Chapter 55 - Killing Me Soflty

1.2K 34 20
                                    

LEXI

It's been, like, how many weeks since I went MIA from everything. Hindi na ako nakapagpaalam sa kahit kanino. Pero kasama ko naman si Kit at ang family ko. My dad bought a property in Tagaytay, para daw magkaroon ako ng place to rest, since gusto ko nga sanang lumayo sa stressful na city.

"Lexi!" bati sa akin ni Kit nang umuwi sya from Manila. "Look! I found these in our unit!" excited na kwento nya habang pinapakita ang hawak nyang envelop.

"Hmm? Ano yan?" tanong ko. Agad naman niyang tinignan ang laman ng envelop na hawak nya.

"Dear Lexi, Hindi ko alam kung paano kita makakausap o mahahanap, nagbabakasakali lang ako na sana makuha mo ito, at sana makapunta ka." binasa nya ang nakasulat sa isang maliit na papel, with feelings pa.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi pa man nya sinasabi kung kanino galing ang sulat na iyon, ay mukhang alam ko na.

"Sky." banggit nya sabay tingin sa loob ng envelop na hawak nya at nilabas ang dalawang piraso ng maliit na papel. Parang ticket.

"Premier night?" tanong ni Kit.

"Akin na nga!" kinuha ko ang hawak nya at tinignan ito. Premier night ticket? Seryoso? Nag-effort pa sya para lang bigyan ako ng premier night ticket??

"Akin na ulit!" inagaw nya sa akin yung hawak kong ticket, pero hindi nya ito nakuha. "Kung alam ko lang na yan ang laman, hindi ko na lang sana dinala dito yan." inis na sabi nya.

"Punta tayo?" sabi ko.

"Nasisiraan ka na ba talaga?? Pupunta ka pa? Akala ko ba ayaw mo ng mainvolve sa kanila dahil ayaw mong makita ka nilang ganyan??" sagot naman ni Kit.

Napatingin ako sa salamin na nasa harap ko, sa sarili ko. Isang babaeng nakaupo sa wheelchair ang nakita ko. Napailing na lang ako, huminga ng malalim at pumikit.

HIndi naman ako mahina. Okay pa ako. May mga panahon lang na hindi ko kayang kumilos, siguro nga ay dahil nanghihina ako. Pero kaya ko pa naman. Hindi naman ako mahinang mahina. Keri pa. Kaya ko pa.

"Pupunta tayo. Sure na." pilit ko.

Wala ng nagawa ang kaibigan ko, pumayag na lang din sya. Para na din siguro manahimik ako.

***

Tuesday ng gabi nang umattend kami ng premier night ng bagong movie ni Sky at Zoey. Napakadaming tao! Grabe. Ibang klase talaga ang dating nga dalawang yun. Pati ako hanga na talaga sa chemistry nilang dalawa.

Tanaw sa kinauupuan ko si Sky na katabi si Zoey. Sa bandang right side kasi kami pumwesto, bandang taas ng pwesto nila Sky. Siguro naman hindi nya kami makikita, diba?

'Til Infinity Runs Out [COMPLETED]Where stories live. Discover now