Chapter 6 - Omygosh

2.3K 61 10
                                    

Wala naman special na nangyari sa buhay ko, after 3 months ng break-up namin nung ex kong si Tyler. I can't say that I've moved on na, kasi honestly, I still think of him. I can still feel the pain.

Matagal at mahaba din ang pinagsamahan namin nun. Mabait naman kasi yun eh, yun nga lang, nagloko. Minsan binibisita ko yung facebook nya, mukha naman masaya sya. Minsan nag memessage sya sa akin, nangangamusta. Parang wala lang. Ganun nga siguro talaga pag di mo na mahal ang isang tao, ituturing mo na lang syang parang walang nangyari sa inyo dati. Maybe it’s really time for me to move on, but how? How do I start moving on when all I can think about was us?

  

Until one fine April day, I was about to go to work when Kit called me.

“Baby girl! OMG, where are you! You’re gonna freak out when you see this! You gotta see this, baby girl!” o-a nanaman ang best friend ko. Ganyan talaga sya pag nageexcite.

“Wait, wait, can you calm down? I’m driving, you freak. What’s that ba?”

“Go check your phone! Grabe. You’re so lucky!” what did I do now?

“Kk, will call you, I’m just driving, can’t check my phone.”

“Okay! Ciao! Go check it na right away! Yiiii.” May pahabol pang kilig effect.

As soon as I parked my car, I checked my phone, ang dami nang notifications. Anong meron? Mga hindi ko kakilala, nagmemention sa name ko sa instagram. Sa facebook naman, yung ibang friends ko, nagpopost sa wall ko, may photo na shinishare. Anong meron?

"OMG. As in, OMG." Hindi ko pa man nakikita kung ano man ang meron at hibang ang mga tao sa social media sites ko, tumawag nanaman si Kit at yan ang bungad nya pag kasagot ko.

“Can’t you wait? I was just about to check my phone. Pano ko na makikita ngayon eh tawag ka ng tawag? Ano ba kasing meron?” naiirita na ako.

“Okay, sige, ibababa ko na to, pero promise me you’ll call me as soon as makita mo ha. I wanna hear your reaction! Too bad kasi we’re not together now eh, hindi tuloy kita matutukso. Loser me.”

“Oo na, sige na. I’ll call you the soonest, okay? Laters!” I hunged up the phone and checked it again.

I opened one of the photos my friends shared to me on facebook, 'Ako to ah.' sabi ko sa sarili ko. "Teka, ako to ah. Pano? Sino nagpost nyan?" sabi ko.

Binuksan ko ang instagram ko.

'ShaneKeannYap mentioned you in a post' yan ang nakasulat. Inopen ko.

Holy shizz! Si Sky. “Si Sky, yung artistang nakilala ko nung birthday ko, nagpost ng picture ko sa ig?” sabi ko ulit sa sarili ko. Naalala ko nagpicture kami nun, meron ako nun dito sa phone ko eh, alam ko meron din syang kuha sa phone nya na kaming dalawa. Sabi kasi nya, remembrance daw. Pero bakit picture ko lang tong pinost nya? Wala sya. Pano nya ko kinuhanan ng ganitong picture?

Collage yung picture. Isang whole body shot, isang medyo focus sa mukha ko. Pano nya ko napicturan ng ganun? Tinitigan ko ang post. Candid ang shots. Nakatawa ako sa parehong shot. Pero di ko maalala kung anong meron at nakangiti ako nung time na un. Tinignan ko ang caption.

ShaneKeannYap "Ever since I met you, nobody else is worth thinking about. Alessandra @LexiHofer When will I see you again? #icantwait #loveatfirstsight"

Napanganga ako nung nabasa ko. Ano daw? Bakit? Pano? Bakit ngayon lang nya pinost? At bakit solo pic ko lang?

“Baby giiiirlll. Oh, ano? Nakita mo na ba?” sabi ni Kit sa pangatlong tawag nya.

“Pano nangyari yun? Bakit may ganun akong picture? And why is his caption like that?” tanong ko sa kanya.

“Ako talaga tatanungin mo? Kayo magkausap nun diba, remember?” inalala ko yung mga nangyari nung time na yun. Pano nga kaya?

Hindi ko na muna inabsorb yung mga pictures na nakita ko, hinayaan ko na lang din ung mga tag at mentions na dumarating sa phone ko. Nag focus na muna ako sa work ko. May trabaho din naman kasi ako.

I went home late dahil sa overtime. Super pagod. As I checked my phone, naalala ko na may mga tanong pala ako kanina that needs answers.

I opened instagram again and read some of the comments on Sky's post. Some are saying negative things about me like they don't like me for Sky. That I looked like too good to be true. Some says I'm not worth Sky's thoughts. Some are saying naman positive comment which made me smile. Plus some of my friends also commented and mentioned me. What the hell is wrong with this people? Ganun na ba ka big deal yung post na yun?

I liked the picture and did nothing. I don't feel like reacting, kasi wala din naman, baka hindi din nya ako mapansin. Though, honestly speaking, kinilig ako sa nabasa ko. I just don't know lang if it's true or wala lang.

So as a response, I remembered to post our picture together the first time we met.

I said something like this:

LexiHofer "Hi @ShaneKeannYap :) It's been a while, I almost forgot to post this picture. :) #fangirlmode"

Just seconds after I posted it, ang dami na kaagad nag like! Ang dami ding nagfollow sakin, all of them, di ko kilala.

Okay, I'll admit, kinikilig ako. Hindi ko alam kung bakit. Parang there's something that's making me smile.

Pag check ko ulit ng ig ko, nilike nya yung post. Nag antay pa ako ng konti. 'Baka magcomment sya.' sabi ko sa sarili ko. Ilang minuto at oras pa ang lumipas, wala talagang comment. 'Like lang talaga?' sabi ko ulit sa sarili ko. Wala nga talaga, siguro napagtripan lang nya un picture ko, kaya sya nagpost ng ganun. Asa naman akong magustuhan ako ng tulad ni Sky.

'Til Infinity Runs Out [COMPLETED]Where stories live. Discover now