Chapter 11 - And we'll be US

1.9K 53 8
                                    

"Pahinga naman tayo. Kanina pa tayo lakad ng lakad eh." Sabi nya.

Aba akalain mong sumuko din sya. Kanina pa kaya ako pagod sa kakalakad nya. Pero okay lang, kung sya naman ang kasama ko eh, okay lang mapagod, worth it.

"Gusto mo bang kumaen?"

"Sure. Tara." Nagsmile sya sakin.

Naglakad kami papunta sa isang Italian resto sa loob ng theme park. Kumain kami at nagkwentuhan.

Nagkwento sya about sa life nya. About how she grew up travelling and meeting different kinds of people. Nagkwento din sya about sa ex nya. Hindi ko magets ung point kung bakit sila naghiwalay. Pero the way she talks about him, halatang halata na sobra syang nasaktan sa break up nila. Almost 5years din daw sila nun, at first serious boyfriend nya un. Ibig sabihin, seryoso talaga sya pagdating sa relationship. Nagaalinlangan tuloy ako. Mahal pa kaya nya yun? Nakamove on na kaya sya o mababasted lang ako kung itutuloy ko pa to?

In the end, we had fun. So much fun na ang sakit isipin na matatapos na yung day.

Hinatid ko sya pauwi sa condo nya. Pero bago ko sya tuluyang pakawalan, sasabihin ko na sakanya un kanina ko pa gustong sabihin.

"Thank you for this day." Sabi nya pagstop ng kotse sa harap ng building na tinitirhan nya.

"Nagenjoy ka ba? Ako kasi sobrang saya ko. Thank you din ha." Sabi ko sa kanya. Totoong masaya ako. Masayang masaya ako na nakasama kita Lexi.

"Oo naman. Thank you talaga ha. Pano, una na ko.." Bubuksan na nya ung pinto ng hinawakan ko yung kamay nya para pigilan sya. Nagulat sya at napatingin sakin.

"Lexi, I know this can be really weird for you. Believe me, kahit ano nawiwirduhan sa sarili ko. Pero for the past days na nakita at nakasama kita, I can't help but fall for you." Nakatingin lang ako sa kanya. Nakatingin lang din sya sakin.

'Magsalita ka please..' Sabi ko sa sarili ko.

"We may not know each other that much, pero from the very first time I saw you, I felt a connection na between us. Alam mo yung pag nakikita kita, parang laging may fireworks and music effects sa background ko. Yung feeling na para akong nasa isang romantic scene ng isang movie. Hindi kita maalis sa isip ko. Laging yung smile mo ang nakikita ko. Pag naiisip kita, bumibilis ang tibok ng puso ko.. I have loved you eversince I met you." Hindi padin sya nagsasalita. Ano ba to. Itutuloy ko pa ba? Wala na e, andito na.

"Sky.." May gusto syang sabihin pero mukhang nagaalinlangan sya.

"Sky.. Hindi mo lang alam kung gano mo ko napapasaya. Hindi man tayo laging nagkakasama.. Pero simula nung unang labas natin, hindi ka na maalis sa isip ko. Sky.. I like you. Trust me, I really do. Sino ba namang hindi, diba? Pero.." Napangiti na ko nung sinabi nyang gusto nya din ako.. Pero bakit may pero?

"Pero ano?"

"Sky I'm scared. I'm scared na baka hanggang dito lang to. Na baka kasi andito ka ngayon at malapit ka sakin kaya ganyan ang nararamdaman mo. I'm scared na baka pag dumating yung time na kailangan mo ng umalis, eh magbago nadin ung nararamdaman mo.." Napayuko sya at napahigpit ang hawak nya sa kamay ko.

"Hindi ba pwedeng itry na lang natin? Hindi ko maipapangako na magiging perfect to, pero sigurado akong hinding hindi ko hahayaang masaktan ka. Kahit magkalayo man tayo, hindi magbabago tong nararamdaman ko para sayo." sabi ko sa kanya.

Alam ko masyado pang maaga para masabi ko yung ganun. I've never had a long distance relationship before, naririnig ko lang from stories kung gaano kahirap. Pero kung mahal mo naman ung tao, kahit malayo kaya naman diba? I mean, pano yung mga married couples na kailangan magkalayo? Married pa din naman sila after a long time of not being together ah. Kakayanin namin to.

Just give me a chance to prove myself to you, Lexi.

"Madaling sabihin yan, Sky." napailing sya.

"Just give US a chance, Lexi. Hindi kita pinipilit, if you don't want or anything, okay lang sakin, just tell me." Nilagay ko yung mga kamay ko sa pisngi nya at nilapit sakin.  Napatingin sya at tumango at ngumiti.

"Okay." sabi nya.

"Okay?"

"Let's try..?" sabi nya.

"I won’t let you down, I promise." sabi ko sabay niyakap ko sya.

'Til Infinity Runs Out [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon