Chapter 20 - So Near, Yet So Far

1.7K 45 0
                                    

//DAYS AFTER..

“Sky?” napalingon ako sa may likod ko ng marinig ko ang boses na yun.

“Z!” sigaw ko.

“Long time no see. Lalo tayong gumwapo ngayon ah. Epekto ba yan ng may girlfriend?” sabi ni Zoey, nun first time naming magkita pagbalik ko galing bakasyon.

Si Zoey Tan, yung ka-loveteam ko. Crush ng bayan. Pano ba naman kasi, sobrang ganda naman kasi talaga, tapos sobrang sexy pa. Matagal na kaming magkasama nito sa showbiz, matagal ko na din syang ka-loveteam. Tawag nga nila samin ‘Zoesky’. Oh diba, parang aso lang eh. Ewan ko sino nagpauso nun, nung una, ang pangit pakinggan pero nung tumagal, okay na din.

“Baliw.” Sabi ko sa kanya tapos nag hug kami at nag beso-beso.

Sabay kaming napunta ni Zoey sa contract signing namin sa network namin. Pag dating namin dun, agad naman kaming winelcome nung mga big bosses ng network. Beso dito, beso doon. Tapos nagsimula na yung main event. Nagpirmahan na, nagkwentuhan, nagpicture picture. May mga bago daw kaming projects ni Zoey na magkasama. May bagong teleserye. May bagong movie. Kaming dalawa nanaman.

“Anak, kamusta ang lovelife? Balita ko may girlfriend ka na ha.” Sabi nung isang big boss.

Nahiya naman ako shempre, akalain mong ang bilis naman talagang kumalat ng balita. Sabagay, ano pa nga bang ieexpect ko eh nasa showbiz nga pala ako.

“Hehe, okay naman po. Sa ibang bansa sya nagwowork eh.” Sabi ko na lang.

“Mabuti naman, pero sana naman anak, hindi mapabayaan ang career mo dahil jan ha. Alam mo naman dito sa industriya natin.” Paalala nya.

“Opo, alam ko naman po un. Salamat po.” Sabi ko na lang.

Naswertehan ko din talaga tong network na to eh. Swerte talaga na dito ako napadpad. Mababait yung mga boss tapos ang laki pa ng blessings na binibigay sakin. Sobrang pinagkakatiwalaan nila ako sa mga mabibigat na projects na binibigay nila sakin kaya ang laki din talaga ng utang na loob ko sa network na to.

Sa totoo lang, mahirap maging artista. Akala siguro ng mga tao madali, o masarap un buhay namin. Pero hindi rin. Masarap, oo, aaminin ko masarap ang buhay artista kasi malaki ung kinikita namin. Pero shempre talagang buhay namin ung puhunan namin. Kapag artista ka kasi kailangan dedicated ka talaga tsaka mahal mo yung ginagawa mo. Kasi kung hindi, wala kang mararating. Halos walang pahinga nga ang mga artista. Kaya nga kung may chance na magbakasyon, talagang sunggaban na kasi minsan lang yun. Pero ako, sobrang pasalamat na lang talaga ako sa kung nasaan ako ngayon. Yung point ng buhay ko na feeling ko kumpleto na ako. May lablayp, may karir, masayang pamilya. San pa ko, diba?

***

//FEW MONTHS AFTER

Ilang buwan na din mula ng nakabalik ako dito sa Manila. Ilang buwan na din kaming araw-araw, gabi-gabi nabubuhay ni Lexi sa Skype. So far, okay naman. Masaya naman kasi kahit paano eh para padin kaming magkasama.

'Til Infinity Runs Out [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon