Chapter 12 - Not a bad thing

2K 53 9
                                    

LEXI

Hindi ko na kilala ang sarili ko sa sobrang saya at kilig na nararamdaman ko. Mababaliw yata ako. Shet!

'I can't help but fall for you'

'I have loved you eversince I met you'

'Just give US a chance, Lexi'

Ilang beses nagpapaulit ulit yang phrase na yan sa utak ko. Parang sirang plaka. Nakasubscribe ng unli sa utak ko. Hindi ko mapigilang ngumiti twing naaalala ko. Hindi ako mapakali sa kilig.

I don't know kung tama ba na pumayag ako kagad sa gusto nya. Oo, gusto ko sya. Gustong gusto ko sya. Pero, yung totoo, natatakot ako. Natatakot ako na mahulog ng sobra sa kanya. Natatakot ako na umikot ang mundo ko sa kanya. Natatakot na kapag sobrang attached na ako sa kanya, baka hindi ko kayanin pag nawala sya.

Biglang tumunog ang phone ko.

'ShaneKeannYap mentioned you in a post' sabi ng instagram.

Sa sobrang excited ko, nahulog ung phone ko sa mukha ko (nakahiga na kasi ako). Aray ah.

Nung tinignan ko yung post ni Sky, picture ko nanaman. Bakit ba ang hilig magnakaw ng shots neto? Puro candid na shots ko nanaman ung post nya. The caption says something like this:

ShaneKeannYap "MINE. @LexiHofer"

OMG.

Bago pa man ako makapag react, biglang nagring naman yung phone ko. Nagulat nanaman ako at nahulog nanaman sa mukha ko ang phone. Aray ulit ah.

"Hello?" sabi ko.

"Hi kin." sabi nya. And I died just hearing his schmexy bedroom voice. Ugh.

"Kin?" tanong ko.

"Oo, kasi akin ka na."

This is it. Wala ng urungan to. Gusto ko na talaga sya. Totoo na to talaga. Gustong gusto ko na sya. Bakit naman ganito ka bilis. Nakakatakot. Sigh.

"Lexi.."

"Mmm?"

"Miss na kita kaagad." Bigla nyang sinabi. I died. Again.

'How can someone like him fall for someone like me?' I thought to myself. Sobrang layo ko sa mga girls na nalilink sa kanya.

"Agad-agad?" I joked.

"Oo eh." he sighed.

'Til Infinity Runs Out [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon