Chapter 51 - Unkiss me

1.4K 29 2
                                    

Dumating kami ni Zoey sa restaurant 15 minutes before 8pm. Hindi din nya alam kung bakit kami nandoon. Hindi ko kasi sinabi sa kanya. Ang pagkakaalam lang nya ay magdidinner kaming dalawa, bilang pasasalamat ko sa kanya sa pagsama nya sa akin pabalik ng Pilipinas.

Pinaupo ko sya sa table na pinareserve ko, ako naman, nagpaalam muna sa kanya na lalabas lang ako, kunyaring may nakalimutan sa sasakyan na dala ko.

Tinawagan ko si Sky pagkalabas ko ng place.

"Hello?" sabi ko.

"Wait lang, malapit na ako. Nagpapark na lang." sabi naman nya.

Nakita kong paparating ang sasakyan ni Sky kaya agad akong sumakay ng sasakyan ko para hindi nya ako makita.

'Keep calm, Lexi. Wag kang magbebreakdown dito. Please, ginusto mo to.' paalala ko sa sarili ko.

Huminga ako ng malalim at pumikit. "Sige na, pasok ka na kaagad, kanina pa ako nag-aantay." sabi ko.

Sinundan ko sya ng tingin, mula pagbaba nya ng sasakyan nya hanggang sa pagpasok nya sa restaurant. Nang makapasok sya ay agad naman akong lumapit sa may pinto ng restaurant para makita ang reaction nilang dalawa pag nakita nila ang isa't isa.

May waiter na nagassist sa kanya papunta sa table. Yung itchura nya, mukhang balak pa nya akong gulatin, pero kitang kita ko sa mukha nya ang sobrang pagkagalak ng makita nyang si Zoey ang nakaupo doon at hindi ako.

Laking gulat din ni Zoey na si Sky ang nakita nya at hindi ako. Kitang kita sa mga mukha nila ang saya, ang pagkamiss sa isa't isa. Agad nilang niyakap ang bawat isa. Sobrang saya nila. Alam kong masaya sila. At ang sakit sakit sa akin na makitang masaya sila.

Nakita kong kinuha ni Zoey ang phone nya, sabay nag ring naman ang phone ko.

"U-uy" sabi ko. Nauutal pa ako. Alam nyo yung feeling na gustong gusto nyo na umiyak tapos sumasakit na yung lalamunan nyo kasi pinipigilan nyong maiyak? Ganun.

"Oh my gosh, Lexi! Thank you! Hindi ko alam na ganito pala ang balak mo! Grabe. Thank you talaga!" sabi nito. Kita kong masaya talaga sya, pinagmamasdan ko pa din sila.

"Ah.. Wala yun. Oh, pano.. Mauna na ako ha? Wag mo ng pakakawalan yan." sagot ko na lang.

Umalis na ako after ng phone call namin ni Zoey. Ayoko ng makita kung ano man ang sunod na ginawa nila. Durog na durog na ang puso ko.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hindi ko alam kung sino ang pwede kong kausapin. Hindi ko na alam kung tama ba tong ginawa ko. Para akong nagsuicide. Dahil ako mismo ang naghatid sa lalaking pinakamamahal ko sa babaeng pinakamamahal nya. Ako mismo ang nagbigay sakanila ng second chance. Para kong sinaksak yung sarili ko sa puso mismo. Sobrang sakit.

'Til Infinity Runs Out [COMPLETED]Where stories live. Discover now