Chapter 45 - Confused

1.2K 34 4
                                    

"Bebegirl. I have a plan." sabi ni Tyler.

Plan? Anong plan naman kaya pinagsasabi nitong lalaking to? Lasing na yata eh..

"Anong pinagsasa--" napatigil ako sa sasabihin ko nang bigla nya ako hinalikan. His lips locked into mine. Oh, those soft lips of his.. Tekaaa!

"Asdfghjkl!" Hindi ako makapag salita, pilit ko syang itinutulak palayo pero hindi sya gumagalaw. Pilit nyang ginagalaw ang mga labi nya laban sa labi kong nakatikom lang at pinipigilang bumigay.

Ayoko ng ganito! Bigla nag flashback sa isipan ko yung mga panahon na ginagawa namin ito. Yung mga panahon na masaya kami. Yung mga panahon na pag-aari pa namin ang isa't isa.

Taeng lalaki naman to oh. Inikot ko ang mga mata ko sa lugar kung saan nakapwesto si Sky, nahagip ng paningin ko ang itsura nya, nakatulala na parang nakakita ng multo. Uy, effective? Hindi na ako nagpumiglas pa at hinayaan na lang si Tyler, mukhang eto yata ang plano nya, sige na nga. Go with the flow na lang. Mukha namang nakita ni Sky eh.

Pero bakit ganun, parang gusto ng bumigay ng mga labi ko. Parang unti-unti na akong nanglalambot. Parang gusto ng gumalaw ng mga kamay ko para yakapin sya. Bakit ganun? Mali ito.

Bago pa man ako bumigay ay kusa ng lumayo ang mga labi ni Tyler sa mga labi ko. Gustuhin ko man syang sampalin ay hindi magawa ng mga kamay ko. Bakit? Ewan ko din? Dahil siguro nagustuhan ko din naman ang ginawa nya, at nakita ko ang reaction ni Sky na parang nagulat. O dahil siguro namiss ko din yung ganun, yung ganito, yung feeling na merong may gusto sa akin. Kahit pagpapanggap lang..

"Ano? Ayos ba?" Tanong ni Tyler na pangiti-ngiti.

"Siraulo ka talaga!" hampas ko sa kanya. "Pero infairness, effective." ngumiti na din ako.

"Effective nga! Hindi ka umangal eh." Tumawa sya. "Namiss mo noh?"

Loko to ah. "Baliw!"

"De, seryoso na." sagot nya. "Nakita mo ba yung reaction nya? Gusto ka pa nun."

Sumimangot ako, "Nagulat lang yon."

"Nagulat sya kasi hindi nya inaasahan. Nagulat sya kasi nagseselos sya."

"Bakit pa ba natin ginagawa ito? Tsaka bakit pinagtutulakan mo ako kay Sky? Hindi ba dapat kampi ka sa pinsan mo?" tanong ko.

"Wala lang. Siguro kasi, gusto ko lang makabawi sayo. Sa nagawa ko before.." yumuko sya. "Alam ko naman kasi na kung hindi kita iniwan noon, hindi magiging kayo ni Sky. Hindi ka sana nasasaktan ngayon.. Kaya gusto kong bumawi. Gusto kong tulungan kang makuha yung tunay na kaligayahan mo." sabay ngiti.

"Kasi importante ka pa  din naman sa akin kahit papaano.." dagdag nito.

"Akala ko naman gusto mo na ulit ako." biro ko. Hinawakan naman nya ang pisngi ko at nagkatinginan kami. "Joke lang!" sabi ko.

"Gusto pa din naman kita ah. Kaya lang, hindi na pwede. Kasi iba na ang mahal natin." Nalungkot naman ako sa sinabi nya. Ewan ko ah. Bakit ganun, parang umaasa ako na sana gustuhin na lang nya ulit ako?

'Kasi feeling mo, makakalimutan mo si Sky pag ginusto ka nya ulit. Rebound ba.' sagot naman ng konsenya ko.

Siguro nga ganun. Pero ayoko naman gumamit ng ibang tao para lang makalimutan si Sky. At, ayokong kalimutan si Sky. Sino ba kasing nagsabi ng gusto ko??

"Ano na? Tuloy na natin yung plano?" tanong ni Tyler.

"Ano ba kasing plano yang pinagsasabi mo? Kanina ka pa plano ng plano, wala ka namang sinasabing plano!"

"Pagseselosin nga natin si Sky! Ako na bahala sa pinsan ko. Ano??" Napaisip ako. Kapag ba ginawa namin ito, magtatauhan si Sky? O baka naman lalo lang syang lumayo kasi iisipin nya na masaya na ako?

"Wag na lang kaya?" wag na lang, kasi ako nanaman talo neto eh.

"Bakit?"

"Unang una, may girlfriend ka. Ayokong isipin ng iba na mang-aagaw ako. Pangalawa, ayokong isipin nya na sobrang desperada naman ako. Pangatlo, hindi naman ako nageexpect na balikan nya ako eh. Okay na yung mahalin ko na lang sya. Yung ganun lang." sagot ko sabay inom nanaman ng alak. May pang-apat pa pala akong rason, naalala ko. Pang-apat, may sakit ako. Mamamatay din ako eventually.

"Ayaw mo bang maging masaya ulit?" seryosong tanong nya.

"Gusto. Masaya naman ako eh. Masaya na ko sa ganito. Masaya ako na may kaibigan akong tulad ni Kit, tulad mo. Na gustong maging masaya ako. Masaya na ko." ngumiti ako. "Salamat, pero wag na lang.."

"Okay. Sabi mo eh. Pero hindi pa din ako magpapapigil. Bahala na si Batman kung magselos sya. HAHAHA." sabi nito sabay inom ng beer.

"Hindi ka talaga maglulubay noh? Bahala ka, praning neto."

"De, seriously, sorry ah. Dahil sakin kaya ka nagkakaganito."

"Ang feelers mo!"

"Totoo nga, seryoso. Sorry. Sa mga nangyari dati. At salamat. Kasi ganito tayo ngayon."

"Wala yun, wala na yun. Life is too short para magtanim ng galit.."

Life is too short. My life is literally too short para magalit. Sigh.

--------------

Author's Note: nawiwili talaga sa kaka-author's note eh. Hahah. Sorry kung sabaw ang update. :D Pero feeling ko masaya sya. Hahaha. Abangan na lang ang next na update.. Ano nga kaya ang mangyayari kay Lexi at Tyler? O Lexi at Sky? Sino ba talaga??

'Til Infinity Runs Out [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon