Chapter 27 - Tell me, this isn't real!

1.3K 35 1
                                    

I immediately turned off the tv after I watched that hideous interview. Waaaaah. Parang gusto kong sumabog sa nararamdaman ko. How can he do that to me? Parang I felt betrayed sa harap ng maraming tao, ganun un mga sinasabi nya. Gusto ba nya si Zoey? Or was that just part of their show off as a loveteam?? Maniniwala ba ako o aantayin ko syang magexplain?? Naiiyak na ko.

Nasusuka nanaman ako. -_- Kamalasan nga naman talaga ohh. Ughh. Ano bang nangyayari. Niloloko ba ako ng boyfriend ko? Mamamatay na ba ako?? HUHUHU.

Mga gabi na ng chineck ko ung phone ko, may messages na pala si Sky.

Sky: Wala ka bang balak magparamdam?

What? Ano nanaman daw?? Galit kagad?? War-la nanaman ba to??

Me:I told you I was not feeling well, kaya nga hindi ako pumasok sa work eh. Tapos ngayon sasabihin mo na wala akong balak magparamdam? Did you even bother to ask anong nangyari sakin??

Sky: So kapag di ako nagmessage sayo, di ka na din magpaparamdam??

Hindi talaga nya tatanungin man lang kung okay na ba ako o mamamatay na ko??

Me: Magmemessage ako sayo, tapos ano? Di mo naman ako papansinin? Mukha nanaman akong tanga na nagaantay sa wala??

Sky: Oh, edi wag na tayong magusap kung ganito lang naman pala!

Nakakapikon na to ah.

Me: Magagalit ka nanaman ngayon! Jan ka magaling eh! Ni hindi mo man lang nga  muna ako tinanong kung buhay pa ba ko?! O baka naman kasi masyado kang busy dun sa Zoey mo! Oo nga pala, napanood ko ung interview nyo! You look so sweet nga eh! Kainggit ah!

Totoo naman eh. Hindi naman din sya nagpaparamdam buong araw. Nagkataon lang na naunahan nya akong magtext. Ano to? Intayan? Pataasan ng pride? Pagkatapos nyang ibalandra sa buong sambayanan na naglalandian sila nung Zoey na yun, naun magagalit sya sakin dahil lang hindi ako nagpaparamdam sa kanya! Ayos ka brad ah!!

Sky: Whatever, Lexi. Wag ka na magreply.

Wow ah. Galit? Di pa man kami nagkakaayos, galit na ulit? Patong patong na lang, ganun? Wala man lang, 'pagaling ka', 'uminom ka ng gamot' o 'magpacheck-up ka'. Ano yun? Parang wala lang sa kanya na may sakit ano at inuna pa talaga nya yung galit nya?? Grabe!! Ni hindi man lang sumagot dun sa tungkol kay Zoey!! Amp.

Nakakapikon diba? Yung wala ka namang ginagawa tapos bigla kang aawayin. Minsan nakakapagod na din eh. Halos ilang araw na kaming ganito. Ano na bang nangyayari samin? Kaya ba kami ganito dahil dun sa mga sinabi nya sa interview? Ayokong isipin. Ughh.

Pagkatapos namin magaway ni Sky. Agad kong tinext si Kit.

'I need you. :('

Di ko na kaya to. I need a friend. Kailangan may makausap ako para hindi ako magisip ng kung ano ano. -_-

Mga isang oras ang lumipas, dumating na si Kit.

"Baby girl.." Malungkot na bati nya sakin. "Napanood ko.." Sabi nya sabay simangot.

Okay. Alam na kagad nya yung reason kung bakit ako nagtext sa kanya kanina.

"Failed nanaman ba?" Mahinang tanong ko. Pinipigilan kong umiyak kasi ayokong maging mahina ako.

"Hindi naman siguro.." Pampalubag loob na sabi nya. "Baka part lang yun ng acting nila. Alam mo naman.. Para bumenta lalo ung love team nila. Ganun."

Makes sense. Pero bakit sakto naman na habang pinapaganda nila yung loveteam nila, yun din naman yung time na bumabagsak na tong relationship namin. :(

Hindi ko napansin na umiiyak na pala ako.

"Wag ka ng umiyak. Mahal ka nun. Hindi mo ba nararamdaman un?"

Napaisip ako. Kelan ko ba huling naramdaman na mahal nya ako?

Nung concert nya?

Nung paguwi ko galing Manila?

Kelan pa yun? A month ago?

SHET. CONCERT. MONTH AGO.

PAGSUSUKA. PAGKAHILO. EMOTIONAL??

FCUK.

"Huy. Para kang nakakita ng multo jan. Bat bigla kang natulala?"

This is so wrong. Is it possible??

"Ah. Wala. Masama lang pakiramdam ko. Magpapahinga na ko, pwede?" Mahinang sabi ko kay Kit.

Mga ilang minuto pa ay nagpaalam na din sya.

"Text mo lang ako kung may kailangan ka ha! Love you baby girl. Wag ka na magalala. Everything's gonna be fine."

"Thank you."

Inantay kong makaalis na talaga sya at nagbihis ako ng pang alis. Kelangan kong malaman kung anong meron sakin.

Dali-dali akong nagpunta sa isang pharmacy para bumili ng kailangan ko at umuwi din kagad sa bahay.

Pagkauwi ko, ginamit ko kagad ang binili ko.. Nagantay ng ilang minuto para sa result..

...

...

...

POSITIVE.

'Til Infinity Runs Out [COMPLETED]Where stories live. Discover now