang naman eh. Crush lang talaga, di pa to love. I've never been in love.

Pumunta sa may upuan ko si Jake at inaalok ang kamay nya, causing my classmates to burst into 'awwws'. Kinuha ko naman at sabay kaming lumabas ng room. Ewan ko kung bakit ako sumama sa kanya, pero feeling ko kailangan ko talaga.

Nang nasa may terrace na kami sa third floor, umusap na sya. "Hi, Katherine."

Ang pogi ng boses nya. Sheet of paper from trees talaga. Wala akong masabi, pero pinipilit kong magsalita. Ayokong ma-bore sya sakin. "Uh, eh... Hi Jake Anthony Periño." OMG! Ang OA ko na. Full name pa kasi nasabi ko. Pasensya, kinikilig eh.

Tumawa sya ng napakapoging tawa. "Kailangan talaga full name?" Tumawa ulit sya.

"Uh, eh kasi..." Di ko na alam ang sasabihin ko, hiyang hiya na ako.

"It's okay. Tawagin mo nalang akong Jap." :)

"Ah. Sige." Ano ba naman itong ngiti ko, wagas eh noh? Hahaha. Sorry naman, kinikilig lang talaga eh.

"May sasabihin sana ako sayo eh." Tinitigan nya ang mga mata ko. Mukang kinakabahan ako ah. Hindi na sya nagantay pa ng sagot ko. "Gusto kita."

Tama ba naririnig ko? GUSTO NYA AKO? OMG! PULA NA AKO!


Unlucky Cupid © 2011-2012 Starine


Unlucky Cupid (Cupid Series #1) Published under Pop FictionWhere stories live. Discover now